Chapter 3

3.5K 66 0
                                    

Felix's POV

Alam ko gago ako. Binabale wala ko yung babaeng gusto ko, ewan para siguro hindi na 'ko umasa na mamahalin din niya 'ko.

Aamin na ko, mahal ko talaga si Bianca. Sheeeeeeet, ang lakas makabakla.

Natatakot akong umamin kasi baka mamaya hindi pala mutual ang feelings namin, baka isipin niya sinasakal ko siya at tsaka ayoko siyang mapahamak, madaming naghahabol sa'kin na mga napagtripan ko dati pati na rin yung mga bitches sa paligid, natatakot akong masaktan siya ng dahil sa'kin.

Until kanina, niyakap niya ko.'Di kaya nagseselos siya dun sa babaeng nagconfess sa'kin? Pero I won't get my hopes up, mamaya friendly hug lang pala 'yun. Pero ano bang masama? Atsaka, I have decided. I have decided na poprotektahan ko siya hanggang kaya 'ko.

Kanina naman sa grocery, gustong gusto kong patayin yung lalaking may hawak sa kanya, ako nga ni hawak hindi siya mahawakan eh, tapos sila-Arg! Mga papakol sila.

Nung nag good night siya sa'kin kanina parang gusto kong sumagot ng 'good night din sa'yo' pero hindi ako sanay, umaga na nung inantok ako, pero narinig ko siyang bumababa, nagpanggap akong tulog. Ano bang nangyayari sa 'kin?

Lumapit siya tapos umalis, akala ko hindi na siya babalik pero kumuha lang pala siya ng kumot. Bianca bakit ba ang sweet mo? Ang pinaka heaven na feeling sa lahat ay yung sinabi niya.

"Sleep tight Felix. I love you." Mahal niya daw ako hindi ba ko namamaligno? Magaalas tres na din kasi eh.

Bianca's POV

Nagising ako kinabukasan alas onse na pala. Sabado ngayon which means wala kaming klase. YEHEY! Okay ang OA ko.

Lumabas ako nang kwarto, pagluluto ko pa kasi ng almusal yung mahal na hari sa baba. Pero nagulat ako pagbaba ko wala na siya sa sofa. Baka nilamig tapos umakyat sa kwarto niya? Mamaya ko na nga siya problemahin mas mamomoblema pa 'ko kapag napagalitan ako non eh.

After kong magluto, umakyat ako para gisingin siya.

*knock* *knock* *knock*

"Uhmmm..." Yun lang ang narinig ko.
So 'di pa siya babangon? Tapos magagalit siya 'pag lumamig na 'yung pagkain sa baba? Punyemas yan.

"Felix, lalamig yung breakfast mo. 'Di na masarap 'yun mamaya. Tumayo ka na dyan." Sabi ko habang patuloy na kinakatok 'yung pinto ng kwarto niya.

"Five more minutes..later." Sagot niya.

Ah matigas bungo mo ha? Kinuha ko yung mga susi sa loob ng vase sa sala. Binuksan ko ung kwarto niya. Yari ka sa'kin makakaganti na 'ko sa lahat ng kasupladuhan mo.

Dahan dahan akong lumapit sa higaan niya, nakakumot siya tapos nahaharangan pa ng unan ang mukha niya. Dahan dahan kong inalis, shocks! Ang pogi niya talaga.

Mukha talaga siyang mabait pagkatulog. Paggising kasi masyado nang antipatiko. Inangat ko yung kamay ko hanggang maabot ko yung ilong niya sabay kurot dito. Nagulat ako ng bigla siyang dumilat.

"Hwat da pak ar yu nuwing?" tanong niya habang nanlalaki yung mata niya. Ang epic. HAHAHA. Pero syet! Yari ka nanaman Bianca!

"Ah. Ha-ha Felix gising ka na? Ready na yung almusal mo." Sabi ko. Nanlalaki pa rin yung mata niya tapos 'yung ilong niya namumula.

"Labas na ko." maglalakad na sana ako palayo nang maramdaman ko yung kamay niya sa kamay ko.

"Hep, 'di pwede." Nakangising tugon niya sabay hila sa'kin papunta sa kama, ang awkward ng posisyon namin ngayon, wala na siyang kumot kasi ewan, tinanggal niya ata? Nakaboxers lang siya na walang t-shirt. Ramdam na ramdam ko tuloy yung init niya. Help me po! Bata pa akooooo. Mabait naman po si Felix eh. Err-minsan?

"Why are you here?" Mapang-asar na tugon niya habang nakayapos sa'kin.

"Uhm. Ginigising ka." Sagot ko, nakapatong 'yung baba ko sa dibdib niya habang siya naman nakatingin sa mukha ko. Lord, bat naman perpektong perpekto ang pagkakagawa niyo dito sa lalaking 'to?

"Ah at bakit naman na damay ang matangos kong ilong ha? Tsaka anong oras na bat ang aga mong mambulabog?" Hay! Conceited.

"Ah, eh ang hirap mong gisingin eh. Tsaka mag e-eleven thirty na ata." Sagot ko.

Napabalikwas naman siya akala ko mahuhulog ako pero nayakap niya 'ko kagad. "Sh*t. Bat 'di mo sinabi?" Tanong niya.

"Di mo naman tinatanong eh." Bulong ko.

"Pilosopo. Bumababa ka na. Susunod nalang ako." Sabi niya sabay pasok sa banyo ng kwarto niya.

Teka bat ba siya namamadali? Agad.akong bumangon para ayusing ang higaan niya, bago ako tuluyang bumababa.

Marrying a Jerk [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon