Lola Senti

10 1 3
                                    

Naisipan kong kumain sa isang restaurant ng mag-isa. Habang hinihintay ko ang aking order, nahagip ng aking paningin ang isang lolang mangiyak-ngiyak habang nakatingin sa matatandang mag-asawa na sabay kumakain sa isang table.

Lumapit ako sa kanya para tanungin...

"Lola? Okay lang ba kayo?" Tanong ko. Sabay upo.

"Oh. Iha, okay lang ako." Mangiyak-ngiyak niyang sagot.

"Eeh, lola? Bakit po kayo umiiyak?" tanong ko ulit.

"Wala to, iha, naaalala ko lang ang aking yumaong asawa, ganyan din kami kasweet noon..." sagot niya sabay turo sa mag-asawang kumakain.

Umupo ako sa tapat niya at naghihintay sa susunod pa niyang kwento.

"...mahal na mahal ko siya, hindi ko talaga makalimutan yung mga masasayang araw na kasama ko siya." Mangiyak-ngiyak na sabi ng matanda.

"...Ikaw ba iha? May mga bagay na bang mahalaga sayo tapos bigla nalang nawala?" Tanong niya sa akin.

"Aaah? Mga bagay? Meron po, yung kwintas na bigay sakin ng namatay kong lola, nag-iisa lang yun. Gabi-gabi nga po akong umiiyak dahil dun eh." Sagot ko.

"Ganyan talaga ang buhay...May kukunin talaga sa atin ang Panginoong Diyos, kapalit sa lahat niyang sakripisyo para sa atin. Malay natin, mayroon pang mas mabuting plano ang nasa itaas para sakin..." sabi ng matanda.

"... oh sya! Uuwi na ako, nandyan na yung hinihintay kong pagkain. Ingatan mo ang sarili mo ha? Pakisabi nalang sa mama mo na miss na miss ko na siya." dugtong niya.

"Aaah, okay po. Lola? Ano po ba yung pangalan niyo?" Tanong ko.

"Lola... Lola... Senti. " sagot niya sabay ngiti.

Senti... Lumingon ulit ako sa matanda ngunit wala na siya...

Lola Senti...

Lola Senti...

Paulit-ulit sa isip ko ang pangalang Lola Senti... parang may naaalala akong Lola Senti...

"Oh, anak. Ingatan mo to ah? Galing pa ito sa yumaong Lola Senti mo..." Sabi ng aking ina sabay sout sa akin ng kwintas...

Lola Senti...

Lola Senti...

Pagkauwi ko , agad kong sinabi ang lahat ng nanyari sa akin sa aking ina. Mangiyak-iyak siyang nakikinig sa akin.

"Miss na miss ko na rin siya." Sagot ng aking nanay.

Si Lola Senti... ang matandang nakausap ko sa restaurant. Siya ang aking lola na pumanaw na.

Hindi man kita nakilala ng lubos. Dumadaloy parin sa aking dugo ang pagmamahal niyo sa akin pati sa aking ina. Mahal na mahal ko po kayo.

~Sentiya.









Hi ! I hope you like it! yung cover nga pala magpropromote lang :) search niyo po sa facebook. Wattpad Book Cover Designer: Free Service po yan. okaay?
Please Follow Nethanium_Chloride ;)

Thanks.

Si Lola SentiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon