Two
Stars, Letter and SmilesAng swerte ko talaga!
Hindi lang ako niyayang magkape ni Bryan at ng bandmates nya nung Sabado. Nanuod din kami ng sine. Kahit na hindi ko type ang pinili nilang sine. Keri boom boom na rin. Sila naman nagbayad eh. Hahahahaha. Nakakahiya nga lang dahil hindi ko sila lahat kilala. Sa totoo nga nyan, kahit magkabanda sila, si Bryan lang talaga ang kilala ko. Nahiya talaga ako nung nasa Starbucks kami.
"Ang galing nyo talagang kumanta Abby, fan na fan nyo talaga kaming 4." sabi ng lead guitarist nila.
"Naku, salamat. Si Michi talaga ang pinakamagaling samin, kaso ako ang ginagawa nilang pangfront."
"Napaka-humble mo nga pala talaga." sabi naman ng bassist nila.
"Hindi naman sa ganon. Iyon naman talaga ang totoo."medyo napatungo na ako kasi nahihiya na talaga ako. Hindi ako sanay sa mga papuri ng mga tao.
"Wag nyo nga syang binobola. Baka mahimatay yan sa sobrang hiya." sabi naman ng kanina pang nagsusungit sakin na drummer ng banda.
"Hindi naman namin sya binobola." - lead guitarist
"Napapanuod mo rin ba kaming tumugtog?" tanong ni Bryan sa akin.
"O-oo naman." tipid kong sagot sa kanya. Pagdami kasi ng sinasabi ko sa kanya, pagbaluktot din ng dila ko.
"Di nga? Edi, kilala mo pala ako?" - masayang tanong ng lead guitarist nila.
"Ahhh. Ehhh." pano ko ba sasabihin na hindi ko talaga sila kilala. Oo, napapanuod ko silang magperform pero si Bryan talaga ang pinapanuod ko. Nakakahiya. "Sa totoo lang, si ano... Si B-Bryan lang talaga ang kilala ko banda nyo." napatungo na ako ng tuluyan ng sinabi ko iyon
"Aray. Sakit sa feelings." -lead guitarist
"Sikat pala ako kung ganon." pagmamalaking sabi ni Bryan saka tumawa dahil sa malungkot na mukha ng LG nila.
"I'm Dan." napatingin ako sa may ari nang kamay na nasa harap ng mukha ko. Nakatingin siya sa ibang direction na waring inip na inip na hinihintay na makipag-shake hands ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatanggapin ko ba o hindi.
"Nangangalay na ang kamay ko. Ayaw ko ding mapahiya kaya tanggapin mo na." sabi niya na hindi parin tumitingin sa akin.
"Hi. Dan. N-nice meeting you." tinanggap ko na rin ang kamay ng drummer nilang si Dan. ^_^
"Pwede ba namang ikaw lang. Ako si Ace. Pwede bang ikaw nalang ng Queen of Hearts ko?" he offer his hands at tinanggap ko iyon habang tumatawa.
"Tinawanan lang ang pick up line ko." malungkot niyang sabi.
"Ilang beses mo na ba yan nagamit wala ka bang bago? Ako na pala si Chris." inalok nya din ang kanyang kamay at nakangiti ko iyong tinanggap. Siya ang bassist.
"I'm Bryan. Kami nga pala ang Astraea...."
"meaning Stars." nakangiti kong sabi sa kanila.
"Talino mo talaga. Ilang taon naming hinanap ang word na yan." Ace
"Ngayong kilala mo na kami, pwede na ba tayong maging magkaibigan?" tanong ni Bryan.
Promise. Namula talaga ako sa sinabi nya. Grabe. Amazing talaga. Syempre tumango ako. As in. Iyong halos matanggal na ang ulo ko sa leeg ko.
Syempre ulit, nakwento ko na kay Mark kanina ang nangyari nung isang araw. Nakakainis lang dahil niloko nya na naman ako kay Bryan. Kahit na kinikilig ako, binugbog ko talaga siya ng suntok.
Ngayon, tapos na ang klase namin. Pumunta lang ako sa locker ko para ilagay doon ang ilan kong libro. Pagbukas ko nito ay may isang pirasong papel na nalaglag mula roon. Pagkabaso niyon ay nag-init talaga ang pisnge ko.
Abbigail,
I hope you enjoyed our first group date. We have so much fun and I'm looking forward na masundan ulit iyon. Masaya ako dahil sa wakas napansin mo ako. Good day and don't forget to smile.
BDWahhhhhhh!!!! Kilig overload na talaga. Kung alam mo lang Bryan, matagal na kitang napansin. Kung nandito sa Mark, bubog na naman iyon for sure.
I closed my locker at nakangiti akong lumakad papunta sa parking lot kung saan ako hinihintay ni Mark.
"Abby!" tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig.
>_<"B-Bryan." Ayan na naman. iyong puso ko ang bilis na naman ng tibok.
Lumapit siya at ang mga kabanda niya sa akin. Ako naman, hindi ko alam kung saan ko pupunta.
"Kamusta?" tanong niya sa akin.
"Ahhh. O-okay lang naman." Grabe, hindi ako makatingin sa kanya.
"My loves, namiss kita" energetic na sabi ni Ace. Simula nung nagkasama kami nung sabado, tinawag nya na ako nang ganon.
"Nung sabado ka lang nakilala, feeling close kana." loko naman ni Chris sa kaibigan.
Tumingin naman ako kay Dan na tahimik sa likuran. Kumaway lang ako sa kanya at ngumiti pero tulad ng dati inirapan nya lang ako. Mark the 2nd din to eh.
"Free ka ba ngayon?" tanong ni Bryan.
"H-huh?" napatingin naman ako sa kanya
"May practice kasi kami ng banda. "
"December pa ah. Ang next na event sa school na sasalihan natin is sa JS Prom pa diba? Feb pa naman yun" nagtatakang tanong ko. Kami nga ng grupo ko hindi pa napapag-usapan ang tungkol dun.
"Hindi naman JS ang pinaghahandaan namin my loves."- Ace
"Eh ano?"
"May Battle of the Bands Interschool kasi sa January. Tutal naman kami lang ang banda dito sa school, no choice si Dean na kami ang isali." nahihiyang sabi ni Bryan.
"No choice kayo dyan. Best choice kamo." nakangiting sabi ko. Iyon na ata ang pinakamatuwid na sentence ko sa tuwing kausap ko si Bryan.
"Kaya kita crush eh." sabi naman ni Ace. Hindi ko naman alam kung nagsasabi sya ng totoo o hindi ang sigurado lang ako, sobrang pula na ng mukha ko!
"Magliligawan nalang ba kayo dyan?" singit ni Dan. Himala, nagsalita ang pader. Hahahaha.
"Ano Abby, sama ka?" tanong ni Bryan while smiling. Dahil sa smile na yan, lalo kitang nagugustuhan eh.
Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya.
Hindi ko naman siguro ikamamatay ang pagsama sa kanila noh?

BINABASA MO ANG
BLINDED
Fiksi RemajaEye is for us to see. Heart is for us to love. But what if your heart is blinded by what your eyes can see?