Chapter 2

105 0 0
                                    

At dahil nga sa nangyari, naging sikat ako sa school.
Naging madami ang friends ko.
Plastic man o real.
Ganun naman talaga di ba kapag sikat, madami ang dumidikit?
I don't really care kung nakikipagplastikan sila sa akin.
Ang importante, MAYAMAN ako! Lol.

*Hi Krizza.*
Sabi nung isa sa mga fourth year high school na lalaki na nadaanan ko.

*Hello.*
Tapos nagsmile ako sa kanila at kumindat sa nag Hi sa akin.

And damn!
Muntik nang mahimatay yung kinindatan ko.
Ganyan kalakas ang dating ko.
Kung sila Tamako at Tamadao ang hinahabol ng mga babae at bading dito sa school,
ako naman ang hinahabol ng mga lalaki.
Except for Tamako.
I don't know kung bulag ba siya or nagpapakipot lang.
Siguro nagpapakipot lang talaga siya.

Nginitian ko ang lahat ng lalaki na madaanan ko.
Most of them nag o-offer na ilibre ako sa lunch but I declined.
Aba, bakit ako magpapalibre eh MAYAMAN nga ako di ba?

Kumuha ako ng kakainin ko para sa lunch and I was about to pay for my food when I noticed na hindi ko nadala ang wallet ko.
Damn!
Baka sabihin nila na namumulubi na ang pamilya namin.
Hindi pwede to!!!

Then Tamako entered the cafeteria with Tamadao at ang mga friends nila tapos pumila sila sa likod ko.

*Ate, my future boyfriend will pay for my food.*
Napatingin sa akin ang cashier pati ang mga kasamahan nila.

Si Tamako nagtitingin sa mga pagkain.
Parang hindi lang ako napansin.
Pero if I know kinikilig na yan.

*Sino sa kanila hija?*
Oo nga naman pala, ang dami pala nila.

*Siya po.*
Sapay turo ko kay Tamako.

Napatawa si Tamadao at napatingin si Tamako sa akin.
See, I got his attention.

*What? Anong ako ang magbabayad ng pagkain mo? What are you saying?*
Nanlilisik ang mga mata niya.

*Naiwan ko ang wallet ko sa bag. Kaya ikaw muna ang magbabayad ng pagkain ko kasi wala akong dalang pera.*
I smiled to him

*Wala akong pakialam. Ano ka sinuswerte?*
Nanlalaki pa din ang singkit niyang mga mata.
Ang cute cute lang di ba?
Sarap kurutin ng pisngi niya.
Nakakagigil. Lol

*Oo, matagal na.*
And I gave him my sweetest smile.

*Huh! Ikaw ang magbayad ng sarili mong pagkain! Asa ka pa!*

*Ganun?*
Tinaasan ko siya ng kilay.

*Ganun talaga!*

*Okay!*
Tapos humarap ako sa lahat ng estudyanteng kumakain.

*Boys, sino ang gustong magbayad ng lunch ko? Ayaw kasing magbayad ni Tamako, namumulubi dawmmmmp!*
Bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

Damn!
Ang bango ng palad niya.
Sarap halikan,
Hindi ako gumalaw.
Gusto ko ganito lang kami.

*Ang ingay mo!*
Tapos kumuha siya ng pera sa wallet niya.
Buong isang libo at binigay niya sa cashier

*Ito po ang bayad niya.*
Kinuha ng cashier ang pera niya na nangingiti.
Pero nanghihinayang ako.
Kinuha na kasi niya ang kamay niya sa bibig ko.
Di ko man lang nahalikan.

*Ate, keep the change na daw po.*
Kinindatan ko ang cashier.

*Ano?*
Lalong lumaki ang mga mata niya at namumula na siya sa galit.
Imagine, 50 pesos lang ang binili ko tapos keep the change?

*Di ba sabi mo keep the change?*

*Di ko sinabi yun! Ikaw, sumusobra ka na!!!*
Tumawa lang ako ng malakas at tinalikuran ko siya dala ang mga pagkain ko.
Narinig ko ding tumatawa sila Tamadao at ang mga barkada nila.

*Bye Tamako. Don't worry babayaran kita later. May libre pang kiss.*
Tapos nag flying kiss ako sa kanya. 😘💋

Tinukso tuloy siya ng mga tao sa canteen.
I can almost feel the deathly stare of the other girls.
Well...
Mamatay kayo sa inggit.
Sa akin lang si Tamako. 😜

Tamako SiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon