a talk with lalaki sa puno

94 3 0
                                    

Nakapagpahinga na ang lahat kaya active na naman ang mga magkakatrabaho.
Kwentuhan, tawanan, kulitan, asaran. Ah Ewan. At alam niyo nang ako ang pulutan nila pagdating sa asaran.

Ikaw Akie anong plano mo sa buhay at single ka pa rin until now?- Sofie

Oh ako na naman nakita ninyo!- inis Kong sagot sa kanya.

Aysus! Bat di mo nalang kasi sagutin si Stefen nang magkalove life ka na.- asar na naman ng magaling Kong kaibigan.
Si Stefen ay ang manliligaw Kong ubod nang yabang.
Kada kausap niya sa akin ay tila nagbabaun ito ng isang track ng kayabangan.
Mahangin pa sa hanging dala ni Yolanda. Akala mo ka gwapuhan.
Gwapo lang ang tunog ng pangalan nito pero ang totoo, mas gwapo pa sa kanya si pekto!
Buti nalang at Hindi sumama dahil Hindi niya talaga maeenjoy ang bakasyon niya. May okasyon ata sa kanila. Basta Ewan.

Nako! Kahit na si stefen na lang ang huling lalaki sa mundo mas pipiliin Kong magpakatandang dalaga nalang nuh!-embyerna talaga ako pag yong taong yon na ang pinag uusapan.

Sus! Alam mo bang the more you hate the more you love?- sofie

Ah talaga? Eh kung ganon mahal mo si Robert? Di ba sabi mo hate mo yon?- ganti Kong asar dito.

Namula naman ito sa narinig.
Aba at may gusto pala talaga ang bruhang to sa lalakung yon ha. Makaasar nga.

Ali, ano to PBB teens lang kung makablush? Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka dun eh. May pa I hate you I hate you kapang nalalaman hah?.- patuloy lang pang aasar ko rito.

Oy Hindi ah! Hate ko talaga yun nuh!- sabi nito na pumapadyak pa.

Asus if I know, gustong gusto mong inaasar ka niya kasi napapansin ka niya.- singit naman nang baklosh na Marc.

Ewan ko sa inyo!- Sofia na nagdadabog na pumanhik.

Ano ka ngayong hah? Paasar asar pa kasi eh.- pahabol Kong buska rito.

Hindi na ito lumingon.

Asar talo talaga tong si Sofie eh nuh.?anang Marc.

Sinabi mo pa. Hahaha...- akie

Nag patuloy lang sila sa chekahan.
Yong iba na hindi namin ka close ay nagkanya kanya ring Cheka. Napagpasyahan kasi naming bukas nalang pumunta sa talon.
Hindi pa pala well known ang talong ito. Kumbaga virgin pa.

Bigla akong naout of place sa cheka kaya naisipan kong lumabas ng bahay.

Sobrang presko naman dito! Ang sarap ng hangin. Manamistamis. Di joke lang!.-akie

Nakariniig

Nakarinig ako bigla ng kalabong sa may mga puno at ungol ng tao. Bigla tuloy akong kinilabotan.

Ano yon? OMG! Baka multo!-

Dahan dahan akong tumayo para makita kung ano yong kumalabog. At nagulat siya sa nakita. As in gulat na gulat......................
"Hala kuya.! Buhay kapa ba?" Sabay yugyug ng matindi sa kawawang lalaking padapang nakahiga sa lupa.

"Buhay pa ako pero baka nga mamatay na ako sa paraan ng pagyugyug mo.!" Sambit nito kahit nahihirapan.

"Sorry sorry!. Natakot kasi ako eh. Nako halika po. Tutulungan kitang tumayo."- akie

Nang makatayo na ito ay saka lang niya nakita ang buong mukha nito and oh my....
" tommy esguira ikaw ba yan?"-akie

"Hah? Hindi tommy pangalan ko. Ako si Ibrahim. Taga bulacan ako. Sa may San isidro."-paliwanag ng naguguluhang binata.

Taga San isidro ka? Eh taga dun din ako eh! Bakit Hindi kita namumukhaan?"-takang tanong niya. Kilala niya lahat ng taga San isidro. Di man niya alam ang pangalan pero natatandaan niya ang mga mukha ng mga ito.

"Hindi mo talaga ako makikilala kasi sa gubat kami nakatira ng pamilya ko." -mailap ang matang sambit nito.

"Ah ganun ba? Siguro nga. Bakit ka pala nandito? Nagbabakasyon ka rin?"-akie

" ah oo. Basta mahal na araw nakakabakasyon kami."-anito.

"Bakit sa ibang okasyon ba hindi kayo nakakapagbakasyon?"-anang maurirat na akie.

" Hindi eh. Hindi kami pwedeng lumabas maliban sa mahal na araw."misteryosong sambit nito.

"Ha? Bakit---"

"Akie nasaan ka?"-narining niyang sigaw ng kasama.

" nandito ako!"-ganting sigaw niya.

IB halika ipapakilala kita sa kanila..."- akie.

"Nako wag na. Sa susunod nalang. Nakakahiya kasi itsura ko ngayon."-anito sabay kamot ng ulo. Napaka boyish ng dating.
Akie (Ang hot lang tingnan. My gosh!)

"Ah sige. Sa susunod nalang hah?"- sabay talikod niya. Naalala niyang hindi pa pala siya nagpapakilala kaya umakma siyang babalik pero paglingon niya wala na ito.

" asan na yun? Ang bilis namang nawala. Takot siguro talagang makita."bulong niya sa sarili.

"Akie!"-rinig niyang tawag ulit ng kasama. Alam niyang si nica iyon.

"Narito ako! Na lagi nang nakatingin.... Sa mga ulap at bituin.... Tsus!" Nakita niyang papalapit na ang tatlong kasama niya.

"Ano ba akie?! Wag ka nga umalis ng walang paalam. Nag alala kami sa yo oh!"-singhal ni nica sa kanya.

" alam mo ang oa mo! Nandito lang naman ako sa labas eh." May tinulungan lang akong tao. Nahulog kasi siya sa punong mangga eh. Dun oh!"-sabay turo sa nasabing puno.

"Eh asan yung tao?"-takang tanong nito.
"Umalis na eh. Nako te! Ang gwapo. Kamukha ni tommy esguira!"-kinikilig niyang sabi.

" hala ang lola kinikilig na oh! At dito mo pa yata matatagpuan ang forever mo ah! Asan na yun nangmakilatis ng mabuti?.-tila nanay nitong sambit.

"Uy ipakilala mo naman kami.!- sambit nung dalawang kasama.

"Ala na nga. Nextime kung magkikita pa kami. nanguha lang yata yun dito ng mangga eh."- sabay lingon sa puno. Kinilabutan na naman siya nang mapatingala sa puno.

" Tara pasok na tayo!"-aniya sabay hila Kay nica.

"Oh siya Tara na."-nica.





Sino nga ba si Ibrahim? Ito na nga kaya ang forever ni akie? Abangan!

Engkantado Ang Lover Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon