Maagang nagpahinga ang grupo nang gabing iyon upang pakapagpahinga ng maayos para sa outing bukas. Kailangan pa kasing lakarin sa loob ng gubat ang nasabing talon. Kailangan nila ng energy para dito.
Kanya kanyang pwesto na sila sa kwarto. Si nica at Dianne ang kasama niya sa kwarto. Si marc, dealan at Jason sa isang kwarto at sina marie , Sofia at mila naman ang magkakasama sa isang kwarto. (You haven't meet some of them. Magkakadialog yan sila in time. Hahaha.)
Dahil pang dalawahan lang ang kama sa mga kwarto nila kaya isa sa kanila sa bawat kwarto ay matutulog sa lapag. Sa kwarto nila nica si akie ang nasa lapag. Ayaw niya rin kasing may katabi. Medyo malikot kasi siyang matulog gawa nang nasanay na siyang matulog mag isa at ukupado niya ang buong higaan.
Oh goodnight na girls. Maaga pa tayo bukas. My God excited na ako! Parang mountain climbing at swimming ang gagawin natin bukas nuh?- nica
Ou nga. We need energy talaga dahil mahabahaba ang lalakbayin natin para lang makarating sa talung iyon.-dianne
Ou nga. Sige good night girls. Antok na rin ako.-akie
Sige good night sa inyong dalawa.- magkapanabay na wika ng dalawa.
Malalim na ang tulog ng mga kasama ni akie. Maging siya ay humuhilik na. Dala siguro ng pagod sa byahe.
Hating Gabi nang makaramdam ng sobrang ginaw si akie. Kinakapa niya ang kumot dahil nga sa likot niya ay nahiwalay sa katawan niya. ngunit iba ang nahawakan niya. may nakapa kasi siyang matigas ngunit ke sarap ng dulot ba init ng bagay na iyon. O bagay nga ba ito.
Pero dahil nga sa antok pa Hindi na niya binigyang pansin iyon at sumiksik pa dito at doon nakaramdam siya ng ginhawa dulot ng init ng bagay na iyon. Mayamaya pa'y tila binalot siya ng kakaibang init. Tila may nakadagan sa kanyang katawan at yumayakap sa kanya.
Napakislot siya dahil sa tila may humahalik sa kanyang leeg, sa kanyang mukha, sa kanyang mga balikat. Kakaibang estrangherong sensasyon ang naramdaman niya dahil dun.Mayamayay Hinahaplos na ng nilalang ang kanyang dibdib. Umungol siya sa kakaibang kiliti na hatid ng mga halik at haplos na iyon. Maya maya'y naramdaman niyang naglakbay na ang kamay ng nilalang patungo sa kanyang tiyan pagigil itong hinawakan pababa at pababa ng pababa pa hanggang sa....
Aray!- sigaw ni akie nang makaramdam ng hapdi sa singit. Nang imulat niya ang mata ay ang mukha ni nica ang kanyang namulatan.
Ano ka ba nica! Ang sakit mong kumurot! Ano bang problema mo?- inis na turan ni akie.
Hoi akie. Kanina pa kita ginigising dahil umuungol ka! Hindi ka magising sa yugyug kaya kinurot KO na yang singit mo! Binabangungut kaba o nagwewet dreams ka? Yong totoo?- inis ring sagot nito.
Naalala niya ang panaginip. Nagwewet dreams nga siya. Nararamdaman pa niya ang init na nararamdaman kanina. Namula siya sa naisip. Pero di niya aaminin Kay nica yon. Mahirap na. Aalaskahin na naman siya nito.
Anong wet dreams pinagsasabi mo? Binabangungut ako nuh! At salamat sa paggising sa akin.- malumanay niyang turan nang hindi siya mahalata nito.
Kuhh!! Yan kasi dapat mag asawa kana. Pano nalang pagbinangungut ka dun sa bahay niyo. Sinong gigising sayo? Mag-isa kapa naman dun. Baka matigok ka nang hindi man lang nakatikim ng langit ng kaligayahan. Hhmmpp!! Tulog na nga tayo.- anang nica na halatang antok na antok pa.
s-Sige. Good night ulit.- nauutal niyang sagot. Eh makakatikim na nga sana siya ng langit na iyon kung hindi lang siya ginising nito di ba? bigla siyang napaisip "Wait ano? Nakaramdam ba siya ng panghihinayang? Hindi noh! Hindi maaari! Hindi naman ako sex starve noh!
Tiningnan niya ang kaibigan. Bumalik nanga si nica sa pagtulog pero si akie ay tila tinakasan na ng antok. Iniisip niya kung bakit siya nananaginip ng ganun? Dahil ba sa umabot na siya sa ganung edad na Hindi pa nakakaranas ng mga ganung bagay? Pero Hindi naman siya manyakis nuh! Hindi nga niya naranasang paligayahin ang sarili. Siguro nga bangungut lang yon.
Ke sarap namang bangungut kung ganun.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wahhh!!! Ito na nga ang simula! Totoo nga ba ang panaginip ni akie? Sino naman kaya ang nagsamantala sa kanya sa pagtulog? Alamin natin sa mga susunod na kabanata! Paalam!!!!Ay naku nakapagupdate narin sa wakas. Medyo short lang po siya. Yan lang kasi kinaya ng utak ko ngayon. Haha. Please hit vote pangpainspire lang. Charss!! Maraming salamat!!!
BINABASA MO ANG
Engkantado Ang Lover Ko!
RandomMasaya na si Akira sa buhay niya kahit pa single pa rin siya sa edad na 32. Oo tama kayo. NBSB as in NO BOYFRIEND SINCE BIRTH sa edad na 32. (sige pagdiinan mo pa! Paulit ulit?-akie)peace! Masaya siyang namumuhay sa probinsya at nagtatrabaho sa isa...