chapter 1: The Beginning

39 3 0
                                    

"  Ateeee!!! Gising na . "

Sigaw ng kapatid ko kaya tuloy  ako nakabangon ng wala sa oras , ay hindi nga pala wala sa oras kundi late na ako.

OMG !!! napasarap ang tulog . But wait before pala anything I just want to introduce myself .

My name is Irish Kate Lord soul  ooooh diba ang ganda ng name ko. Panganay pala ako sa tatlong magkakapatid .

By the way yung nanggising saken ay ang bunso kong kapatid , sya si Daniella Mae Lord Soul . Yung pangalawa ko pa palang kapatid ay si Ella mae Lord Soul .

Nahalata nyo ba name ko lang ang naiiba? Yung dalawa Kong kapatid may mae ako lang ang wala . Kay mama pala kasi  nakuha yung mae ng dalawa kong siblings , kasi pangalan ni mama ay Bella Mae Lord Soul .

Si papa naman ang pangalan ay John Dave Lord Soul. Pero okey lang maganda naman name ko hahahaha!!!!!! Charrr.

 

Pagkagising sakin ni daniella ay agad akong bumangon dahil nga late na ako .By the way nagtatrabaho pala  ako sa isang restaurant .

Nagmamadali akong gawin ang aking morning ritual . And in a few minute  , Im done doing my ritual . Hindi na pala ako nag- breakfast sa amin kasi malalate  na ako .

Hindi na rin ako nakapagluto para sa pamilya ko . Sa restuarant na lang ako mag-bebreakfast.
     
     

  Eto na ngayon ako naglalakad papunta sa work ko di naman kasi kalayuan ang restuarant na pinagtatrabauhan ko sa house namin .

Actually ganito talaga ang ginagawa ko naglalakad papuntang restuarant .

Ang oras na nga pala ngayon ay 8:30 at late na akong 30 minutes kaya lagot ako nito sa boss ko .

         Pero habang naglalakad ako sa hallway di ko namalayan na may truck pala na papunta sa akin .

Gulat na gulat ako . Hindi ko magalaw ang mga binti ko . Tanging nagawa ko lang ay isign ang kamay ko na parang  pinapastop ko yung truck at nakapikit ako sa mga oras na iyon.

At  ang tanging iniisip ko ay mamamatay na ako . Pero habang hinihintay ko ang truck natumama sa akin ay hindi ko ito maramdaman .

Minulat ko ang isa kong mata at ang isa pa, tapos pikit ulit pero muli ko namang minulat at nagulat ako ng makita ko ang truck na hindi gumagalaw , hindi lang pala ang truck ang hindi gumagalaw kundi pati pala ang nasa  paligid ko.

Nagulat ako sa pangyayaring iyon kaya hindi ako agad na kaalis sa kinatatayuan ko pero ng macatch up ng utak galing sa pagkakastroke ay dali dali akong  umalis at pumunta sa gilid .

        At sa mga oras ding iyon pagkatapos kong  umalis sa kinatatayuan ko ay gumalaw na ang truck at ang lahat ng nasa paligid ko.

( Take note this event kung bakit nagkaganun )

      9:00 AM na ako ng umaga nakarating sa restaurant . At nakahanda na rin ako sa maaaring mangyari . Pagpasok ko sa pinto ng restaurant

"At bakit ngayon ka lang Ms. Lord Soul?"bungad sakin ng aking boss.

"Isang oras ng late at ngayon may gana ka pang pumasok " dagdag pa ng boss ko.

"pata------" naputol ang aking sasabihin ng biglang magsalita muli ang boss ko.

" kunin mo na ang natitira mong sweldo at umalis kana , di ko kailangan ang mga taong katulad mo " .

"Boss !!!! Patawarin nyo po ako , ito lang po ang trabaho ko , papaanu na po kapag nawala pa ito " pagmamakaawa kong sabi.

      Ngunit hindi talaga natinag si boss , kaya wala akong magawa. Umalis nalang ako pagkatapos kong makuha ang sweldo ko.

"  Papaano na ako !!! Saan na ako magtatrabaho ?" sa isip ko lang ito habang naglalakad , hindi ko nga pala alam kung saan ako papunta pero hinahayaan ko lang ang mga paa ko kung asan ako dadalhin nito.

      Napatigil nalang ako ng makarating ako sa isang gubat . At ang gubat pang iyon ay ang black forest , kung saan ito  ay kinatatakutan ng mga tao , kaya wala pang sumusubok na pumunta dito . Tinawag itong black forest dahil  madilim nga kahit umaga pa.

       Habang naroon ako sa gubat , di ko mapigilang tumindig ang mga balahibo ko . Nakakatakot kaya , kayo kaya dto mag-isa , tapos madilim - dilim pa whaaaaaa!!!!.

       

  At habang naglalakad ako paalis sa sa gubat na ito ay may nakita akong

0 o 0...................

--------

Anu kaya ang nakita ni Irish ? At bakit kaya may mga pangyayaring di maipaliwanag na pangyayari ang nakita ni Irish . Anu ang koneksyon nito sa buhay ni Irish ?
        

OA po ba ? Just comment lang po , kahit bad or good comment . And sorry pala sa wrong typus at grammar ko . Hope you understand.

   THANK YOU!!!!!!!!

The Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon