Kambal Series Teaser:
🔯🔯🔯🔯
"Thallia, sigurado kaba talaga sa gagawin natin?" Tanong ni Gail--isa sa tatlong kaibigan pa ni Thallia.
"Yes. 100% sure! Na-search ko nato sa internet no! Subok na'to!" Masayang sabi ni Thallia.
Nasa isang madilim na kwarto sila ngayon.
"Nakakatakot naman dito sa Clinic natin! Ano ba kasing gagawin natin dito Thallia! Paano tayo gagawing popular ng madilim na lugar nato!" Maarteng tanong naman ni Vicky. Nakapamewang pa ito't nakataas ang isang kilay.
"Oo nga nakakatakot kaya!" Halata sa panginginig ng boses ni Wendy ang pagkatakot niya. Kanina niya pa ito nararamdaman simula ng pumasok sila sa madilim na clinic ng school nila.
"Okay. Eto na nga, ganito ang gagawin natin. Have you ever heard the famous yet creepy story of Dianna Marsilano?" Pag-uumpisa ni Thallia.
Agad namang kinilabutan ng lalo si Wendy ng marinig ang pangalang iyon. "Bes naman!" Takot na sabi nito.
"Dianna Marsilino? The girl who raped and murdered inside this room last year?" Bulalas naman ni Vicky.
"Yup" nakangiting tugon ni Thallia.
"Ooh, continue parang nagiging interesado ang usapan" ani naman ni Gail.
"Listen, since alam niyo na naman ang story niya, gawin na natin ang dapat nating gawin para maging next popular and queen bees sa school nato" huminga muna ng malalum si Thallia bago magpatuloy. "Ang kalingan lang nating gawin ay umupo ng pabilog dito sa sahig. Maghahawak kamay tayong lahat sabay, sabay sabay nating babanggitin ang pangalan niya ng anim na bes. Pagkatapos noon ay sasabihin natin ang wish natin ng anim na bes din ng sabay sabay uli-------" natigil ito sa pagkwe-kwento ng may marinig itong bumulong sa kanya na babae.
"Tigilan niyo yan" bulong nito. Nagdulot ito ng pagtaas ng balahibo ni Thallia.
"Hoy ano na!" Ani Gail.
Isinangtabi nalang ni Thallia ang takot na naramdaman at nagsalita ulit "Tapos ay sasabihin din natin ang salitang 'salamat' ng anim na bes ulit. Tapos ay matutupad na ang hiling natin pagkatapos ng anim na araw"
BINABASA MO ANG
Kambal
Horror1- Wish 4- Girls Nagsimula ang lahat sa isang kahilingan... Sumunod ay KAMATAYAN!!! Babala: May mga bagay na di dapat paki-alaman.....