CHAPTER 1

16 3 7
                                    

Hindi ko alam ,pano ba nangyari toh ?

Basta ang alam ko.. napatitig ako sa kanya at kusa na lang akong napangiti.

Pagbeastmode ako , titigan ko lang siya and I always end up smiling.

Nung kumanta siya mas lalong lumalim yung 'feeling'

Nung tumabi siya sakin ang lapad ng ngiti ko at hindi ako mapakali

Kahit sa iba ako tinutukso ng mga kaklase ko ,in the end sa kanya parin yung tingin ko, napapansin na nga rin ng iba eh. But I'm too good in concealing and hiding my emotions.

And then one time sa sobrang pagtatago ko ng nararamdaman ko , naunahan na ako.

Nagtapat yung kaibigan ko ,may gusto rin siya sa gusto ko.

Nalungkot ako :/ yung kaibigan ko , maganda ,maputi,matangos ilong at mabait samantalang ako ? Just a common girl na humihiling na sana maging crush ng crush niya.

And I can't hide the fact na bagay sila :/

Di nagtagal nalaman narin ng iba and they started to tease each other

Yung feeling ng nakiki ayiiiieee ka na lang? Kahit sa loob loob mo selos na selos ka na.

Yung napapagusapan yung mga lovelife tapos pinagpapartner-partner kayo? Tapos hinihiling mo na sana ako na lang yung partner niya,sana ako na lang yung inaasar sa kanya.

Sa bawat groupings hinihiling ko na sana ka grupo ko siya

One time nakatitig ako sa kanya at ang sakit lang nung
nakita kong sa kaibigan ko siya nakatingin.

Yung lumilingon siya sa puwesto ko at napaka-assuming ko.

Nakalimutan ko katabi ko nga pala yung kaibigan ko

Minsan pinipilit ko na lang umiwas.

Minsan ko naring naisip na sana magkasakit ako at di
makapasok para naman hindi ko na maramdaman yung 'feeling' na yun kapag nakikita ko sila.but behind that I'm asking , hahanapin niya kaya ako ? Mamimiss niya kaya ako ?

Yung time na online siya tapos tanging nasa isip ko lang 'sana ichat niya ako!' Pero hanggang sa mag out na lang siya wala ka paring natanggap kahit 'hi' man lang

at ang masaklap pa dun, nabasa mo yung status ng kaibigan mo "Thanks for the chat :)" with heart emoticon

At nagcomment siya dun , naawa ako sa sarili ko kase habang sila masayang nagchachat ,ako ? Naghihintay at umaasa. :(

Ang sakit lang na yung taong nagustuhan mo ay yung tao pang alam mong hinding-hinding mo makukuha.

I tried asking myself , ano bang nagustuhan ko sa kanya ?

Pero kahit ako hindi ko rin alam.

Ang sama lang ni kupido sakin :/

Tinry ko naman magpuyat para lang makakita ng shooting star , nagwish narin naman ako sa 11:11, pinasa ko naman lahat ng chain message na sinisend nila sakin.Pero bakit ganon ?Hindi matupad-tupad yung hiling ko ?kahit nga yung takure namin eh hinimas himas ko na pero wala namang lumabas na genie at sinubukan ko narin yung love test at ang nakalagay '100 % MAGKAKATULUYAN KAMI' pero anong nangyari? Nganga ?Eat ganun ?

And then one night I realize kailangan ko nang aminin tong nararamdaman ko bago pa mahuli ang lahat.

Pagkabukas ng uwian nun hinabol ko 'siya' at magkasama sila ng kaibigan ko pero hindi yun naging hadlang sa plano ko.

Kahit anong mangyayari aaminin ko na toh , whatever the consequence I will accept it!

Patawid ako sa highway nun at sobrang nagmamadali na ako kase ang layo na nila.

Tumakbo ako but one thing happened.

I was hit by a truck.

The next thing I knew nakahiga na ako sa may kalsada habang tumutulo yung dugo sa may ulo ko.

Narinig ko yung mga sigawan ng mga tao , may ibang tumakbo at humingi ng tulong at yung iba naman ay pumalibot sakin para maki ososyo.

Kahit masakit pinilit kong igalaw yung ulo ko papunta sa direksyon nila.

At paglingon ko dun nakita kong parehas silang nakatingin dito at napatakbo sa kinaroroonan ko.

Napaiyak yung kaibigan ko dahil sa kalagayan ko at habang 'siya' nagpapanic na at tinatanong ang lagay ko.

I smiled at him , atleast ngayon alam kong he care for me and I'm contented with that.

Ipinikit ko na ang mata ko at ang huli kong narinig ay ang pagdating ng ambulansya at pagiyak nila.

Hindi ko man nakuha yung gusto ko atleast naramdaman kong napasaya niya ako at napasaya ako ng insidenteng toh.

Ngayon napatunayan ko , lahat ng bagay may katapusan 'Wala nga talagang FOREVER' , at kagaya ng mga bagay na yun pati buhay ng tao may katapusan rin.

And I'm Carla at napatunayan kong "ANG CRUSH NAKAKAMATAY YAN"

---------------THE END------------------

ANG CRUSH NAKAKAMATAY YAN ( Short Story ^_^)Where stories live. Discover now