Chapter 1- Convert?!!

850 10 0
                                    

Naglalakad si karylle ngayon sa mall,free day niya kasi ngayon dahil nga sunday wala rin siyang ibang kasama dahil nga busy ang dalawa niyang kapatid at ang mama niya.Papasok na sana siya sa bench pero may dalawang babaeng lumapit sa kanya mga nakashades ito at nakacap.



"Karylle..."



Agad naman niyang nilingon ang dalawa.



"uhmm yes?"



"Pwede ka ba naming makausap."




Dahil sa ayaw naman niyang maging bastos o snob eh pumayag naman siya inisip niya kasi na importante iyon dahil bakas naman sa mukha ng dalawa.Pumunta sila sa isang restaurant na hindi matao at dun na nagusap.



"So...Anong gusto niyong sabihin?at sino nga pala kayo?"



Nginitian niya ang dalawa kahit naaakwardan siya.



"Ako nga pala si Rina at ito naman si Karen."



Nagshake hands sila.Inilabas ni rina ang isang envelope.



"Kaylangan mong gawin 'to para sa ikabubuti niya."



"Ha? anong ibig niyong sabihin." Nagulat naman siya sa pinagsasabi nito bigla-bigla ba naman sabihin na ganun kaya ang akala niya ay may mga tililing ito.



"Ikaw lang ang pwede."



"E-Excuse me,pwede bang diretsuhin niyo na ko? naguguluhan na kasi ako eh."



"Ex kami ni vice.Nasaktan kami dahil sa kanya kaya ka namin kinausap dahil ikaw lang ang pwedeng magpabago sa kanya.Kaylangan mo siyang i-convert from a gay to straight.Here's the papers." singit naman ni karen.




Nagulat si karylle sa mga sinabi ng dalawa pero naisip niya rin na baka isa lang itong prank para sa isang palabas sa tv kaya kinuha niya ang envelope pero nagulat siya sa kanyang nabasa.



"Seryoso??!"



"Mukha ba kaming nagbibiro?"



"You only have two choice,Pipirmahan mo yan o Papatayin namin si Jose Marie Borja Viceral."




Mas lalong nagulat si karylle kaya kinabahan siya at nagsimula nang maginit ang buo niyang katawan at pagpawisan.



"Ano bang kinalaman ko?!!"



"Friend mo si vice at higit sa lahat lagi mo siyang nakakasama."



"Why me?! pwede namang si anne! ay no...no hindi pala si anne.....Eh pwede naman yung ibang babae nalang!! bakit ako pa?"



"Its hard to find a girl like you karylle,una, nasa iyo na ang lahat (DJ lang ampeg?).Nasayo ang mga katangiang gusto ni vice sa babae,At alam namin yun! dahil nga isa kami sa mga naging girlfriend niya."



"2nd,hindi pwede kung si anne,sister ang turing ni vice kay anne kaya imposible yun..At PANGATLO,may posibilidad na sayo siya magkagusto."



"How? eh bakla yun at higit sa lahat may boyfriend ako."



"That's the point,kaya nga ikaw kasi may boyfriend kana at sa tingin naman namin eh...hindi ka mafafall-inlove dun,pwera nalang kung..."



"H-hindi ah...pero sorry talaga hindi ko magagawa yang gusto niyo.I have to go."



Dali-dali niyang kinuha ang bag at lumabas na ito.Hindi na niya napansin na nakaipit na pala yung envelope dun sa bag niya na nilagay ni karen habang kausap ni karylle si rina.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkarating niya ng condo.

Nilapag niya ang bag niya at tsaka humiga sa kama.



Karylle's POV

Haaaaay nako naman.....Ano ba 'tong mga nangyayari? bakit ako? tsaka bakit kaylangan kong i-convert si vice eh lalaki naman yun bakla nga lang.Tsaka alam naman nila na boyfriend ko si Dingdong kaya hindi ko pwedeng gawin yun.Ano ba yung mga yun? at bakit naman nila papatayin si vice? ganun ba katindi galit nila kaya humantong sa patayan? eh mabait naman si vice ah ang saya niya ngang kasama eh.Pero ang hirap nung pinapagawa nila sakin,oo masaya kasama si vice,masarap kausap kasi nga lagi kang tatawa pero yung convert-convert  na yan...ang hirap! pano naman magkakagusto sakin yung tao? eh alam naman ng lahat na may baby boy yun tsaka wala naman yatang hilig sa babae yun lalaki nga kasi ang hanap...Haayst! sumasakit ulo ko!.



To be continued...

Accidentally Fall Inlove (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon