NOTE: shinorcut ko lg po ito, di ko na po dinatalye ang buong convo dito.. nakalimutan ko na kasi eh ;)
He's my first boyfriend, my first kiss, my first hugs ,and my First Love..
*
*
HI! I'm Marj, just call me Marj . 17 years of age, a first year college at CHARMELET YADA YADA UNIVERSITY. I'm just a simple girl na walang ibang ginawa kundi mag facebook, mag-aral, magpaka dora at magpacute sa mga crush but my life has changed since i met him...
And this is what I had experienced to my first love..
"I never really knew you, you were just another friend, but when I got to know you, I let my heart unbend. I couldn't help past memories that would only make me cry, I fell in love with you and I'll never let you go. I love you more than anything I just had to let you know and if you ever wonder why I don't know what I'll say but just remember one thing I love you."
(c) unknown quote
*
*
DECEMBER 2012
Hi wattpad! eto yung buwan kung kailan kami unang nagkakilala. (sa facebook)
At that time nag fe-facebook ko, mahilig kase akong maglike ng mga status, scroll lang scroll sa newsfeed at kung ano man yung maganda para sakin , nilalike ko nalang there are times na kahit di naman mganda yung nakita nilalike ko nalang para may magawa naman ako nu. Pagkatapos ng ilang minuto, there's a stranger na naglike ng lahat ng profile pictures ko, at the time nairita ako dahil sa notifications na puro floodlikes mula dun sa "stranger" na yun.. hinayaan ko lang syang e-like yun lahat hanggang sa mapagod sya, sabi ko nga dat time "MAPAGOD KA SANA KUNG SINO KA MAN" so ayun hinayaan ko lang siya pero hindi parin sya tumitigil at naiirita na ako dahil sa notif na puro ganito..
"Jemjim likes your photo"
"Jemjim likes your photo"
"Jemjim likes your photo"
"Jemjim likes your photo"
blah blah blah blah blah .
At hindi ako makakapag focus sa pag es-stalk sa account ng crush ko so ang ginawa ko, hinanap ko yung pangalan ng "stranger" sa mga online friends at chinat ko sya.
NOTE: hindi ko nalang sguro isasali yung buong convo namin dito, syadong mahaba eh ^_~ mehehe XD
So ayun , dahil nga sa chinat ko siya, nagreply siya at nagpatuloy yung convo namin hanggang di ko namalayan na nag eenjoy na pala ako, puro nalang kami "hahahahah blah blah.." yung una is tanong lang kami ng tanong na puro mga nonsense na tanong lang naman, tinatawag ko pa nga syang kuya eh at sya naman ayaws patalo inaate di ako ng peg at nalaman ko din autoliker pala sya kaya yung mga pic ko ang napagtripan niya. Viniew ko yung timeline nya ang tiningnan ko yung mga pics nya..
"well cute naman sya pero mukha nga lang bakla" ika ko nung viniew ko yung mga pics nya..
so ayun natapos na yung convo namin thru chat.
The next day
Since malapit na ang pasko, nag status ako nang biglang nag comment etong si autoliker slash stranger. SO ayun nag comment back naman ako baka isipin niyang snob ako at tawa ng tawa na naman kami sa mga comments namin. Every status ko , nila-like nya, minsan din nagcocomment sya. May times na lolo na naman ang tinawag ko sa kanya at tinawag din nya akong lola, di rin sya patatalo ano? Nalaman ko din na dati ko pala siyang clanmate sa clan na sinalihan ko dati. (CLAN means you can meet new friends thru text) at i realized na sya pala yung dating naka-away ko sa clan pero thru text lg yun, at di kami close that time. Nung nalaman namin na clanmate pala kami dati, well we both laugh. Akalain mo yun magkakilala pala kami dati.
