Simula

122 14 10
                                    





"Alyanna! Halika ka na! matatapos na ang laro, ang bagal mo talaga." Utas ni Junnie. Eh pano ba naman kasi masyado yata akong natagalan sa pagme-make up.

"Hayaan mo na nga ako! Nandoon boyfriend ko!" Pagiilusyon ko.

"Eh hindi ka nga pinapansin, magiging boyfriend mo pa kaya." Sabi ng bagong dating na si Chiarra. Natigil ako dun at hindi pinahalata ang lungkot sa mata ko. Nakita ko namang binatukan ni Junnie si Chiarra kaya nag peace sign siya, I nodded to her to assure her na hindi ako na offend.

Tumakbo kami hangga't sa makakaya naming, pagdating namin sa gym ng University of San Carlos eh puno na agad, pero may upuan naman akong nireserba kaya no sweat. Pag upo namin ay nag whistle pa lang ang referee hudyat sa pagsisimula ng laro.

"Ang OA mo talaga Junnie, eh kakasimula pa lang oh" Hingal na sambit ko sa katabi ko. Umirap lang ang bruha.

Del Fuego 27, shit ang galing talaga nya, nakapuntos agad sya nag tatlong puntos.

"GO DEL FUEGO!" Tili ko. Sanay na ang mga studyante dito sa pag suporta ko sa kanya, Simula palang kasi Elementary eh crush na crush ko na yan.

"Nasaan na si Thaddeus?" tanong ko sa classmate niya noong Grade 6 palang kami.

"Naglalaro pa sa Gym, maghihintay ka ba?"

"No pero pwede mo bang ibigay sa kanya ang mga cupcakes na ito? I baked them kaya handle them with care ah?" I smiled and hid sa nearest post.

I saw the group of friends ni Thad and I saw Robert gave the cupcakes to him but to my dismay tinapon lang ni Thad ang mga cupcakes sa basurahan at nakipag high five sa bestfriend nyang si Anselmo. I cried so much behind that post to the point na hindi na ako sumipot sa klase kasi namumugto ang mga mata ko. Ever since that day hindi na boto ang mga bestfriends ko kay Thaddeus ngunit naging vocal ako sa feeling ko sa kanya na umabot sa punto na alam ng buong campus na adik ako sa kanya.

"Nanoond ka ba? Umalis nalang kaya tayo dito kung hindi kasi bagot na bagot na ako, let's go shopping nalang kaya?" Suhestyon ni Junnie.

"Huwag na lang, last 4 minutes nalang oh tapusin nalang natin." Paliwanag ko. Lamang ang Warriors, as expected. Masyadong malakas ang depensa nila. Natapos ang laro at napagpasyahan kong maghintay kay Thaddeus, ibibigay ko lang ang Gatorade na binili ko para sa kanya. Lumabas na sya kaya dumiretso ako sakanya.

"Thad, Gatorade oh baka gusto mo." Sabi ko sa walang ekpresyong mukha niya.

"No thanks, mas gugustuhin ko pa ang tubig kaysa Gatorade." Sabay lakad papalayo sa akin. But I saw him drinking Gatorade awhile ago. I smiled bitterly to the innocent Gatorade bottle and left it in the bench near me. Nahagilap ko sina Junnie na tumitingin sa akin with those eyes. Again.

"Wag nyo nga akong tingnan ng ganyan! Wag nyo kong kaawaan." I hated how they pity me. Ayokong may naaawa sa akin. I am Alyanna Sophia Marquez and I don't need anyone's pity.

"Sumuko ka na lang kasi." Sabi ni Chiarra. And I don't give up easily.

"Ano ba kayo, Hindi ako basta bastang sumusuko." I declared with conviction.

"Nasasaktan ka lang eh, alam mo naman ayaw naming na nasasaktan ka dahil lang sa mokong na yon." Sambit ni Junnie.

"Giving up is not my cup of tea, alam nyo yan" Ngiti ko sa kanila upang gumaan ang atmosphere samin tatlo, ayoko ng masyadong drama.

Desperate To Be Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon