Julia's POV
"Tayo sa condo mo."sabi ng pinsan ko."Kaya nga nandito tayo diba."sagot ko."Oo nga no."hay naku pagpasensyahan nyo na yan.
By the way Sya nga pala ang
BESTFRIEND slash COUSIN kong SHUNGA Hahahaha joke lang sya si Venice Alcantara at ako nga pala si Julia Evangelista magpinsan kami nyan kasi yung Daddy ko at Mommy nya ay magkapatid pero ugali namin magkaiba sya SHUNGA ako TANGA hahahaha hindi naman SLIGHT lang.Pasakay na kami ng Ellevator......
"Tara na dali excited na akong pumunta ng condo mo."sabi ni Ven short term for Venice."Ven can you please shut up."iyamot kong sabi sakanya."Okay."sagot nya.
*Ting
Sumakay na kami ng elevator dapat kami lang ang sakay nito pero may sumakay pang isa. Isang lalaki, matangkad, nakaheadset sya at naka-shades. Grabe ang taas ng araw eh nasa loob naman ng ellevator pero infairness gwafu si Koya ah.....
"(Bulong) Uy cous tingnan mo ang gwafu ni kuya, yang katabi mo."bulong ni Ven sa akin.
"(Bulong) Hindi kaya mukhang, masungit"bulong ko sakanya."Asus don't deny it."sabi niya. Yeah kinikilig nga ako kasi first time kong may makasabay na 'gwafu' sa ellevator hahaha pero hindi ko lang pinapahalata na kinikilig ako tiyak aasarin lang ako ng babaeng SHUNGA nakatabi ko ngayon."Hindi nga sabi eh"depensa ko."Alam mo couz style mo..........BULOK hahahaha"sabi niya tapos humagalpak ng tawa. Mabuti na lang at hindi parinig ni
Kuya Gwafu ang tawa nitong babaeng ito."Geh tawa lang"sarcastic nyang sabi.
"Joke lang..."sabi niya.*Ting
Nandito na kami sa floor namin at unang bumaba si Kuya Gwafu aba dito pala ang floor nun. Sumunod na rin kaming bumaba at itong babaeng katabi ko ay magtatali lang dw ng shoelace kaya nauna na ako pumunta sa condo ko #213 at napansin ko rin na kabilang unit lang pala si Kuya Gwafu. Ang tagal naman ni Ven.
"Cous OHMAYGAHD!! Nasa kabilang room lang pala si Kuya Pogi. Wahhhh. Naku cous asahan mong lagi akong pupunta dito. Wahhh."sabi nya with matching tili pa."Ang tanong papayagan ka kaya nina Tita at Tito?"tanong ko sakanya."Ay oo nga no,
sayang :("malungkot nyang sabi.Kinabukasan........
Nag-taxi na ako papunta ng Condo ko galing ako sa school, sa Oxford University.
After 61965 minutes
Hayy kapagod traffic. Naglalakad na ako ngayon papuntang ellevator para sumakay.
*BOOGGSSSHHH*
"Sorry Miss, sorry"
"Okay lang " sabi ko. Tinignan ko sya. Sya si Kuya Gwafu kahapon...... Wahhhhh
"Miss tulungan na kita."sabi niya hayyy ang gwapo nya ang bait pa."Ahmm call me Julia na lang wag Miss masyadong formal."sabi ko with matching sweet smile." Ako naman si Kenneth, Kenneth Montenegro"pakilala niya."Nice to meet you Ken?"sabi ko."Geh Ken na lang tawag mo sa akin. At nice to meet you too."sabi niya with smile pa Wahhhh may Dimples sya cute bagay sa kanya.
*Ting
"Sasakay na ako ikaw?"tanong ko."Ako rin eh, ano tara?"sagot nya.
Sabay kaming pumasok sa ellevator at nagsipasukan na yung iba kaya siksikan kami at saktong nasa sulok kami kaya naiipit niya ako. Wahhh magkadikit ang katawan namin slight lang naman kasi ako nakatingin sa unahan at sya naman nakaharap sa akin.
"Okay ka lang?"tanong nya.
"O--o-okay lang ako"sagot ko. Naiipit na kasi ako. Wala namang magawa si Ken.*Ting
Sa wakas nakababa na rin hayy.
"Ken ano unit mo?"tanong ko sakanya."#214"sagot nya."Eh ikaw?"tanong nya."#213."sagot ko."Magkasunod lang pala ang unit natin."sabi niya."Oo nga noh. Hahaha"sabi ko."Unit mo na yan oh."sabi niya."Oo nga noh. Sige Babye Thank u nga pala ha."paalam ko."Oh sige Babye."
Weeks had pass........ at naging close kami lalo ni Ken. Lagi kaming nagkakasabay ng pagsakay sa ellevator. Astig nga eh. At one time na nahawakan nya ang kamay ko dahil sa katangahan ko pero parang may kuryenteng dumaloy sa katawan or should I say Spark?. "Close Friends" na ang status namin pero may nafifeel akong kakaiba kapag nasa tabi ko sya at nahahawakan ang kamay ko yung parang nagwawala ang puso ko. Hayyy ano kaya yun? LOVE? Ba ang tawag dito?
Nasa tapat na ako ng building ng condo ko kasi may lakad kami kanina ng friends ko eh.
Sasakay na ako ng ellevator at napansin kong wala si Ken kasi lagi kaming nagkakasabay dito. Nakakapanibago kaya sumakay na ako at nagtungo sa unit ko.
Weeks and Months had pass pero wala pa rin akong nakikitang Ken kahit anino niya wala. Nung saka ko narealize na MAHAL ko sya saka naman sya nawala. Yeah tama kayo MAHAL ko na sya pero hindi ko alam kung he feel the same way too o hindi.
Masakit isipin na...............
"Iniwan nya ako."
------------------------------------------------
Thanks Guys for Reading my First One Shot!!! Bitin??
Abangan ang Part 2 nyan!!!
Don't forget to VOTE and COMMENT Guys!!!