Mahal Kong Kahapon

18 1 0
                                    

Mahal kong kahapon,
Naaalala ko pa ang tayo noon.
Sariwa pa sa aking isipan ang nakaraan,
Ang dating ako'y tinanong mo kung nasaan.

Marami tayong pinagdaanan,
Maraming sayang nakamtan.
Maraming alaalang dahilan ng aking pag-ngiti,
At mga alaalang naghatid ng aking pagkasawi.

Mahal kong kahapon,
Alaala mo'y hindi ko itatapon.
Ang mga alaalang ito'y aking ibabaon,
Sa aking pagharap sa ngayon.

Mahal kita, kahapon,
Ngayon, at sa paglipas pa ng panahon.
Ngunit hindi na dapat ako mabuhay sa piling mo pagkat ikaw ay kahapon,
At ako ay ngayon.

Mamahalin pa rin kita, kahapon,
Patawarin mo kung nagbago na ako ngayon.
Ang pag-iwan sayo'y labag man sa aking puso,
Tandaan mong ika'y nakaukit na sa aking puso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Kong KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon