Isang ordinaryong araw sa buwan Ng July. wala naman talagang special sa araw na to, pero di ko akalain dito magsisimula ang lahat.
Ako nga pala si Mary Tony Ramos Rabanal, full name talaga? 😂
Pwedeng Toni or Yton for short. Haba kasi Ng first name ko eh. NBSB o No Boyfriend Since Birth, buhay ko naikot lang talaga sa pamilya, barkada at pag.aaral. 18 yrs old na, pero wala pa talagang balak mag bf. Dahil nga bawal, pero yun nga lang ba talaga ang dahilan? Siguro nga yun lang ang dahilan, dahil sa mga panahong ito wala pa talaga sa isip kong pumasok sa relasyon.** kala nanay (karenderia malapit sa PUP P'que)
Habang kumakain.Kuya Nolan: samahan nyo ko mamaya, punta ako sa LBC.
Yton & Jhoan: sige 😊Habang papunta sa LBC, may nakasalubong kami na 3 lalake. Kakilala ni Kuya nolan. Schoolmates namin sila, kaso di ko naman kilala. Pasakay na dapat sila pero sumama na rin sila sa LBC.
Pagkatapos Ng araw na yun, may sinasabi na si Kuya Nolan na pangalan Ng lalake. May gusto daw sakin. BAKA meron??? hahaha 😂
** Nang NASA canteen kami nila Kuya at Jhoan
Kuya Nolan: Tonie may nagkakagusto sayo, Chie Chan pangalan.
Yton: haay naku Kuya, pinagtitripan mo na naman ako.
Kuya: meron nga, IT. Nandyan nga sya oh. (sabay turo banda sa mga lalake na malapit sa gate)
(tas yung mga ngitian ni Jhoan 😆)Sa totoo nyan wala naman talaga akong idea sino ba yung sinasabi nya. Ang alam ko lang, pinagtitripan nya na naman ako. Sino naman magkakagusto sakin? At hindi ko pa kilala. Saka wala naman akong kilalang chiechan, anu yun may lahing Chinese kaya ganun name?
Lumipas ang ilang linggo. Habang nag.e.FB, may naalala ako. May friend nga pala akoNg Chie Chan. Kaka.accept ko lng Ng friend request nya, mga ilang araw na. Ako naman si loka, masyadong curious sino ba yung chie Chan na yun. pangalan nya Chie Chan Jay Perez. Chinat ko.
Yton: hi :) ikaw ba yung Jay?
(may nagtext kasi sakin ilang araw na nakakalipas, magtanong ba naman kung uwian ko na? Haha, ang weird. Si jay daw sya. Ayun nasungitan ko. Kasi naman pasaway eh)
Chan: ay oo :)
(chat.chat, usap usap. Nalibang sa pinagkwentuhan at nagsimula ang pagkakaibigan)One afternoon, pinatawag ako ni Sir Saturday para sa T-shirts ng P.E. Ako kasi treasurer sa OMT I-3. Pumunta ako ng faculty. Kinausap si Sir... Nang muli Kong makausap si Chan, sabi ko sa kanya. Hindi ko pa sya nakikita sa school, sabi nya sakin nandun daw sya sa faculty nung pinatawag ako ni sir. Magpapakilala nga daw sana siya pero nahiya sya.
August 30, 2012. Buwan Ng wika celebration.
Naunang pumunta yung mga kaibigan ko sa function room. Ilan na lang kaming sumunod. Ng nasa loob na, halos puno na yung room. Sa Dami BA naman Ng estudyante eh. Kaya bandang dulo na lang pwesto namin.
Mique: uy, dito na lang kayo sa likod ( sabay turo sa mga upuan sa likuran nila)
Napansin ko na yung mga lalakeng nakaupo sa likod.
Eh masikip yung dadaanan, kaya tumayo yung mga lalake sa dadaanan namin. Habang nadaan ako.: pre yan BA yun?
(tas parang pinigilan sya Ng katabi nya)
Pero may ideya na ko, nilingon ko yung guy pero di naman sya nakatingin. Tiningala ko pa nga eh, medyo matangkad. Hinayaan ko na di naman kasi nakatingin, edi sana nabati ko sya.. nakita ko si Villamor, at ang Alam ko barkada nya ung Chie Chan, kaya may hinala ako na sya yung katabi nun.Totoo nyan, buong program tinitingnan ko kung nasan sya, gusto ko kasi makita mukha nya. Kaso syempre, malabo mata ko kaya ayun. Wala rin.
Nang matapos ang program palabas na ko ng school. Pero nakita kong tumatawa yung mga barkada ko. Yun pala inaasar na nila si Chie Chan. Tinatawag kasi sya ng "Toni". Pumasok muna ako ulet at ng palabas na ko nakita ko na lang sya. Patakbo sa labas. Di ko man lang sya nakita at natitigan ang mukha. BAKA kilala ko na sya?