Maginoo

70 1 0
                                    

Magandang hapon! Nandito na naman ako upang magsabi ng aking saloobin.
Nais ko lamang magpasalamat sa isang batang ginoo kanina sa simbahan.
Katulad ng nakagawian, kasama ang aking pamilya ay nagpunta kami sa tahanan ng Panginoon. Eksakto lamang sa oras ang aming dating kaya't inaasahan na naming wala nang mauupuan. Sinwerte ang aking ina at siya'y nakakuha pa ng pwesto, bagama't kami ng aking ama ay tumayo na lamang.
'Di nagtagal ay pinatayo ang lahat para sa panimula at pagsalubong sa paring mamumuno sa pagdiriwang. Nang matapos ng pambungad na awit ay hindi umupo ang lalaking kalapit ng aking ina, bagkus ay bumaling siya sa akin at sinabing: "Dito ka na ma-upo ate." Pansamantala akong natulala at napakurap ng ilang beses, pagdaka'y ngumiti ako sa kanya't nagpasalamat.

Sa bandang huli ay binigay ko rin ang upuan sa nakakatanda, ngunit hindi ko makakalimutan ang pagiging maginoo ng kabataang iyon. Kung sino ka man, maraming salamat dahil pinatunayan mong meron pa ring maginoo sa panahong ito.

Nawa'y magkaroon pa ng katulad mo at hindi lamang sa simbahan ngunit sa bawat lugar ay makatagpo tayo ng kagaya niya.

Pagpalain nawa ang ating maghapon,
Bb. delaBlanc

HRH Marguerite Penelope delaBlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon