2. SALAMAT.
"YANNA, ano ka ba naman! Ang tulin mong tumakbo!" hingal na reklamo ni Julia nang abutan si Yanna.
"True! What did Teej say buh at nagkaganyan ka?" hingal ding tanong ni EJ.
Lahat sila, hingal. E, bakit ba naman kasi siya hinabol? Pare-pareho tuloy silang hingal ngayon.
"Hehe. Sorry naman," sabi niya na lang with matching v-sign pa. Hindi niya rin kasi alam kung bakit siya tumakbo, e. Weird. "Tara! Sa'n ba room natin?" tanong niya kina Bea at Julia sa pag-aakalang mada-divert sa iba ang atensyon ng mga kaibigan niya.
"Oy, tumatakas! Uso pong magkwento! Madaya!" Bea pouted. Ang reyna ng pout. Cute na cute talaga siya sa pag-pout nito. Sarap hilahin ng nguso.
Priiiiiiiing!
Yes! Saved by the bell!
"O, pa'no? Mamaya na lang, 'no? Nag-bell na po, mga kapatid," nakangiting sabi niya pero pare-parehong pinaningkitan lang siya ng mga mata. Hay... "Promise. Later." Wala, e. Lulusot pa ba siya?
Mas naunang nadaanan nila ang room nila Yen, Kiray at EJ kaya naman pumasok na agad ang mga 'to. Ang sumunod na room naman ay ang room na nilang tatlo nila Bea't Julia.
Pagpasok nila sa room, binati agad siya ng mga kaklase nila. Kahit naman kasi isa siyang bully, friendly naman kung minsan. Minsan lang. As in minsan. At hindi niya alam kung gaano kadalas ang minsan.
"Sa'n pwesto ko? May arrangement na ba?" tanong niya sa dalawa.
"Oo. Doon ka, o." Tinuro ni Bea ang isang vacant seat sa tabi ng isang seat na may bag lang na nakalagay. "Sa tabi ni Jake. Hmp. Swerte mo, beh. Kainis." Nag-pout na naman po ang lola niyo.
So, classmate pala nila si Jake at katabi niya pa? Patay na. E, crush na crush ni Bea si Jake, e. Kaya nga ang haba ng nguso na naman.
Divided into left, right and back row lang ang arrangement ng seats nila. Sa left row ang pwesto ng seat niya. Sa tabi siya ni Jake at pangalawa sa huli ang row nila. Si Jake lang ang katabi niya. Sa kanan siya nito pero may dalawa pa silang ka-row sa left ni Jake. Wala na siyang katabi sa kanan dahil blangko na 'yon, space para sa teachers for discussions para makapag-ikot. Ganito ang lahat ng arrangement ng rooms sa school nila—Assumpta Academy.
Wala pa si Jake dahil nasa baba pa nga ito at kasama ng mga kaibigan. Naupo na siya nang pumasok na ang subject teacher nila.
"Uy, mamaya, ha!" pahabol pa nina Bea't Julia sa kanya bago pumunta ang dalawa sa sariling mga pwesto.
Gara. Siya naman ngayon ang nainggit sa pwesto ng dalawa. Magkatapat lang ang row nila pero sa kanan ang mga 'to. Isang lalaki lang ang pagitan nina Bea't Julia. Nainggit tuloy siya. Wala siyang makakakwentuhan. Daya!
Binati na nila si Ms. Domingo. Computer teacher nila 'to noong 3rd year. Ito rin ba ang Computer teacher nila ngayong taon? At Computer din ba ang subject nila ngayon? Hindi niya alam dahil wala pa siyang schedule at mamaya pa lang siya kokopya kay Julia. Sadyang tamad na nilalang talaga siya.
"Okay, class. May sakit si Mrs. Alfonso kaya wala kayong teacher ngayon," sabi ni Ms. Domingo.
"YEEEEEESSS!" sabay-sabay na hiyawan ng mga classmates niya.
"But... May iniwan siyang activity sa inyo."
"UUUUUUHHHHH," sabay-sabay ring nagtamlayan ang mga loko-lokong classmates niya.
Natawa siya. Oo nga't hindi siya kasali sa chorus ng mga kaklase niya pero pare-pareho lang sila ng nararamdaman.
"Kayo talaga." Iiling-iling na nangiti na lang si Ms. Domingo. Nasa edad bente tres pa lang kasi 'to kaya maraming close na estudyante. Close nga sila niyang si Ma'am, e.
BINABASA MO ANG
[BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)
Teen FictionI am known as the bad princess. And then I met him, the evil sweetheart. I met him for a reason. I liked him for a reason. I loved him for a reason. And the only reason? Love. [Helen of Troy]