Prologue

58 5 1
                                    

"Ano ba?! Sabi ko naman sayo tama na! Ano pa bang kailangan mo ha?!"

"Please Jenny, huwag mo namang gawin to please. Ikaw lang ang kaibigan ko" pagmakaawa nang kaibigan kong traydor.

"Kaibigan? Hah! Pagkatapos mo kong traydorin? Sabihin mo, paano mo masasabing kaibigan kita ha?!"

Halos mapaiyak na si Stacey sa sinabi ko. Di ko naman napigilan ang sarili ko at nakapagsalita pa ako sa kanya.

"Tinuring kitang parang kapatid Stacey! Pero anong ginawa mo? Trinaydor mo ang isang taong nagmamahal sayo! Bakit?! Hah?!"

Ngayon lumuhod naman siya sa harapan ko at may sinabing ikinagalit ko at dahilan nang pag iyak ko.

"Patawarin mo ko Jenny" Tuloy parin siya sa pag iyak.

"Patawarin? Maaaring makakaya ko yan Stacey pero sa ngayon, hindi ko magagawa yan. Sinira mo buhay ko! Alam mo ba yun? Hah?!"

Tumayo siya at kitang kita ko pa ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya.

"Sorry" sabi niya

"Sorry din." Nakita ko namang nagulat siya. Pero di pa tapos yung sasabihin ko at pinatuloy ko naman. Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing

"As for now, OUR FRIENDSHIP IS OVER Stacey"

Mas lumakas ang kaniyang pag iyak at saka ko binitawan ang kamay ko sa kaniya at naglakad palayo..

Halos di ko na makita ang daan dahil nanlalabo ang aking mga mata sa patuloy na pagpatak nang luha ko.

Di ko na namalayan na may paparating sasakyan. Tapos biglang..

*May gumising sakin*

"Jenny wake up!"

Napabangon naman agad ako at ramdam ko ang tubig na pumatak sa pisngi ko. Napanaginipan ko na naman ang nagyari noon. It was 2 years ago.

"Jenny anak, are you okay? Napanaginipan mo na naman ba?" Pag aalalang tanong ni mama.

"Opo ma. Di ko pa din makalimutan eh. Masakit pa rin." Sabay iyak at niyakap ako ni mama. Medyo gumaan  namam  ang pakiramdam ko.

" Tahan na. Makakalimutan mo din iyan. Tsaka magready kna at kakain na tayo. Ha?"

Napatigil na ako sa pag iyak at tumanggo sa mama ko.

Naku ano ba yan! Dami namang nagyari. Di pa pala ako nakakapag pakilala.

Anyways, I'm  Jenny Gomez. I'm turning 19 next 2 months. Sembreak ngayon kaya wala kaming pasok. Mga 1 week ata yun eh. Aba ewan nakalimutan ko , tatanong ko nalang kay mama.

Nag iisa lang akong anak kaya protective siya sakin. Halos andiyan siya palagi pag kailangan ko siya. Yung papa ko naman, di ko na nakilala.

Hindi ko alam kung patay naba siya o hindi. Dahil sa tuwing magtatanong ako kay mama, palagi nalang niyang sinasabing huwag nalang nating pag usapan yan. Kaya di ko na tinatanong.

Si manang Lily at yung mama ko lang yung nag alaga sakin mula pagkabata ko.

Si manang Lily yung tagapagluto sa bahay. At syempre, may tatay-tatayan din ako sa bahay. Si Manong Edward. Siya yung driver namin. Siya din yung taga pag hatid sundo sakin mula pagkabata.

Tay Edward ang tawag ko sa kaniya habang Nay Lily naman yung tawag ko sa tagapagluto namin at yung nag aasikaso din samin ni mama.

Tinuring na namin sila bilang kapamilya ni mama dahil maaasahan at mababit siila. At sa ilang taon silang nag trabaho sa bahay, eh walang naging problema si mama dun.

About 2 years ago, mamaya ko nalang iku-kwento. Nagugutom na kasi ako eh.

Bumaba na ako pagkatapos kong maligo at magbihis. Gutom ako pero wala akong gana. Ang lito ko noh?
Pero kahit ganun, kumain parin naman ako. Kunti nga lang.

Pagkatapos kong kumain, inubos ko naman yung hot choco ko. Tapos papa akyat na sana ako nang may naalala akong itanong kay mama.

"Ah ma, mga ilang araw lang po ba yung sembreak? Nakalimutan ko po kasi eh." Maamong tanong ko.

"Mga 1 week anak." Masiglang sabi ni mama.

"Ah, ganun po ba sige po akyat na po ako"

"Sige anak." Sabay ngiti ni mama sakin.

Umakyat na ako at napahiga sa kama ko. Napahinga ako nang malalim nang may kumintab sa desk ko dahil sa sikat nang araw.

Tinignan ko lang iyon at bigla akong pumunta sa desk ko at binuksan iyon. Nakita ko ang bracelet ko.

Bigay yun nang bestfriend ko noon. Pero nagyon hindi na. Bigla nalang pumatak yung luha ko. Na alala ko na naman. Hayss..

--------------------------------------------------------------------------------

Dito lang muna ah?

Sa Next chapter na yung nangyari

Thank youuu!!

The FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon