Chapter Three: my best cousins are back!
Ange’s POV
O _____________ O
“Angelyyyyyyyyyyyynnnnnn!!!!!!!!!!” napatakip ako sa tenga dahil sa lakas ng sigaw, tumatakbo kasi sya papunta sa akin taqpos niyakap niya ako
“kelan ka pa dumating?” tanong ko
“kahapon lang, di mo ba ako namiss?” balik tanong niya naman sa akin
“namiss, syempre naman, nagtatanong lang tampo kaagad to oh, alam mo naman na ikaw ang best cousin ko!” sabi ko naman
“ah ganon, siya lang pala ang best cousin mo?!” sabi naman ni kuya Leander
“ikaw naman kuya, syempre pati ikaw! Magkapatid nga kayo, matampuhin” sabi ko naman sa kanila
Sila nga pala ang aking mg favorite cousins sina Leander F. Alba at Alexa Anne F. Alba sila ang pinaka-close ko sa mga pinsan ko lumaki kaming magkakasama nagkahiwalay lang kami nung umalis sila papuntang Canada pero dito sila nagbabakasyon, pinayagan naman sila nila tita at tito dahil nandito kami ni kuya sa Pinas hindi kasi kami sumasama kila mommy sa Canada kapag may business sila kaya miss na miss namin ni kuya tong dalawang to
“alam na ba ni kuya na nandito na kayo?” tanong ko naman sa kanila
“yup! And after a few minutes he’ll be here” sagot naman ni Alexa sa akin, nagkwekwentuhan lang kami doon sa sala dahil busog pa daw sila nang dumating si kuya
“good afternoon everybody!!!” napatakip nanaman ako ng tenga, kami pala, ang lakas kasi ng boses ni kuya, akala niyo siguro cool si kuya na tahimik type? A big NO WAY! because mas maingay pa yan sa aming dalawa ni Alexa, kung hindi niyo siguro siya nakikita at hindi lalaki ang boses ni kuya aakalain niyong babae yan at kung hindi gwapo si kuya aakalain niyong bakla, kami nga eh kahit gwapo si kuya pinaghihinalaan namin, ano kayang feeling magkaroon ng kuyang bakla? Waaaahhhhh! Ang saya siguro! Hahaha.
“hindi niyo ba ako namiss?” sabi ni kuya sabay pout, minsan talaga mas bata pa ang utak nito sa akin
“syempre namiss!” sabay na sigaw ng magkapatid sabay yakap kay kuya, ito talagang dalawang to nagpapadala sa kabaliwan ni kuya.
“eh yung little sister ko hindi ako namiss?” sabay pout ulit, hay ano pa bang magagwa ko?
“oo na namiss na kita” tapos yinakap ko siya
“group hug!” sigaw naman ni kuya at eto pa, ako ang nasa gitna!
“cant……breath……” sabi ko habang pinipilit makahinga, ikaw ba naman ang ipitin ng tatlong tao, makahinga ka pa kaya?
“sorry!” sabi nila pagkatapos kumalas sa pagkakayakap then sabay sabay pa na nagpeace sign, magkakadugo talaga sila
"tara kain tayo! dala ko ang mga favorites niyo oh!" then tinaas niya yung mga pagkain na dala niya
"the best ka talaga Louie!" kuya Leander na tuwang tuwa, pansinin niyo mga pangalan namin sila kuya parehas L ang start ng names nila at kami naman ni Lexa parehas A ang start tapos kaidad ko si Lexa at kaidad sila kuya, oh diba? lakas ng trip ng parents namin noh?
"kuya sa garden tayo, masarap ang simoy ng hangin don" sabi ni Lexa sabay takbo, Lexa tawag ko sa kanya kasi ang haba ng name niya, hahaha, nagpapahalatang tamad pero hindi ako tamad noh slight lang, hahaha pumunta na nga kami sa garden at pagkababang pagkababa ng pagkain
"lantakan na!" sigaw ni kuya Leander
"hep! hep! hep! masyadong excited? ilabas muna natin sa plastik at baka mamaya hindi sa inyo yung makain niyo magkabugbugan pa tayo dito" sabi naman ni kuya habang hinaharangan yung magkapatid, di halata no? pero PG yang magkapatid na yan pero sa harap lang namin at friends dahil pag sa harap ng ibang tao good manners sila dahil baka masira daw ang names ng parents nila, strict masyado no? yung nga pinamigay na ni kuya ang mga pagkain

BINABASA MO ANG
My Hoodlum Prince
Teen Fictionhi! i'm Allain Angelyn Alonzo Alba, oh diba? 4As. tindi ng parents ko eh. ang lakas ng trip! hahaha. lovelife? syempre meron ako niyan. totoo nga siguro ang sinasabi nila, na ang relasyong nagsisimula ng maaga, natatapos ng maaga, kaya nga hell ang...