Nakakatakot talaga mag-present sa stage, lalo na kapag may stage-fright ka.
Katulad lang ng pag-ibig, Nakakatakot ipagtapat ang nararamdaman mo, lalo na pag torpe ka.
Kaya dapat, may confidence kang ipakita, para magustuhan niya ang presentation mo.
Malay mo, matuto ka niyang mahalin at ikaw ang magiging winner sa contest.
Ang LOVE parang contest, pagandahan ng presentation, ng qualities. Kung pangit ang presentation at qualities mo, hinding-hindi ka talaga manananalo, pero kung maganda ang presentation at qualities mo, edi pak! Mananalo ka, Pero, galingan mo, baka makahanap siyang mas magaling sayo.
Pero, di naman talaga sa magaling ka ba o hindi, nasa babae yan kung choosy siya o hindi.
Chris' POV
Ako si Christian Dominguez. Mayaman ako, Pogi at may 6 packs. Almost Perfect nga ako eh, pero ang nakapangit sakin ay Torpe ako. Saklap diba?
Meron akong nagugustuhan, maganda siya, mabait at almost perfect na, kaya lang, MANHID. MAS MASAKLAP DIBA?
Nandito ako sa school ngayon at pinagmamasdan ang babaeng lihim kong minamahal.
*Ring*
-----------
Tapos na ang Lunch time kaya pupunta kami ng barkada ko sa Auditorium. Pinasasabi kasi ng Principal sa mga teachers kanina.
Pagpasok namin, marami-rami na ang mga tao.
"Good Afternoon, students. We are going to have the 'Battle of the Bands' this Saturday so be ready. It will be held at the same time, same place. Please be cooperative with your groupmates, there will be 4 days left till the battle, so Goodluck! Blah blah blah" Speech ng principal namin.
"So pare, 4 days nalang at confession day na! ;)" Sabi ni Rafael, one of my friends. So bale lima kami. Ako, Rafael, Seth, Joshua, at si Brixx.
"Heh! Tumahimik ka nga, gagawin ko nga hindi makahintay? At, about sa Bob, ano, sali tayo?" Tanong ko pabalik.
"Why not? Malaki points ang makukuha natin pag nanalo tayo PLUS! 50,000 pa!" Sabi naman ni Seth.
"Ehh......" Angal ko. Noon kasi, pinasali nila ako sa singing contest. Maganda daw kasi boses ko. Ayun, hindi pa nga ako nakatungtong sa stage eh, nanginginig na ako. May stage fright kasi ako. Nung nasa stage na ako, para na talaga akong nababaliw. Kaya ang nagawa ko, tumakbo ako pababa at lumabas ng Gym papuntang classroom at nagmukmok.
"Wala ng Eh, Eh. Kaya pa may 4 days pa diba para maboost mo confidence mo, right guys?" Ani Brixx.
"Oo nga, tsaka para narin mabawasan 'yang pagkatorpe mo!" Sang-ayon ni Seth. Napakakulit talaga ng taong 'to.
"P-Pero-" Pinutol ako ni Rafael.
"Wala ng pero pero!" Wow, grabe, ano siya, Diyos?
"K-kase-"
"Wala ng kase kase!" Putol ni seth sakin.
"P-ero diba-" Angal ko ulit ng meron namang pumutol.
"Wala ng-" Di niya ako pinatapos? Eh di din siya pinatapos ni-
"Eh, kung patapusin niyo kuno muna kami ni Christian, ano?!" Pasigaw na suggest ni Joshua. Hahaha, eh, kasi pag magsasalita siya eh tinatakpan bibig niya eh kasi naman, walang mga silbi pinagsasabi eh.
"Sawakas, may silbi rin sinasabi. Ano sasabihin mo, Joshua?" Tanong ni Brixx.
"Pwede bang umihi muna ako? Naiihi na talaga ak-" Binatukan tuloy si Joshua. Ahahaha!
"Haiiii, di parin nagbago." Sabi ni Rafael at tumawa kaming lima.
"The five students in the auditorium, why are you still here? Diba sinabi ko na umalis na kayo? Hindi ba kayo nakikinig?! Sus-hoy! 'Tong mga batang 'to, ang kukulit. Haaayyy." Haha, wawa ni Ms. Principal. 25 palang siya ah! Tas kami 19 na. Tumakbo na kasi kami este kinuha pala nila kamay ko kaya ayun, muntik na nga akong ma out of balance.
TO BE CONTINUED
![](https://img.wattpad.com/cover/65765715-288-k847472.jpg)
BINABASA MO ANG
Stage Fright
Short StoryKung ang lalaki ay may Stage Fright, malamang, topre rin ito. Paano niya ba ito ma-oovercome? Basahin na at makisali naring matuto sa mga payo para ma-overcome ang Stage Fright at ka-toprehan mo! This is a oneshot story by Izelda_cchan Please don't...