Asan nanaman kaya yung babaeng yun? Kainis lagi na lang syang wala sa tabi ko . Lagi nalang syang umaalis . Hays ? Ano bang relationship to? >.<
Nandito ako ngayon sa may garden , kanina pa ako nag iintay .
Mahigit isang oras na yata . Kaya heto nag pasya na akong umuwi."Danielllllll ! Wait langggggg!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin , imbes na lingunin ko sya dire diretsyo lang ako sa pag lalakad .
"Tekaaaaa! Antayin mo naman ako , Let me explain pleasee . " tumigil ako sa pag lalakad kaya agad naman nya akong nilingon .
"Ang tagal kong nag antay sayo tas ngayon kalang? Nung una niyaya mo akong mag date sa Enchanted Kingdom pero hindi ka naman pumunta , tas ngayon late ka? Anong bang klaseng relasyon to? Erica nasasaktan na ako" halos paluha ko nang sabi sa kanya ."Kaseee... Ano... ahh.. ehh..." pakamot nyang ulong sagot.
"ANO BAAAAA!" Sigaw ko sa kanya .
"Kase may dinaanan lang ako . Heto oh." Agad naman nyang binigay yung regalo nya para sa akin . Nung binuksan ko na agad akong nagulat . Isang babaeng baboy na teddy bear at isa namang lalaki .
"Binili ko yan kaso na traffic kaya hindi ako nakapunta ng maaga. Akong yung babae at ikaw naman yung lalaki "
"Pasensya kana ahh? Diko agad inalam yung side mo . Pasensya kana nadala lang ako ng galit ." Paghingi ko ng pasensya sa kanya .
"Wala yun mahal kita . Alagaan mo yang teddy bear ha? Kase pag wala na ako , yan na ang yayakapin mo .
Hindi na ako nakapagsalita dahil hinalikan na nya ako . Yayakapin ko pag wala na sya? Ano kayang ibig sabihin nun?
The next morning ,
Nandito ako sa parking lot ng hospital , sabi kase sa akin ni erica hintayin ko daw sya dito . Nag pasya ako na wag munang lumabas ng kotse hanggat wala sya . Kaya laking gulat ko nung nag beso sila ng isang lalaki .
Isang lalaki ..
Agad akong bumaba at sinuntok yung hayop na lalaking yun . I hate erica mga walangya sila .
"Teka bakit mo sya sinaktan?" Singhal sa akin ni erica .
"At sya pa ang ipag tatanggol mo? Ha? Eh ako tong boyfriend mo? Mga walangya kayo mag sama kayong dalawa . Erica tandaan mo , wala na tayo . "
Sigaw ko sa kanya ."Teka . Let me explain"
"Explain? Di na kita papakinggan kahit anong hingi mo ng tawad sa akin"
"Teka , wala kang alam sa mga nangyayari! Pag paliwanagin mo muna sya , wala kang alam!" Sabi naman nung lalaking kasama ni Erica.
"Ikaw ang walang alam ."
At tumakbo na ako paalis . Dumiretsyo ako sa club at nang chixx , gusto ko lang naman makalimot sa mga nangyayari sa buhay ko .Erica's POV
Wala syang alam . Wala syang alam . Wala syang alam .
Tumakbo na paalis si Daniel . Ang taong pianakamamahal ko."Ugggggh . Di ako makahinga"
"Doc ! Di ako makahinga, sumasakit ang ulo ko . AAAAHHH!"
"teka lang kumapit ka Erica wag kang bibitaw , ibabalik kita sa hospital , pleasee wag kang matutulog" sabi ni Doctor Justine . Na akala ni Daniel ay Ipinag palit ko sa kanya .
"Di ko na kaya , Doc AHHHHH!"
"Hold on , ERICAA!" At this moment , He shouted na .
"Kung heto na ang huli kong san dali pakibigay to kay Daniel ."
Pag mamakaawa ko sa kanya ."Ericaaaaa!" Yun nalang ang huling narinig ko at tuluyan na akong binalot ng dilim .
Daniel's POV
ilang beses kong tinawagan si Erica . Pero hindi naman nya sinasagot . Gusto ko nang makipag balikan sa kanya . But I Guess naka move on na sya.
After 1 year .
Papunta ako kung saan kami unang nag kakilala ni Erica . Nag babakasakali akong nandirito sya . Isang taon narin kasi ang nakalipas nung huli kaming nag kita . Remember ? Dun sa parking lot .
Teka? Si erica yun ah?
"ERICAAAA! MAHALLL!" Sigaw ko sa kanya .
Nag titinginan naman lahat ng tao sa akin . Pero wala akong pakialam , andun kasi si erica sa part na walang mashadong tao .
"Mahall?" Laking gulat ko nang yakapin ko sya , tila bigla nalang syang naglaho .
"Mahal? Asan ka? Diyos ko? Mahal?" Para na akong baliw dito .
" Sir wala pong tao jan . " sabi ng security guard .
"I saw her . Hindi ako nag kakamali , I saw her . "
Nakita ko sya . Anong bang nangyayare?"Sir baka namalikmata lang po kayo" At umalis na yung security guard .
"Tol tama na yan" teka , siya yung lalaking kasama ni Erica nun ah .
"Asan na yung Girlfriend ko? San mo sya dinala .?" Halos maiyak iyak na tanong ko sa kanya .
"Yun nga ang dahilan kung bakit ako nandito , bago sya mamatay pinaabot nya sayo to, kung sana pinakinggan mo sya hindi sana sya mawawala at sana mag kasama kayo ngayon , Hindi pa sana sya mamamatay pero dahil sa sobrang sakit nung naramdaman nya nung nakipag hiwalay ka a years ago , tuluyan nang bumigay ang puso nya ." sabi nya , at tuluyan na syang umalis .
Tekaa? Anong nangyayare? Binuksan ko yung letter at laking gulat ko nung nabasa ko nayung nilalaman nun.
Dear Mahal Kong Daniel ,
Pasensya ka na kung hindi ko agad sinabi sayo na may Cancer ako , malala na daw eh kaya hindi ko agad sinabi sayo , patawarin mo ko kung lagi akong late pag nag dedate tayo , kase dumadaan pa ako kay Doc Justine para mag pakunsulta , mahal kita , tandaan mo yan , mahal na mahal kita . Hindi ko agad pinag tapat sayo dahil alam kong masasaktan ka . Pero tandaan mo wala kang kasalanan . Kung mawawala man ako ngayon , tandaan mo lagi lang kitang binabantayan at sobrang mahal na mahal kita . Atchaka yung teddy bear ah, wag mong iwawala :) Binili ko kase yan nung tinaningan na ni Doc yung Buhay ko . Hahaha :) nakakatawa no? Kung gaano pa kitang gustong kasama atchaka ka naman ako mawawala . Pero alam kong may dahilan ang Diyos , basta wag mo syang sisisihin ah? Mahal ka niya kaya nangyayare to . Daniel Laurence Garcia , ,mahal na mahal kita at sana Sa huling sandali ng buhay ko ay makapiling kita . Mahal na mahal kita :)
Love,
Erica Lowein Santos- Garcia .Halos mamatay ako nung nabasa ko yun . Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko . Gusto ko nading mamatay dahil sa sobrang sakit , kung hindi lang sana ako nag pa dalos dalos edi sana kasama ko pa sya at sabay naming nilabanan ang sakit nya , Namatay sya ng hindi ko man lang alam . Matagal na pala syang patay pero wala akong kaalam alam .
Walang tigil ang pag buhos ng aking mga luha .🎵Kung alam ko lang , na mawawala kana , Edi sana hindi kita iniwan at ika'y inalagaan , hanggang sa huling sandali ng buhay mo , ay pinaramdam ko ang pag-ibig ko sana ako mahal ako ay mapatawad mo .🎵
Dahil sa sobrang lungkot ko sinalubong ko ang isang mabilis na kotse .
Wag kang mag alala , Mahal mag sasama na tayo .Ang huli kong nadinig ay ang sigawan ng mga tao , at tuluyan na akong binalot ng dilim .
A/N: Hi Mga readers . !!! Sana po patuloy nyo akong suportahan , one shot lang po yung gagawin ko sa ngayon dahil habang tinatapos ko po yung story na About sa buhay lovelife ko Like What I've Said before puro one shot lang po muna .
Honestly puro sa panaginip ko lang po nakukuha yung mga ganyang story :) hahaha :) Bye Readers . ILoveYou So Muchhh!
BINABASA MO ANG
See You Again (OneShotStory)
Novela JuvenilNamatay sya , nang wala man lang akong Kaalam alam.