Nagising ako ng madaling araw naisip ko na naman si Kent. Naisip ko na naman yung masasayang ala-ala namin. Napaiyak nalang akong bigla sa tuwing naalala ko yung mga pangyayaring yun. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ulit ako.
Nagising ako sa tapik ng papa ko.
"Di ka pa na maliligo Lia, baka mahuli ka sa klase mo." Sabi ng papa ko.
"Mauna nalang kayo pa, sunod nlang po ako." Sabi ko kay papa.
"Sge at kung yan ang gusto mo." Sabi ni papa ng pababa na sa hagdan.
Pagkaalis ni papa ay kinuha ko agad ang salamin sa ibabaw ng drawer ko. Nang tiningnan ko sarili ko sa salamin di na ako nagtaka kung bat namamaga yung mga mata ko. Kayo na namang umiyak ng magdamag. Naidlip ako ng kaunti dahil Alam ko matagal pa bago matapos si papa.
"Lia , gising na maligo kana." Sabi sakin ng mama ko.
"Sge oo ma." Tanging sagot ko kay mama.
Bumaba na ako at naligo na. Naayos ko na lahat-lahat at handa na ako sa pangalawang araw ng pasukan. Tanging hiling ko lang ngayon ay sana di magku-kros ang landas namin ni Kent. Paalis na ako ng bahay ngayon. Papunta na ako sa sakayan. Dating gawi parin lagi akong naka headset. Yun lang tanging libangan ko sa sarili ko. Di naman kasi ako gaya ng iba na gala ng gala. Tanging kakampi ko lang talaga ang nag-iisang headset ko.

BINABASA MO ANG
I Love You Goodbye
AlteleThis is my first story to publish. Hope you will like it. Mwuuaaahh:** Gawa-gawa lang po to ng makapangyarihan kung pag-iisip