"Ang bilis naman niyang maka move on, or baka sadyang, umpisa pa lang, ay hindi naman pala talaga niya ko minahal, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Siya na nga ung buhay ko eh. Siya na ung bumubuo lagi ng araw ko. Siya na ung priority ko, na sa tuwing kailangan niya ko, lagi akong nandyan para sa kanya. Lahat ng sakripisyo ginawa ko na, kasi mahal na mahal ko siya. Tapos siya naman itong ang bilis bumitaw. Apaka higpit ng hawak ko, sobrang higpit, ung tipong ang sakit sakit na, tapos bigla ko na lang namalayan na ako na lang pala ung kumakapit, na bumitaw na pala siya at nagpapakatanga na lang ako. Kaya hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako, nasaktan ka ba nung naghiwalay tayo? minahal mo ba talaga ko? o baka napilitan ka lang sa isang gaya ko....ang bilis eh, napaka bilis mong mag move on."
BINABASA MO ANG
Hugot Everywhere
РазноеIhanda na ang panyo't popcorn dahil makikilala niyo na si Ms. Hugot Everywhere