Dii POV
" Kung magagawa mo. " nagulat ako ng
bigla nya kong hinalikan. O_____O
Hinalikan..
Hinalikan...
Wait? Hinalikan nya ko?
" Huy, psst! Huy! " nagising ako sa pagkatulala.
Nasa harap ko ngayon si Suho.
Tinulak ko sya, sobrang lapit kasi ng mukha nya sakin.
" A-ano ba?! " sigaw ko sakanya.
Takte nakakahiya. NAKAKAHIYA TONG PINAG IISIP KO >.<
" HAHAHAHAHAHAHA! Akala mo hahalikan kita? Tara na nga. " tawa sya ng tawa habang nakahawak sa tyan. Sumunod naman palabas ng room yung mga kasama nya. >//<
" Hoy Dii, kelan pa kayo naging close nun? " tanong bigla sakin ni Ate JC. -_____- Di kami close nun >.>
" Ha? Hindi kami close noh. " sagot ko sakanya at sinet-up na tong casette at cd.
" Psh.. hindi ka nga nag react nung sobrang close ng mukha nya sayo. " gatong ni Jei Em. Aba malay ko bang sobrang close na pala ng mukha namin. Tss. Tengene naman kasi. *___*
" Ewan ko sainyo.. magpractice na nga tayo. " sabi ko sakanila at nag simula na.
Sa loob ng anim na araw puro practice lang pinag gagawa namin. Di na namin nakita yung mga taga Section B. Malamang, nagsawa na din mang asar. Yung Section A-boys, di din nagparamdam. Masyado yata nila kinareer yung gagawin nilang performance.
Monday: Meet the Newbies ~ June 14
" Good morning everyone and also to our President, Mr.Lee Kang Min, and to all teachers and staffs, Welcome to Meet the Newbies Event. My name is Ms. Hyo Sung, and I am the adviser of 1st year-Section A. It is my great pleasure and honor to make opening remarks at this very exciting day. Are you guys ready to meet the newbies?
Let's see it…. Again good morning and good luck…
Thank you. "
Lahat kami ay nandito ngayon sa likod ng backstage. Pangalawa kami sa magpeperform. Mauuna ang boys ng Section B. May malaki ding TV screen dito sa likod, mapapanuod kung ano nangyayari dun sa stage. Himala nga at di sila namamansin ngayon, kahit wag na pala.
Section B!
Tinawag na sila. Ngayon nakatutok kami lahat sa tv.