Felix's POV
Nagising ako sa lamig, kaya umakyat ako sa second floor, nakita kong nakaawang 'yung pinto ni Bianca, sinilip ko lang siya saglit tapos pumasok na din ako sa kwarto ko.
Kinabukasan, nagising ako kasi kumakatok siya sa kwarto ko, alam ko sabado ngayon, bakit ang aga niyang mambulabog?
Hinarang ko 'yung unan ko sa mukha ko, nakakasilaw kasi yung araw. Nagulat ako kasi nagsalita siya ulit, usually isang beses lang siyang kumakatok eh.
"Felix, lalamig yung breakfast mo. Di na masarap yun mamaya. Tumayo ka na dyan." Halata sa boses niyang naiinis na siya kaya kahit gising na 'ko nahiga pa rin ako.
"Five more minutes..later." Ungol ko. O 'di ba best actor?
Maya maya pa, naramdaman ko siyang pumasok kaya ipinikit ko 'yung mga mata ko, inangat niya 'yung unan, gusto kong matawa at magsalita, hindi ko na napigilan when she put her hand on my nose and pinched it, ang sakit.
"Hwat da pak ar yu nuwing?" Tanong ko.
"Ah. Ha-ha Felix gising ka na? Ready na yung almusal mo." She's stuttering, ang cute. Nahalata kong uneasy na siya kaya, tinanggal ko 'yung kumot ko, wala pa naman kasi akong t-shirt o sando man lang. 'Di kasi ako sanay na nagdadamit 'pag natutulog.
"Labas na ko." Maglalakad na sana siya palayo, pero hinila ko yung kamay niya, at ang nangyari? She fell right on top of me.
"Hep, 'di pwede." Sabi ko. Nahalata kong awkward na siya, pero ano bang masama? Magiging asawa ko nanaman siya di ba? *evil grin* "Why are you here?" Tanong ko habang nakayakap ako sa waist niya.
"Uhm. Ginigising ka." Sagot niya habang nakapatong yung baba sa chest ko habang ako naman nakayuko para makita ko yung mukha niya. Lord, bat ang ganda netong babaeng nasa harapan ko? Nung nagsabog ata kayo ng kagandahan, nasa labas siya at nasalo niya ata lahat.
"Ah at bakit naman na damay ang matangos kong ilong ha? Tsaka anong oras na bat ang aga mong mambulabog?" Tanong ko.
"Ah, eh ang hirap mong gisingin eh. Tsaka mag e-eleven thirty na ata." Sagot naman niya naman. Napabalikwas naman ako, shet! Akala ko maaga pa. Muntikan siyang mahulog pero buti nalang na agapan ko agad.
"Sh*t. Bat di mo sinabi?" Tanong ko.
"Di mo naman tinatanong eh." Bulong niya pero it's nough for me to hear.
"Pilosopo. Bumababa ka na. Susunod nalang ako." Sabi ko sabay pasok sa banyo.
Paglabas ko, I noticed my bed was already made, ang swerte ko talaga sa kanya. After kong magbihis bumababa na ko, she was already eating pagdating ko sa kitchen. Napansin kong nakatingin siya sa 'kin.
"Are you checking me out?" Tanong ko. Sandali siyang nanahimik "No *gulp* I'm not interested." Sagot niya sabay tingin sa kinakain.
"Okay." Maikling tugon ko, hindi ko napigilang ngumiti pagtinitignan ko siya, para na kong sira dito oh.
"Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan." Tanong niya."Waro, mashamabwang ngumete?" Sagot ko.
"High ka ba?" Tanong niya ulit. Halos mabilaukan naman ako, grabe, masama bang ngumiti?
"Hoy hindi ah. Ikaw talaga misis." Sabi ko, aaminin ko nagulat din ako kasi kung ano-anong lumalabas sa bibig ko, pero naka recover naman ako kaagad pero siya parang nagloloading pa rin eh.
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Si misis talaga, oh 'wag kang mamula. Masanay ka na dapat kashe magiging ashawa naman na kisha eh, je ba?" Sabi ko, as I swallow the last piece of my food.
She nodded, which made me smile even more.
"Ikaw na magligpit ha? Susunduin ko yung mga classmates ko eh. Gagawa kami ng report dito. Bye misis." Sabi ko, sabay lean sa kanya and gave her a peck on her cheek. Tapos umalis na 'ko. Shit late na 'ko, usapan kasi namin 10 eh, 12 na.
Fortunately, hindi nagalit sila Mac, nag-aya pa nga silang kumain sa fast food at maglagalag sandali, kaya nakabalik kami sa bahay 3 na. Ano kayang ginagawa ni misis?
Pinarada ko yung motor ko, gamit ni Mac 'yung sasakyan niya kaya nakasunod lang sila sa'kin, pinark niya yung sasakyan kaya nauna akong pumasok, then I saw her sitting on our couch, ang sarap sa feeling na may nag-aantay sa 'yong bumalik 'no?
"Hi misis." I greeted her, nagsquat pa ako sa harap ko niya, para level kami.
"Hi mister." Sagot niya.Tapos bigla niya pang kinurot yung mukha ko.
"No need, aakyat na din ako, at promise hindi po ako gagawa ng ingay." She said sabay tayo. I involuntary grabbed her waist.
"Hey, wala naman akong sinabi misis ah. Actually, gusto ko dito ka lang. Pero okay lang? Paluto ng mamemeryenda? Pito lang naman kami eh. Bale eight kasama ka." Paglalambing ko.
"Ahm, okay." Sagot niya naman sabay takbo sa kusina. Para talaga siyang bata, narinig kong may kumatok sa pintuan. Shet! Nakalimutan ko tuloy sila Mac.
BINABASA MO ANG
Marrying a Jerk [PUBLISHED UNDER HINOVEL]
Fiksi RemajaIsang babaeng nagpapakabaliw sa isang lalaking hindi naman siya gusto, at isang lalaking masyadong duwag harapin ang tunay niyang nararamdaman.