JC POV
Section B? Sehun? Tss. Ang yabang! Parang ewan lang yung buhok. Pwede ba yun dito? -__-
Umupo na ko dito sa pwesto ko. Boring naman wala man lang ba kami gagawin?
Makapag drawing na nga lang.
" Kris. Kris. Psh! Kala mo kung sino.. pacool pa -___- " rinig kong sabi ni Jei Em at umupo na sa pwesto nya. Tinignan ko sya.
" Oh ano nanaman problema mo? Mauubos na yang bangs mo kakahigit dyan. " sabi ko sakanya.
" Section B. Ang yayabang, kala mo kung sino. Sinipa ko nga! " angal nyang sabi at nagbasa na. Pinabayaan ko nalang sya at nagdrawring nalang ulit.
" HAHAHAHAHAH! Kawawang Suho, walang bola. XD " tuwang tuwa sabi ni Dii pagkapasok sa dito sa room. May topak nanaman. -____-
" Oy Dii, baliw ka nanaman. " sabi ko sakanya at lumapit sakin.
" Haha, yung taga Section B kasi-- Sino yan?! " biglang sigaw ni Dii na nakaturo sa papel ko. Napatingin naman ako.
O.O
Bakit ganito drawing ko? -___-
Yung Sehun na yun >.>
" Wala to. " Ano ba tong nasa isip ko? Sa sobrang irita ko sakanya, sya na nadrawing ko. Eww.
" Okay. " sagot nya at umupo na din sa pwesto nya.
Maya-maya pa ay dumating na din sila Bang. Parang badtrip.
Kasunod nila si Ms. Hyosung na mukang mainit din ang ulo. Hinihilot nya yung noo nya habang papunta sa harap.
" Guys, di ba napag usapan na naten 'wag na 'wag nyo papatulan yung mga taga Section B! Ako malalagot nito eh! Tsk. " -Ms. Hyosung
" Eh mga siga. Di naman pwede Ms. na di kami lumaban. Tatlo kami laban sa dose? Tss. " sagot ni Bang na padabog na umupo.
" Kaya nga eh. Tatlo na nga lang kayo, buti sana kung mas marami pa kayo sakanila. Eh hindi di ba? Paano kung may mangyari sainyong masama?! Makinig nga kayo. "
" Oo na. Kami pa mali eh. Respeto din kasi di ba? " sagot ni Youngjae habang inaalis ang headphones sa leeg.
" Ms. Hyosung. Di namen kasalanan. Sila nauna eh. " sabi ni Jongup na nakapalumbaba lang. Medyo nakangiti sya.
" Fine. Basta next time 'wag nyo na patulan kundi iuumpog ko kayo isa isa dyan sa pader. Kakasabi lang. Tss. Oh may announcement pala ko, importante to. "
" Next week. Monday. Magpeperform kayo sa harap ng 3,000 na estudyante. Ipapakilala kasi kayo. Okay? Kung ano gusto nyo iperform kayo na bahala. Kung gusto nyo sumayaw o kumanta o kahit ano. Gets ba? "
" Kailangan talaga ng ganun Ms. ? " sabi ko sakanya. Ang dami naman arte nitong university, mas okay pa dun sa dati eh. -___-
" Pansin ko Ms. Goo, mahilig ka magtanong kung kelangan ba? kelangan nga to. Lahat ng importante kong sasabihin dito kelangan nyo. Okay? " sabi ni Ms. ng pangasar pa ang ngiti. Tss. Nagtatanong lang eh.
" Ms. kahit sino po ba magkakasama? " sabi ni Dii na nakataas ng kanang kamay.
" Tapos na ba ko magpaliwanag Ms. Seon? Hindi pa di ba? " meron ba to si Ms. Sobrang sungit nya ngayon. >.>