NIM 9

3 0 0
                                    

POV: Mark

Dahil ako ang unang sumugod at natapos sa pakikipaglaban ako na ang tumulong kay Raid ng ibuhat siya ng kambal niyang si Zied papunta sa kinaroroonan ko. Hindi dahil sa humandusay siya sa sahig ay natalo siya ni Kevin Figueroa na kalaban niya. Kung hindi niyo alam may heart disease silang dalawa ni Zied natatandaan ko pa nung last naming laban para makuha ang tronong most powerful gangster in Asia ay sabay silang isinugod na kambal sa ospital ng atakihin sila ng sakit nila. At ngayon nangyari nanaman pero kay Raid lang, masyado nanaman siya nagpadala sa emosyon at tuwang nararamdaman niya sa laban.

"Bro dadalhin na kita sa ospital tara na. Ako ng bahala sa kambal mo Zied."Sabi ko, tumango lang si Zied at tinapik nalang sa balikat ang kambal niya tapos bumalik na sa battle wall para maghanda, siya na kasi ang susunod na lalaban kay William Young. Ilalagay ko na sana yung isang kamay ni Raid sa balikat ko para buhatin pero nagsalita siya.

"H-Hindi na bro, I can still manage alam kong mangyayari 'to kasi this past few days nahihirapan na akong huminga. Kaya ready ako Mark nagpaturok na ako ng gamot sa doctor namin ni Zied kaya I can still manage." Sabi niya na ikinaluwag ng dibdib ko. Napangisi nalang ako, silang kambal kasi ang pinakamatalino sa gang kaya wag na kayong magtaka.

"At isa pa ngayon lang ulit lalaban ang kambal ko diba? Tch. Kaya papalagpasin ko ba?" Sabi niya pa.

Oo nga, ang huling laban ni Zied e nung makuha nga namin ang trono namin. Simula noon hindi na siya lumaban uli dahil sa nangyari sakanila ng kambal niya, matigas lang ang ulo ni Raid kaya siya lang ang lumalaban sakanilang kambal kapag may maliliit kaming war.

Ako nga pala si Mark Martinez 18 years old third year college student sa FNU miyembro ng Death Quest. Mabait, maalaga, gwapo, mapagmahal at syempre higit sa lahat gwapo ulit. Hahahaha.

Napatingin naming dalawa ni Raid sa battle wall dahil nagtapat na si Zied at si William.

Magandang laban 'to

POV: Zied

Natapos na ang laban nila Nayth at Jayx kaya lumapit na kaming dalawa ni William sa battle wall. Tch. Kailangan ko 'tong gawin dahil nakasalalay ang tronong pinaghirapan naming makuha, hindi ko basta basta hahayaang makuha nila 'yun dahil isa 'yun sa dahilan kung bakit nabago ang pamumuhay at mga nakasanayan ko.

"I heard you have a heart disease, are you sure you can fight with me huh?" Hindi ko siya sinagot at diretsong tinignan sa mata. Wala na bukabularyo ko ang kausapin ang mga taong sa tingin ko hindi kailangan.

Ngumisi siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ang yabang mo ah." Bulol na sabi niya. Tch trying hard magtagalog.

Itinaas ko ang hintuturo kong daliri at nagbigay ng sinyales na hinahamon ko siya. Napangiti nalang ako ng sumama ang timpla ng mukha niya at ang kasunod noon ay ang mabilis na pagsugod niya sa'kin.

"You bastard!" Sigaw nya tapos sinuntok ako papunta sa mukha pero mabilis ko 'yun nailagan at siya ang sinuntok ko sa panga. Nakabawi naman siya at sumugod nanaman. Tch. Ang lakas ng suntok ko na 'yun ah? Pero parang wala lang sakan'ya.

I smirked. 'Masayang Laban 'to'

POV: Goldlane

Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa mga nakikita ko. Kanina 'yung kalaban ni Nayth parang lantang gulay na hinihila sa tabi dahil sa bali bali na yata ang mga buto at wala ng malay. Tapos yung kay Jayx naman na kambal nung kalaban ni Raid kanina e ayun naliligo sa sarili niyang dugo. At ngayon naman si Zied ang lumalaban at 'yung satingin ko ay si William, ang lakas ng suntok ng pinakawalan ni Zied pero parang pitik lang para kay William 'yun at doon ako mas lalong kinabahan. Paano nalang kung mapano si Zied? Kanina nasabi ni Ian sa'kin na may heart disease daw si Raid pati na si Zied, kaya pala kanina nahirapan siya huminga. Paano nalang kung pati si Zied atakihin ng sakit niya?

"Ahh Ian hindi mo ba pipigilan o tutulungan si Zied? Diba ikaw na ang nagsabi may sakit siya paano kung si Zied naman ngayon ang atakihin?" Tanong ko kay Ian na kalmadong nanonood sa laban. Psh walang puso talaga 'tong halimaw na 'to.

"Matalino si Zied. Manood ka nalang." Naiiritang sagot niya sa'kin. Tch! sungit!

Nanood nalang ulit ako sa battle wall at sa katagalan naiintindihan ko ang sinabi ni Ian. Kalmado lang makipaglaban si Zied yung mga galaw niya ang hinhin pero direktang tumatama kay William. Ayaw niyang mapagod kaya ganun ang mga galaw niya at dahil hindi siya napapagod hindi rin siya aatakihin ng sakit niy--

O.O

Natigil ako sa pag-iisip ng isang malakas na suntok ang tumama sa dibdib ni Zied at dahil doon natumba siya.

"Fvck nakalusot!" Nabigla nalang ako ng bumaba si Ian sa kotse at hindi mapakali sa labas habang nanonood.

Nabalik ang tingin ko kay Zied at nakita kong siya na ang naagarabyado. Walang tigil siyang pinagsusuntok at pinagsisipa ni William. Akma ko ng bubuksan ang kotse ni Ian para sana lumabas pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Ian.

"Sabi kong wag kang lalabas!" Tinanggal ko ang hawak ko sa pinto ng kotse at tahimik na yumuko nalang dahil sa sigaw ni Ian. Nakakatakot siya, parang noong unang gabing pinaglaruan niya ako.

"Fvck Zied stand up!" Narinig Kong nanggigigil na binulong iyon ni Ian kaya napatingin ako kay Zied. At bigla anong nanlumo sa itsura niya ng makita ko siyang nagdudugo na ang mukha.

"Zied!! Tumayo ka!!" At hindi ko nalang namalayan na ang dapat sa isip ko lang sasabihin pero naisigaw ko na pala. Mabuti nalang ay maingay at hindi nila 'yun napansin. Pero si Ian narinig kong nag 'tch' kaya tumingin ako saglit sakan'ya sinimangutan ko nalang siya nung ang sama sama ng tingin niya sa'kin. Psh.

"Whooo!" Napatingin nalang ako kina Nayth, Mark at Jayx pati na rin kay Raid dahil sabay sabay silang masayang sumigaw at tinignan ko kung saang direksyon sila nakatingin. Napangiti ako ng makita kong nakatayo na si Zied at lumalaban na ulit kay William.

'Kaya mo 'yan Zied!' Cheer ko kay Zied sa isip ko.

Bumwelo si Zied at pinakalma ang sarili tapos lumaban ulit, ng kalmado. Nakakabawi siya kay William pero minsan nakakatama ang kalaban niya pero hindi niya iniinda 'yun at sa wakas ibubuhos na ni Zied ang lakas niya sa suntok nagagawin niya, bumwelo siya at akma ng ititira ka y William pero nabigla ako ng tumingin siya sa direksyon namin ni Ian-- hindi sa'kin siya nakatingin at ngumiti.

'Ngumiti si Zied sa'kin?!'

Napagkatapos noon ay naghiyawan na ang mga tao pati na sila Nayth dahil bumagsak na si William at nawalan na ng malay.

"Tch. Inspiring him huh?" Napatingin ako kay Ian ng magsalita siya. Anong daw?

Magtatanong pa sana ako kung anong sinabi niya pero lumapit na siya sa battle wall at naghanda na para sa laban niya.

Nakita kong lumapit na rin ang babaeng makakalaban niya at napataas nalang ang kilay ko ng makita ang mga tira tirang tela na idinikit nalang tata sa mga maselang bahagi ng katawan niya.

"Ano 'yan? Magbi-beach ba siya at ganyan ang damit niya? Yuck! Akala mo ang ganda ng katawan! Ang dami namang bilbil!" Kausap ko sa sarili ko habang nakatingin ng masama doon sa kalaban ni Ian. Teka??

Bakit may nakasuksok at a sa sapatos nung babae? Kumikinang kinang pa.

'Ano 'yun?'

*****

A/N: Gosh! Si Ian na ang lalaban hoho. To be continue :)

Thanks for reading! Leave comments ^^

Noxious Inside MeWhere stories live. Discover now