3. BABE.
LATE na naman si Yanna. As in late. Patapos na ang flag ceremony nang dumating siya. Sa haba ba naman ng pila ng mga latecomers, siya pa ang huli.
Natapos ang flag ceremony at nagtuloy na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classrooms. Siya naman, ayun at hinihintay ang paglapit ni Mrs. Gamoso—ang terror discipline coordinator sa school nila. Ito kasi ang nagbibigay ng slip sa mga latecomers.
"Ms. Santana... Naku, naku! Ang reyna ng kalate-an. 1st year pa lang ganyan ka na. Kailan ka kaya magbabago? Tsk-tsk," iiling-iling na sabi nito habang sinusulat ang pangalan niya at ang oras ng pagdating niya sa slip. Na para namang isa-isang inoorasan kasi nito ang pagdating ng mga estudyante sa paaralan nila. Kalokohan din, e.
Bago papasukin ang mga latecomers sa respective rooms nila, pinagpulot muna sila ng kalat ni Mrs. Gamoso. And after more than 15 minutes, pinaakyat na sila nito sa mga classrooms nila.
Pagpasok niya sa room nila..... "TEEEN! TEN-TEN! TEN-TEN-TEN-TEN, TEN-TEN. HEY!" Sabay palakpakang may bilang, ang mosikong sumalubong sa kanya.
Siya naman..... Bow sa left. Bow sa right. Bow sa gitna. Diretso sa upuan. Tunganga.
Seriously? Hanggang 4th year ba naman may tentenenen siya kapag late? Paniguradong mga classmates niya rin noong 3rd year ang may pakana no'n. Nu'ng 3rd year naman kasi nag-umpisa ang chant na 'yon para sa kanya dahil sa dalas niyang late sa pagpasok, e. Si Derick ang nanguna niyan, sure siya. Loko 'yon, e.
Wala pa si Mrs. Sta. Ana—ang adviser nila. Pero five minutes later, dumating na rin ito na may dalang malaking box.
"Good morning, class!" Mrs. Sta. Ana greeted.
"Good morning, Ma'am!" they greeted back.
"Nandito na si Yanna. May absent pa ba sa inyo?" Nagkita na kasi sila kahapon ni Mrs. Sta. Ana kaya alam nitong pumapasok na siya.
"Wala po," sagot ng mga kaklase niya.
"Good! So, we will start our class election now. May mga prepared papers na 'ko rito. Isulat niyo na lang kung sino ang mga gusto niyong iboto, okay?"
"Yes, Ma'am!"
Naibigay na ni Mrs. Sta. Ana sa kanila ang mga papel pero sa totoo lang, hindi niya alam kung sino ang iboboto niya kaya maboto-boto na lang ang ginawa niya. She wrote her best friend Julia's name for President and Diego's for Vice. Wala lang. Pinagpa-partner niya lang 'yung dalawa dahil may gusto naman talaga sa isa't isa ang mga 'yon. And then Jake and Bea as for the Escort and Muse. Ang iba, bahala na.
Matapos ipasa ng lahat, tinally na sa blackboard ang mga votes. Lahat ng kaklase niya nagbibilang maliban sa kanya. Wala kasi siyang pakialam at isa pa, i-a-announce din naman, bakit pa siya magpapakahirap?
"Wow. Let's congratulate Julia! Our Class President!" Mrs. Sta. Ana announced and so they applauded.
Dahil si Julia ang nanalo for President, the rest of the categories, si Julia na ang nag-tally. Diego won as the Vice President and a playful smile curved on her lips. Lalong magkakamabutihan ang dalawang 'yon. Mga ayaw pa kasing umamin. Parang si Neil at Yen lang, e.
Kaya lang, nanalo si Bea as Secretary and Jake as Treasurer. Sayang. 'Yung dalawa pa naman ang bet niya para sa Muse and Escort for Mr. and Ms. Intrams dahil sure siyang kakabugin ng mga 'to ang mga makakalaban. Sayang, ang hihina namang mag-match make ng mga kaklase niya. Hay, sayang talaga.
Moving on, Neil won as their PRO. Hindi na nakakapagtaka, sanay kasing makisama sa ibang tao si Neil. Sina Derick at Ysah naman ang nanalo bilang Sgt. at Arms nila.
BINABASA MO ANG
[BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)
Teen FictionI am known as the bad princess. And then I met him, the evil sweetheart. I met him for a reason. I liked him for a reason. I loved him for a reason. And the only reason? Love. [Helen of Troy]