chapter 2: vacation

21 0 0
                                    

Chapter Two: Vacation

Alex' POV

“we’re here!” sigaw ni Tristan na nasa passenger seat, nagbabaan naman kaming lahat at nag-inat wala lang trip lang kasi ilang minute lang naman yung biyahe. Pumasok na si Althea sa loob at maya maya ay pinapasok na rin kami ni Thea.Akala ko magche-check-in kami yun pala dumaan lang kami sa loob at dun daw kami sa may resthouse nila sa likod ng building malapit sa beach.

“wow!” sabi ni Ange pagpasok na pagpasok

“yung kwarto sa left ang sa atin girls tapos ung sa right ang sa boys, oh eto susi nung sa inyo oh” sabay bigay sa akin ng susi, pumasok na kami sa loob ng kwarto infairness maganda may tatlong bed na kasya ang isang tao lang, parang ni-ready talaga ni Thea ah. Inayos na naming yung gamit at nagbihis ng trunks at t-shirt tapos lumabas na kami.

Ange’s POV

Ang ganda dito sa resort nila Thea nakakarelax talaga, pumasok na kami sa kwuarto namin, may tatlong kama na pang iisang tao lang at may malaking kurtina na tinatakpan ang isang malaking slidding door na pwede mong labasan.

“Thea talagang pinaghandaan mo yung pagpunta naming ditto no?” tanong ko

“parang ganon na nga” sagot naman ni Thea

“kasi tatlong kama talaga agad oh” singit ni Bessy

“syempre naman! Loves ko kayo eh!” sagot ni Thea

“tama na yan at baka mamaya mag-iyakan na tayo dito” sabi ni bessy

“panira ka talaga ng moment bessy” sabi ko sakanya

“magbihis nalang tayo at magswimming na kasi gusting gusto ko nang lumusong sa tubig” sabi ni Bessy

“wow ha parang ang tagal mong hindi naka-feel ng tubig kelan ka pa ba last na naka-feel ng tubig?” – Thea

Sinimangutan lang siya ni bessy at pumasok na sa banyo dala ang kanyang swimsuit kami naman ni Thea ay tumawa lang, pagkabihis naming ay lumabas na kami at saktong paglabas naming ay lumabas narin ang boys.

“ano ready na kayong sumuong sa tubig?” tanong ni Tristan na katulad ni Bessy ay gusting gusto nang magswimming.

“reading ready na!” sagot naman ni Bessy, pumunta na sila sa beach nagpaiwan ako para maghanda ng kakainin naming mamaya ng may biglang sumulpot sa tabi ko.

“nandito ka pala” sabi ko sakanya

“hindi nandon ako kasama nila” sagot niya sa akin, kahit kalian talaga walang kwentang kausap tong tao nato, sino pa bang walang kwentang kausap? Diba si Lisle lang naman?

“ang labo mo talagang kausap”

“kain lang ata punta mo dito eh”

“hindi kaya”

“eh bakit pagkain agad ang inaasikaso mo?”

“hinahanda ko lang po yung pagkain natin para mamaya kasi sigurado akong maya’t maya gugutumin yung mga kumag na yon”

“ako na yan at maligo ka nalang don”

“pinagtatabuyan ako? Ganon?”

“parang ganun na nga, sige na lakad na”

“eh sa ayaw kong maligo, anong magagawa mo?”

“edi huwag kang maligo, ganun kasimple lang yon”

“umalis ka nalang kung wala kang maitutulong na maganda”

“pano kung ayoko?”

“edi huwag kang umalis”

My Hoodlum PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon