One
SignKaliwa at kanan, may mga magjowang naghaharutan.
Sino namang single ang hindi mabi-bitter kung ito lagi ang nakikita mo sa araw- araw.
Inggitera na kung inggetera ang role ko sa story na ito pero nakakainis talaga.
Ginagawa ko naman ang ten commandments ni Bro. Masipag naman ako mag-aral. Maayos naman ako sa sarili. Naliligo naman ako araw-araw. PERO BAKIT WALA PARIN AKONG LOVELIFE!!!
Minsan tinanong ko ang bestfriend ko na si Mark na kung bakit sa tingin nya ay walang nanliligaw sa akin....
"Best. Maganda ba ako?"
"Magiging Campus sweetheart ka ba kung hindi?" sagot niya na parang iyon ang pinaka obvious na bagay sa mundo.
"Mabaho ba ako?"
"Abby, isang oras kang nagbababad sa bathtub mo tuwing umaga at halos dun ka na matulog sa gabi, mahihiya naman siguro ang sino mang magsasabi sayo na mabaho ka!"
"Naman best eh. Seryoso na kasi." halos paiyak ko nang sabi.
"Ikaw naman dyan ang hindi seryoso eh. Ikaw si Abbigail Tan. Maganda, mayaman, matalino, mabait. Sayo ata nakadedicate ang 'Na 'sayo na ang Lahat' na kanta ni DJ. Ano pa ba ang problema mo?" naiinis niyang tanong
"Bakit kasi wala pa akong boyfriend." pagmamaktol ko.
"Hay naku, almost perfect ka na sana napakachildish mo lang talaga. Best, ano bang gusto mo sa isang lalaki?"
"Mabait, gentleman, gwapo, matalino, magaling sa basketball at volleyball, hmmmm, ano pa ba, ah, magaling kumanta at magitara. Iyon lang." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"That is exactly the reason kung bakit ka walang boyfriend." Sabi niya sabay roll ng mata. Well, definetly, he is not gay. Ugali lang nyang mang irap.
"What do you mean?." Nagtatakang tanong ko.
"Napakaidealistic ng dream man mo. Pang dream lang talaga."
"Ang mean nito. Meron kayang ganon."
"Kulang nalang idagdag mo sa qualification na dapat Bryan Delica ang pangalan nya." He rolled his eyes again.
"G-grabe ka sakin huh. H-hindi lang naman si B-Bryan ang may ganong qualities." Pagtatanggol ko sa sarili ko pero hindi ko maitago na kinakabahan ako.
"Aber, sino pa?"
"I-iyong. Iyong.... iyong dream man ko." Nasabi ko nlanb dahil wala akong maisip na pangalan.
"So, si Bryan nga ang dream man mo?" Pagiinterogate nya sa akin.
"H-hindi nga kasi. W-wag ka ngang ano..."
"Ano? Wag akong maingay dahil baka may makaalam na crush mo si Bryan?"
"Mark naman eh. H-hindi nga kasi."
"Ako Abigail ay wag mong paglolokohin. Kung maloloko mo ang iba at ang sarili mo, pwes ako, alam ko na ang takbo ng utak mo."
"Alah. Ang kulit mo naman."
"Ako pa ngayon ang makulit ah. Amazing ka."
"Seryoso na kasi."
"Abby, iyan na ang sagot, nasabi mo na mismo. Hindi ka pa nagkakaboyfriend dahil napaka taas ng standards mo."
"Grabe ka!"
"Ako pa ngayon ang grabe. Bakit hindi mo kasi aminin na masyado kang perfectionist. Hindi naman kami isang gadget na pare-pareho ng features. Na halos lahat ng gusto mo meron na."
"Ewan ko sayo!" sabi na may pag-pout pa.
"Oh, nung tinatamaan ka na dadaanin mo nalang sa pag-papa-cute. Hai naku, Amazing ka talaga."
"Hindi kaya ako nagpapa-cute." pout ulit ako.
"Oo nalang. Pero crush mo nga si Bryan?" pag-iintriga nya ulit sa akin.
"Mark naman eh. H-hindi nga!" sabi sabay hampas sa braso nya.
NAKAKAINIS!Hindi ko naman talaga totally crush si Bryan, konte lang. Halos lahat ng babae sa school namin, nagkakagusto sa kanya. Gentleman daw ito at talagang masarap kasama. Maiin-love ka talaga sa kanya lalo na kapag naglaro siya ng basketball at volleyball at kapag tumugtog siya ng gitara habang kumakanta.
Hindi ko alam kung kilala nya ako. 4th year High School na kasi sya samantalang kami ni Best ay 3rd year palang. Pero madalas ko syang nakakasama sa practice kapag may program sa school namin. Member kasi ako nang isang singing group samantalang siya ay vocalist at guitarist..
Kapag nagkakasalubong kami, nginingitian naman niya ako. Syempre todo smile din ako na halos lumagpas na ang labi ko sa mukha ko. Aaminin kong kinikilig talaga ako sa simpleng ngitian namin. Si Bryan Delica yata yun. Ang campus King. Samantalang ako, pang campus sweetheart lang. Haisk.
Nandito ako ngayon sa simbahan. Sabado ngayon kaya walang pasok. Ganito talaga ako, lagi nagsisimba. At peace kasi ako lagi sa simbahan. Ang tahimik. Minsan naaabutan ko pang nagpa-practice ang choir ng simbahan kaya para talaga akong kinakalma ng mga anghel. Minsan naisip ko, baka dito talaga ako nababagay. Okay lang naman sa akin kung dito ang calling ko why not pero gusto ko rin namang magkapamilya. Basta ewan. Bahala na si Bro.
Lumabas ako ng simbahan at dumaretso sa bell tower. Ang baba kasi noon ay sindihan ng kandila. Ito na ang kinasanayan ko, magsisindi ako ng kandila bago umalis. Color coding din iyon. Madalas kong bihin ay kulay ay yellow, for health and happiness daw. Blue nalang at yellow ang kulay na natira sa lalagyan. Pero sa di malaman na rason, iyong blue ang pinili ko.
Binasa ko muna iyong prayer bago humiling saka ako pumikit at binanggit ang prayers ko.
"Bro, I love you alam nyo yan. Kayo ang sinasandalan ko sa mga worst case senario ng buhay ko. Medyo naging pasaway po ako kay mama kanina. Pinipilit nya na naman ako Bro eh. Alam nyo naman takot ako sa mga ganon. Salamat po pala sa lahat-lahat ng blessings. Hindi ko po alam kung ano ang ginawa kong mabuti para pagpalain nyo ako ng ganito. Thank you po talaga. Bro, ang weird lang po. Blue talaga po ang pinili ko no. Pagpasensyahan nyo na po. Nawawalan na po ako ng pag-asa eh. Hindi naman po sa naiinip na ako sa perfect time nyo para sa akin pero bakit po ba talaga wala akong lovelife. Nakakahiya talaga Bro. Sayo talaga ako nagtanong eh. Naiinis lang po kasi ako kapag si Mark ang tinanong ko. Hinuhuli po ako eh. HIndi ko naman po talaga crush si Bryan diba? Konte lang. Haisk. Kayo pa talaga niloko ko. Opo na po. Gusto ko na sya. Pero wala po eh. Hindi ata efective ang charms ko sa lalaking iyon. Alam ko Bro may plano po kayo para sa akin. Pero sana Bro, wag nyo po akong hayaang mainip. Tulungan nyo akong maghintay. Sige po Bro. May pupuntahan pa po ako. Bantayan nyo po ako lagi huh. I love you Bro. Ps. Bro, bakit po blue ang kulay ng kandila kapag ang wish mo ay for love. Sa education pwede pa po pero diba kapag love dapat red. Hahaha. Tinanong ko pa po talaga no. I love you po."
I open my eyes as I finished my prayers. Napapangiti nalang ako sa mga sinabi ko. Ganyan kami kaclose ni Bro. Hahaha.
"Ui. Parang kinikilig ka ata Abby. Blue candle talaga binili mo. Wag kang mag-alala, mahal ka din nun."
Napahawak ako nang marinig ko ang boses na iyon. Parang aatakihin ata ako sa puso. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. At hindi ko nagkamali. Si Bryan nga! Kasama nito ang band mates nito.
"A-ah eh. H-hindi naman t-tungkol sa l-love ang hiniling ko. P-para sa p-pag-aaral ko iyon." Naku dila, tumuwid ka nga. Ngayon ka pa nabaluktot kung kailan nandyan si Bryan sa harap mo. Bro, sorry, di pa ako nakaka-alis, may kasalanan agad ako. Sorry po!
"Kahit hindi mo naman hilingin 1st ka parin ng batch mo." sabi nya habang nakangiti sa akin.
"H-hindi naman." medyo nahihiya na ako. Grabe, Bro, ang bilis nyo naman magrespond. Kanila lang pinag-uusapan natin sya. Pero ngayon nandito na sya sa harap ko. Ito na po ba ang sign na ibinigay nyo?
Nakita kong may ibinulong ang isa niyang kabanda. Tumango-tango naman ito at ngumiti.
"Gusto mo bang uminom ng kape? Libre ko." pag-aanyaya niya. Nung una, nag-alinlangan ako dahil hindi pa ako nagpapaalam kay Mama pero naisip ko na baka hindi na ito masundan kaya grinab ko na ang opportunity. Bro, sorry ulit, strike two na ako ngayon palang. Sasabihin ko din po ito kay mama. Don't worry.

BINABASA MO ANG
BLINDED
Teen FictionEye is for us to see. Heart is for us to love. But what if your heart is blinded by what your eyes can see?