NIM 8

3 0 0
                                    

POV: Goldlane

"Okay. This is our plan, Mark ikaw ang unang bababa ng kotse pagdating sa battle wall. Nayth tayong tatlo ni Jayx ang susuporta kay Mark kapag susugod na sila. And Quest Supreme pati na ikaw Zied kayo yung ilalaban sa alas nila. Kailangan natin ilaban ang mga alas natin at kayo 'yun dahil malakas kalaban ang south Korea sila ang defending champion sa China at Hongkong at kapag natalo nila tayo ngayon matatanggal tayo sa pwesto natin bilang most powerful gangster sa buong Asia dahil natalo tayo ng defending champion ng China at Hongkong at kung saan sila nanggaling ang south Korea. Kapag tatlong bansa sa Asia na ang natalo nila sila na ang papalit sa pwesto natin. At tayo na ang pangatlong makakalaban nila." Mahabang paliwanag ni Raid yung kambal ni Zied, kina Ian at sa iba pa.

Nandito kami sa lungga ng Death Quest. Kaya pala ako tinawagan ni Ian kasi may gang war sila. At namangha ako dahil hindi lang pala cheap na war ang mga nilalabanan nila pang international pala sila lumaban.

"Ang pangalan ng grupo nila ay Foxes Diamond. Nakipag-usap sa'kin ang leader nila na si William Young walang mga gadgets na gagamitin mano mano ang laban." Napapatango nalang sila sa mga sinasabi ni Raid pero si Zied at Ian walang emosyon. Hindi ba sila kinakabahan?

"Siya nga pala. May babae silang miyembro, si Annalysa Bautista mag-ingat kayo sakanya tingin ko siya ang gagawin nalang alas laban sa'ti--" Nagulat kaming lahat pwera lang kay Zied, dahil sa biglang pagtayo ni Ian at sinuntok ang center table dito sa living room ng lungga nila at dahil doon nawarak 'yun.

"Tara na." Sabi ni Ian at nauna ng lumabas. Anyare dun? Psh.

But I admit, he's look like a monster now.

Nagkatinginan lang sila pwera ulit kay Zied na sobrang seryoso ng buhay. Tumayo na sila kaya tumayo na rin ako tinabihan ko si Jayx dahil sa tingin ko siya ang matinong makakausap ko ngayon, bakit? Eh siya lang ang mukhang hindi tensyonado sakanilang lahat e.

"Anong nangyari kay Ian?" Tanong ko sakan'ya habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo bago makalabas ng mansyon na 'to.

"Nainis siya doon sa sinabing alas ng makakalaban namin, si Annalysa Bautista. Inisip niya kasi na kaya nila ginawang alas ang babaeng 'yun ay dahil alam nilang addicted si Ian sa sex at sa tingin ko iyon nga talaga ang kahinaan ni Ian kaya si Annalysa ang ginawa nilang alas. Nainsulto si Quest Supreme kaya siya umakto ng ganun kanina." Saktong nakalabas kami sa mansyon nung matapos niyang sabihin 'yun. Kaya pala..

Pfft! Kalandian pala ang kahinaan ng halimaw na 'yon? Hahahaha gross!

"Hoy babae! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?! Sumakay kana dito!" Nawala ang mga ngiti ko ng tawagin ako ni Ian. Psh. Halimaw.

Sumimangot ako at sumakay na sa kotse ni Ian.

****

Halos hindi ko na makita ang dinaraanan namin dahil sa sobrang dilim ng paligid. Nangingilabot narin ako.

"Wag na wag kang lalabas ng kotse mamaya. Kapag lumabas ka malilintikan ka sa'kin." Nag-uutos ba siya o nagbabanta?

"Okay." Medyo nasasanay na ako sa presensya ni Ian. Pero hindi ibig sabihin noon makakalimutan ko na lahat ng ginawa niya sa'kin.

"Good then."

Ilang sandali pa tumigil na kami. At madilim parin sa parteng ito ng lugar pero ang dami rin ibang kotseng nakapark. Umandar pa si Ian ng kaunti at doon nilagpasan namin ang mga iilang tao na naka lupong at nakita ang limang lalaki at isang babae na pinagkakaguluhan nila.

"Ang pinag-usapan natin Goldlane, wag kang bababa." Psh! Sabi na nga okay diba? Ang kulit ng halimaw na 'to!

"Oo nga diba?!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Ang kulit naman kasi niya e!

Noxious Inside MeOnde histórias criam vida. Descubra agora