"Sheen.. "
"Oh?"
sagot ko habang pinaglalaruan yung kuku ko."ba't ang manhid mo?"
tanong ni Clayne sakin. Ano nanaman trip nito? Haha
"Manhid ka dyan! Sadyang masakit lang talagang mag assume kaya ganun."
"We? Kahit harap harapan na nga yong pagpapakita ng tao na may gusto sayo eh di mo pa feel?"
pabalik nanaman na tanong niya pero nakatuon ang atensyon niya sa Cellphone niya di nakatingin sakin.
"Haaay nako, Clayne. Kasi naman po, hindi laging "Actions are enough to express your feelings. Parang dictionary lang yan, hindi pwedeng meaning lang, dapat may exact word kung saan nakatuon yung meaning."
Totoo naman diba?"Ah, so kailangan ko pa pala talagang ipagsigawan sa Classroom natin para malaman mo?"
Huh? Pinagsasabi nito? HAHAHA! Bawal kiligin. Masakit ngang mag ASSUME diba?
"Gutom kana? Kain kana uy! Baka lumalim yan. Geh, canteen muna ako ah."
paalam ko sa kanya. Nang sinabi ko kasi yung word na "gutom" parang nakarefer sakin. Nagparamdam agad yung mga bulate ko sa tiyan!
Hahaha! By the way, ako nga pala si Rica Sheen Marquez. 4th year college. 1 year nalang graduate na ako at pagkatapos kumuha ng Board Exam, tantanenen!
"Engr. Rica Sheen Marquez" na ako. Hahaha! I'm taking ECE kasi. Tsaka yun palang kausap ko kanina, si Richard Clayne Dejoras yun. Close friend ko since 1st year College at first crush ko rin. Hussh lang ah. Hihi. Ewan ko nga kung bakit niya ako pinagtatanong ng mga ganun eh. Haha! Pero infairness, malapit na sana niyang mabuhay ang kilig bones ko. Ewan ko ba, kaya ko kasing controlin yung feelings ko specially when it comes to Love. Defence mechanism ko narin siguro para wag masaktan. Kaya nga hanggang ngayon NBSB parin ako eh. Hahaha! May nanliligaw naman sakin, pero di ko feel eh. Gusto ko kasi kapag nagkaboyfriend ako yun bang, siya na talaga yung husband ko sa future! Lels. Kahit na may pagkaboyish ako, di nila alam Hopeless Romantic kaya to! HAHAHAHA!
Back to present! Nasa canteen na ako ngayon. Kumakaing mag-isa. Feel ko maging loner eh. Minsan lang to. Hayaan na. Hehe
Ang sarap talaga ng Fruit salad! *yum* *yum* *yum* *yum*
Matapos kong kumain dumiretso agad ako sa counter para magbayad."Manang, ito po bayad ko." sabay abot ko ng pera sa tindera.
"Wag na po Ms. Sagot na po ni Sir Richard." di inabot ng ale yung bayad ko.
"Huh? Eh, sige po." Ang lalake talagang yun! Malulugi yung Canteen nila dahil di ako pinapabayad eh! Sila kasi yung may ari ng canteen. Di bali, atleast nakalibre. HAHAHA!
"Rics! San ka galing?" tawag ni Ezyl sakin
"Canteen lang." pacool na sagot ko.
"Grabe! Di ka manlang nagpasabi! Edi sana nakalibre nanaman ako! Hihihihi."
natatawa na parang nagtatampong saad ni Ezyl. Ang gulo niya no? Haha
Eh kasi kahit na yung kasama ko sa pagkain libre na rin basta kasama ko. Grabe echus ni Clayne no? Tumataba na tuloy ako. HAHAHAHA!"Sus, gusto lang palang makalibre eh."
"Haha! Djk Girl. Pansin ko lang, baka may gusto din sayo si Richard? Grabe kaya yung mga gestures na pinapakita nya sayo." saad niya habang naglalakad kami papuntang room. 4th floor pa kasi kami. Eh yung canteen 2nd floor. Kapagod tuloy. -___-
"Di ah. Ganun lang talaga yun. Close kami eh." sagot ko naman. Normal lang naman talaga yun diba?
"Eh bakit ako? Di niya nililibre pag ako lang? Ang manhid mo ah!"