Foundation Day ng school namin.
Alam niyo naman siguro ang mga nangyayari kapag foundation day di ba?
Madaming tao.
At kumukulo na din ang dugo ko kasi buong araw ko nang di nakikita si Tamako.
Saan na kasi nagsusuot ang lalaking yun?
Di tuloy kumpleto ang araw ko.At dahil first year pa lang ako, kami ang in-charge sa fun booth.
Di ko nga alam kung bakit tinawag itong fun booth eh hindi naman fun ang ginagawa namin.
Nagpapa-reny kasi kami ng mga gadgets namin.
Tapos salit salitan sa pagbabantay.
Kaya pag turn ko na magbantay, binabayaran ko ang isang classmate ko para siya ang magbantay.
Yes, MAYAMAN ako eh.
Bakit ba?
Hindi sana ako papasok kasi wala naman gagawin pero kasi kapag hindi ako pumasok, hindi ko makikita si Tamako.
Dyahe yun.*Krizza!*
Lumingon ako sa tumawag sa akin.Tatlong 3rd year high school na may dalang handcuff.
I rolled my eyes.
Alam ko na ito.
Ilang bese na ba sa araw na to nangyari.
Ihahandcuff na naman ako sa kung sino sinong pangit at pulubi.*What!?*
*Ang benta mo ah!*
*Syempre, maganda eh. Kumikita lang naman ata ang booth niyo ng dahil sa akin eh. Hay naku! Kahit magkano pa ibinayad sa inyo, tatapatan ko yan.*
Ganito kasi yun.
Ang 3rd year ang may hawak ng jail booth pero wala namang jail.
Ihahandcuff lang kayo depende kung gaano katagal na oras ang binayad ng nagpahandcuff sa inyo.
Fifty pesos per hour ang rate nila.
Ang cheap! Lol*O sige na, papahandcuff ka ba or babayaran mo na lang ang freedom mo?*
Kapag binayaran mo kasi ang freedom mo, dodoblehin mo ang bayad sayo.
Mga utak negosyante talaga.*Babayaran syempre. Magkano ba?*
*25 pesos lang.*
Napatigil ako sa pagkuha ng pero ko.*Hah? 25 pesos lang? Bakit?*
Nagtataka pa ako ano?
Kasi naman kanina 3 hours and pinakamababang oras tapos ngayon 30 minutes?
Duh!*Nevermind. Ito! Keep the change.*
Tapos nag abot ako ng 100 pesos pero hindi kinuha ng 3rd year ang pera ko.*Sure ka na babayaran mo? Di mo man lang ba itatanong kung sino ang itatali sayo?*
Tapos napatingin sila sa mga lalaking papunta sa amin at may isang lalaking nakahandcuff.
Tiningnan ko ang nakahandcuff and behold!
It's no other than Tamako!
My beloved. 😍
Ang laki ng ngisi ng mga 3rd year.
Nagiging dollar sign na ang mga mata nila. 🤑Dali dali akong kumuha ng pera sa wallet ko at nagbigay ng 500 pesos sa mga 3rd year.
*Ito gawin mong open time. Dali! E handcuff mo na ako!*
*Ano yun internet shop? Open time?*
*Manahimik ka na nga lang! Pag natuwa pa ako sa serbisyo niyo, di ko na kukunin ang sukli. Dali naaaa. *
Tapos nilagyan na nila ako ng handcuff.Ngingisi ngisi lang ako habang papalapit sila sa amin.
Kung sinuswerte ka nga naman.
Naku kung nakilala ko lang kung sino ang nagbayad, papaliguan ko siya ng milyones ko.
BINABASA MO ANG
Tamako Sia
Teen FictionNOTED: This is not my story. I just write it here because I want to share how nice is this story.