Chapter 1

20 1 0
                                    

"Life's not that really unfair."

Ella's POV

"Here's your order Ma'am. Come again!"

The girl said after giving me my order. Then I just give her a faint smile. Kakatapos lang ng class ko at dumaan lang ako sa Jollibee para makabili ng pagkain nagutom kasi ako bigla after ng long quiz. Haaaayyy buhay studyante. Nakaka stress!

"Smile ka naman dyan Ma'am"

Sabi nong lalaki sa exit ng Jollibee. Ayon sa uniform niya. Guard siya. Pati si kuya napansin yung naka busangot kong mukha.
Nag smile nalang ako sakanya at tumango at lumakad na. Gusto ko na mag pahinga feeling ko pinagod ng Accounting yung buong katawan ko.

By the way.
Im Ella Catherina Villafuerte 17 years old.first year BS Accountancy student.

Bakit ito ang napili ko? Simple lang. Im just being practical eventhough Im not really good in Math. But Im not bad myself. wala lang talaga akong kahilig hilig sa solvings but Unfortunately kaylangan ito ang kunin ko. Di naman siya talaga Math it's more on Analyzing kaya sobrang sakit sa ulo.

"Hi girl. Here. i brought something to eat" pag dating ko sa bahay naka salubong ko agad yung tita ko. Her name is Marie. My tita Marie. She's still young pa naman kaya minsan girl tawag ko sakanya ganun din siya sakin,

"Awww. Thank you. Gutom na din ako. How's your day?" She said sabay bukas don sa supot

"Fine but tiring, sige akyat muna ako I'll just get some rest"

"Ge" palibhasa may pagkain na kaya di na sya makausap ng maayos. Haha

Nahiga lang muna ako.

Nakatingin lang sa kisame. Pagod na pagod nako pero ayaw pumikit ng mata ko.

May mainit na likido na tumulo galing sa mga mata ko. Haaaay.

Naiyak nanaman ako. Ewan ko ba! Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis para sakin masaktan at umiyak pag naiisip ko siya.

Kapag ganito ang mood ko naiisip ko siya. Kaya nga I keep myself busy para di ko siya maisip. Pero everytime I pause, siya ang sumasagi sa isip ko.


Nakakasawa na! Nakakapagod! Hindi ba ko nauubusan ng tubig sa katawan? Kahit kasi anong pigil ko sa sarili ko naiiyak pa din ako. I know she doesn't deserve my tears but fuck! everyday I can still feel the pain.

Simula nong araw na iniwan niya ko. Ganito na ko, ni hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa kung pano ko aayusin ang sinira niya. Kung saan ako makaka kuha ng gamot kung meron man. nakaka gago na din kasi.

"Ella kain na!"

Sigaw ng tita ko. Tinignan ko lang yung relo ko at Aba! Alas otso na pala.

Inayos ko lang sarili ko para di niya mahalata na umiyak ako. Ni minsan kasi hindi alam ng pamilya ko na ganito ako ka nasasaktan pero syempre ikaw ba naman ang iwan diba? Aware sila na hurt ako pero di nila alam na ganito ako ka nag daramdam. Di nila alam na umiiyak ako gabi gabi.

"Pupunta ba dito si Lloyd ngayon?" I asked

"Hindi naman siya nag text eh. Bakit?" Sabi niya habang nag lalagay ng kanin sa plato niya

"Wala, i just miss him" tas kumain na din kami.

Lloyd is my uncle. Tita Marie's older brother pero ayaw niya na tinatawag siyang tito. ewan ko kung bakit? We prefer call him Tata palayaw niya pero pag may bisita Lloyd nalang din.

Kami lang ng tita ko dito sa apartment na ni rerentahan ni Lloyd at siya naman dun siya naka tira sa bahay ng boss niya. He's a private nurse. He's the one sending me in school.

Bakit kami lang ang nandito? Dahil nasa probinsya si Tatay tyaka yung Papa ko may trabaho kasi sila dun. Tatay is my lolo pero since sya tyaka si Nanay ang nag palaki sakin yan na din tawag ko sakanya. Tita and Lloyd is my father's siblings nasa probinsya din siya nag ta trabaho. Nanay past away when I was in grade 6. I thought hindi na kami ma kakabangon sa pag ka wala niya but Tata did everything for us.

My mom?

She's dead.

"Sige umakyat kana alam ko pagod ka ako ng magliligpit nito" sabi ni Tita

"You sure?"

"Ofcourse" then she gave me a big smile.

I cant imagine what life would be without this woman. She's so selfless. Tipong kakainin niya nalang ibibigay niya pa.

After kung mag half bath at mag bihis natulog na ko. Na stress ako ng bongga sa Accounting kanina nakakaloka!





























"Mahal mo ba talaga ako? Or baka naman minamahal mo lang ako dahil sa mga kaya kung ibigay sayo?"

Naka tanggap ako ng tawag at yun agad ang narinig ko.
Tumulo na yung luha ko pero ni hindi ako humikbi tipong sanay nako sa sakit pero langya ang sakit non sa dibdib para akong sinuntok ng ilang beses.

"A ...- ofcourse i love... you"
Sagot ko sa taong kausap ko sa cellphone.

After how many years na wala siya kahit text! And after how many times na iniwan niya ko. may guts pa siya para sabihin sakin to??

But holy mother of Lions! Nasasaktan ako. Ansakit na sa taong yun pa galing lahat ng to. Sa tao na dapat mahal na mahal ako.

I woke up with tears on my eyes. The hell!

Again?

Hanggang kaylan ako masasaktan? Pati ba naman sa panaginip nasasaktan ako? That woman keep on entering my life eventhough she's far. Eventhough for me she's already dead. Everyday nadadagdagan ang sakit at galit.

Gustong gusto ko siyang patawarin kahit na sa dalawang beses ko na pag tanggap sa kanya di ako nakarinig ng SORRY
Gusto ko wag magalit para makalimot nako at maging masaya pero kasi hindi ganun ka dali. Sa ikatlong beses na pag iwan niya sakin ni pangalan niya ayaw ko marinig. Im not a saint for pete's sake!

Pinunasan ko ng marahas ang luha ko at pumunta sa banyo para maligo.

Today's Friday meaning, Future CPA's rest day.

I dont have plans for today so I'll just stay here in apartment and relax myself.

Nanuod lang ako ng movies kasama si Tita. kumain tyaka natulog. Ansaya kung laging ganito nuh? Pero syempre I need to go to school para makapag tapos, and also help Lloyd na kahit papano eh maka tulong sa pamilya. Lloyd is the breadwinner of the family. Kaya kahit manlang yun ang pambayad sa lahat ng tulong,pagmamahal at pag aalaga nila sakin since then upto now diba?

Marami na din ang nasakripisyo nila para sakin. Kaya kahit man lang sa pag aaral ko makabawi ako. Alam kung yun lang ang hinihingi nila sakin. Pero akalain mo yun? Yung hinihingi nilang makapag tapos ako eh para din naman sakin. Meaning, my family is so selfless walang ina alala kundi ako.


An: So? How was it? I need your comments guys. Hindi po ako namimilit sa votes. It's up to you if gusto niyo bumoto sa Chapter na gusto niyo pero guys sa Comments po hihingi po talaga ako ha? Hihihi. Keep on reading loves! Till the end tayo ha?
-Ms. Wab

The Painful CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon