Nung makita niya ako binati niya ako habang nakangiti at inaya na sa table naming dalawa.
“Hello”
Alam kong hindi niya ako nakilala kasi hindi niya nabanggit ang pangalan ko nang binate niya ako. Natawa ako ng konti pero hindi ko akalain na mapapansin pa niya yun.
“Ahmm.. Why are you chuckling?? May nakakatawa ba??”tanong niya at tumingin sa paligid namin.
Umiling lang ako. “Wala. Hindi mo ba ako nakikilala??”
“Ahmm.. Do we know each other?? Anong section ka ba??”tanong niya pa ulit na nagtataka.
Natawa naman ako ulit kaya kumunot ang noo niya.
“Ano ba talaga nakakatawa??”tanong niya pa na parang naiinis na.
“Ui. Inis ka na ata e. Si Kurumi to. Nakalimutan mo na ako?? Ang bilis naman. May Alzheimer’s ka na ata e??”sabi ko ng may halong pang-iinis.
Nagulat naman siya athindi makapaniwala tulad ng naging reaksyon no Boo.
“Ikaw yan Kurumi???”tanong niyang hindi parin makapaniwala.
Tumango lang ako at ngumiti.
“Hanep! Ganda natin ahh. Hindi kita nakilala. Lalo tuloy maiinlove sayo niyan yung kakilala ko. Haha :D”sabi niya na nang-aasar pa. Nacurious naman ako bigla ulit. Ayaw niya kasi talagang sabihin kung sino yung tinutukoy niyang kaibigan.
“Haha :D Adik mo Aaron. Sino ba kasi talaga yang kaibigan mo?? Nakakacurious lagi mo binabanggit kapag nag-uusap tayo.”tanong ko sa kanya.
“Haha :D Secret nga. Pero sabi niya mamaya magpapakilala na siya. Hintayin mo na lang.” he said assuringly. At mukhang mas excited pa kesa sa akin. Sino kaya talaga yun??
Pagkatapos namin mag-usap tungkol sa random things kumain na kami dahil dinala sa table naming yung food namin. Habang kumain doon ko lang narealize na hindi talaga kami ni Allen ang meant to be dahil a bandang dulong table nakita ko sila ni Chelsea na masayang kumakain at napagtanto ko rin na sila ang partners kaya siguro bagay na bagay talaga sila.
Napansin naman ako ni Aaron.
“Hoy! Tulala ka dyan. Haha :D Ang gwapo ko ba kaya nainlove ka na sakin?? Naku lagot ka kay GweenieBabes ko. Hirap pala talaga maging gwapo. Tsk. tsk”sabi niya habang nagpopose sa harap ko at umiling-iling pa. Nakangiti pa siya niyan ha. Ang hangin talaga ng Aaron na to. Hindi na nahiya pero okay lang sanay na ako sa bwesit na to. xD Choz !
“Mangarap ka Aaron. Haha :D May taste pa naman ako noh.”sabi ko ng mapang-asar.
“Hoy! So sinasabi mo na pangit ako?!”sabi niya ng hindi makapaniwala.
“Ikaw may sabi niyan hindi ako.”depensa ko nang nakangiti at pinagpatuloy ang pagkain.
“Eh parang ganon ang dating sakin e. Naku kung hindi lang dahil dun sa kaibigan kong yun nasapak na kita. Haha :D Ang lakas ng trip mo e”sabi niya nang nakatawa. Bwesit na to, baka siya masapak ko pag sinapak niya ako.
“Baka gusto mo ikaw sapakin ko. Kumain ka na nga lang dyan.”
Tumawa lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Habang kumakain kami biglang nagsalita yung emcee dahil iaanounce niya na daw yung prom princess at prince pati na ang mga prom three fairies at prom three knights.
“Okay. Are you ready to know who will be the prom princess and prince?? Let me hear you scream!!!”emcee
“Go on!”
“Spill it na!”
“Kyaahh !!”
“OMG!! Eto na talaga!”
