"Sigurado ka bang si Thaddeus yon?" Takang tanong ni Chiarra.
"Ewan ko." Puyat kong sabi.
After that text, hindi na ako nakatulog kaya puyat na puyat ako. Hindi ko alam kung kay Thaddeus yun na number pero si Thaddeus lang naman ang gusto ko.
"Tawagan mo kaya tapos tanungin mo ko sino sya." Suhestyon ni Junnie.
"Ginawa ko na kaso hindi sya sumasagot." Inis na tugon ko.
Nakatunganga kami dito sa may hagdanan ng Elementary Building, may ibibigay kasi si Junnie sa kapatid niya. Dumiretso na kami sa sunod na klase naming ng nakita ko na papunta sa direksyon naming ang barkada nila Thad.
"Si Adonis papunta dito." Tuksong bulong ni Chiarra.
"Alam ko." Bumuntong hininga ako and raise my head confidently--hindi ako magpapahalata.
"Aly!"
Tinignan ko si Anselmo.
"Pek!" Ngiting sambit ni Ansel kay Junnie.
"Pek!" Ngiting tugon ni Junnie. Pinsan kasi niya si Ansel.
"Bakit?" Alam kong nakatingin silang lahat sa akin, pati si Thaddeus.
"May dinner sa bahay mamaya, birthday ni Alex. Imbitado kayo." Ngiting sambit ni Ansel.
"Oo, nabanggit nga ni Mommy." Tumango ako sakanya tska ngiti.
Alam ko namang halos mangisay si Chiarra sa tabi kaya tinignan ko muna siya bago ako ngumiti kay Ansel.
"Punta ka?" Tanong niya.
"Syempre kaming tatlo nila Daddy." Sagot ko sa kanya at nakita kong umirap si Thaddeus.
"Magkakilalapala kayo?" Tanong ni Thaddeus habang ngumingiti.
"Kababata" Tugo ni Ansel.
Tumango naman si Thaddeus tapos tumingin sa akin.
"Ba't hindi ka nagreply?" Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin.
"H-hindi ko nabasa." Fuck ba't ako nauutal?
Nakita kong nagulat sina Junnie pati narin ang barkada ni Thad.
"Pero tumawag ka?" He smirked. Fuck this.
Hindi ako nakasagot kaya tumingin nalang ako sa sapatos ko, mabuti nalang at hinila ako ni Junnie.
"Pek, una na kami, may klase pa kasi kami." Paalam ni Junnie kay Anselmo.
"Sige, Pek." Tango ni Ansel tsaka kinayawan ako. Kumaway ako pabalik at ngumiti sa lahat maliban kay Thaddeus na nakangiti parin sa akin.
"Ano yon?" Gulat na tanong ni Junnie.
"Ewan ko." I grunted. He is frustrating me.
"I thought Thaddeus hate eh ano yon?"
"Pinaglalaruan ka ba ng mokong na yon?" Galit na sumbat ni Chiarra.
"Ewan ko at kung paglalaruan mn niya ko sasabayan ko nalang siya." I said.
Nakapwesto na kami sa English class namin. What happened earlier bugged me throughout the day. Ni hindi ko nga nakopya yung notes sa English.
"Picturan mo yung notes mo sa English tapos pasa mo sakin please." Wala sa sarili kong pakiusap kay Junnie sabay lanas sa silid.
"Wag ka ngang magpapaniwala sa Adonis na yon. Higad yon." Talkshit ni Junnie kay Thad.
"Mabuti pa at focus ka kay Ansel.Walang kwenta yung Adonis na yon." Second demotion naman ni Chiara.
BINABASA MO ANG
Desperate To Be Yours
Teen FictionGiving up is not the cup of tea of Alyanna Sophia Marquez. She's the type not to give up easily, palaban. She is inlove with Thaddeus Angelo Del Fuego the boy who ignores her. She did everything just to make herself visible in Thaddeus' eyes. One d...