"Love is not about the size,looks or wealth. it's about what you really FEEL."
Ella's POV
Monday na ulit. Haaaayyy
"Oh kay bilis naman mag laho ng pag-ibig mo sinta."
Charot! Iba pala yun. Hahaha napapakanta tuloy ako sa taxi.
Nag taxi ako ngayon kasi Monday. Maraming mga studyante na nag aabang ng Jeep sasakit lang paa ko sa kahihintay.
"Hi Ella!" Eunice said while waving her hand. Siya yung kaibigan ko dito sa school. Mapili kasi ako sa friends simula nong nag College ako.
"Hello Eunice, tara punta muna tayong locker"
"Tapos mo na ba yung project natin sa Computer? Next week na yun" she asked
"Naumpisahan ko na. Nakalahati ko na. Ikaw?"
"Ganun din. Hihi" sabay bukas ng locker niya at ganun din ang ginawa ko.
"Omggg friend ano yan?"
Pareho kaming nagulat sa nakita namin.
Pag bukas ko kasi ng locker ko andaming papel na naglaglagan. And take note. Red paper pa siya.
Pinulot ko ang isa dun at parang nanaas yata lahat ng balahibo ko kasi yung naka lagay.
"Ang panget mo. Pero bakit I LIKE YOU?"
ANO DAW????
"Naks Ella ha! May pa ganyan ganyan na pala ngayon? Pero bakit parang ang weird naman yata niyan? Nang insulto muna. Hahaha"
Weird talaga. Like niya ko pero panget daw ko? Huh?
Nag basa ako ulit ng isa pa pero mas ma lala pala tong naka sulat dito.
"Ang taba mo pero gandang ganda ako sayo"
Aba! Loko to ah! Malaman lang. :/ nakaka sakit natong lokong to.
Tumingin tingin ako sa paligid at baka andun lang yung nag lagay nito dito. Pero parang wala namang ka tao tao dito maliban samin ni Eunice eh.
"Basahin mo to oh. Shet kinikilig ako" tapos inabot niya sakin yung isang papel galing sa locker ko.
"Hoy Ella Catherina. Gusto kita."
"Ganda mo friend!" Sabi ni Eunice habang nag lalakad kami papuntang room. Nilagay ko lahat ng mga papel na yun sa bag ko. Di ko na binasa lahat baka kasi nan ttrip lang.
"Wag ka nga. Malay mo naman. Tibo pala yun. Diba? Di gagawin ng isang lalaki yun"
Sabi ko sabay upo."Tibo? Ella pareho nating alam na galing sa lalaki yan! Tignan mo nga ulit yung sulat kamay niya? Halatang lalaki siya"
Oo, lahat kasi yun naka hand written. At halatang halata na pag mamay ari yun ng isang lalaki.
Natigil ako sa pag iisip ko nong narinig kung nag hihiyawan na yung mga ka klase kung babae. Isa lang naman ang ibig sabihin nun.
Andito na yung mga asungot sa school. Tss
"Babs dun ka umupo. ako jan"
Sabi niya, habang ngumunguya pa ng bubble gum. Di ko napansin na nasa harap ko na pala siya.
Di naman ako mataba eh! Malaman lang sabi. Huhuhu
"Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw ang umupo dun."
At parang nagulat siya sa sinagot ko.
"Aba Den! Tiklop ka.Hahahaha" sigaw ng kasama niya. si Paulo.
BINABASA MO ANG
The Painful Cure
Teen FictionStrongest person you'll ever know. warn you. My life is full of bad crap so yeah!