Violet's POV
Eto ko ngayon, nagluluto sa kusina namin. Busy lang ako sa pagluluto nang may yumakap sakin galing sa likod ko.
"Good Morning Baby" bulong ni Red sakin. Nirest niya yung ulo niya sa balikat ko. Napangiti nalang ako
"Good Morning Baby" sabi ko sa kanya bago ko pinatay yung kalan at humarap sa kanya. Hinalikan niya ko, smack lang naman. "Upo ka na dun. Kakain na tayo" sabi ko sa kanya at sinunod naman niya.
Nilagay ko na sa plato yung paborito niyang bacon at eggs at tsaka ko nilagay sa lamesa. Napaupo na din sa tabi niya yung anak naming si Cyan. Ngumiti silang dalawa sakin at tsaka nagsimula na kaming kumain
⌐╦╦═⌐╦╦═⌐╦╦═⌐╦╦═⌐╦╦═⌐╦╦═⌐
Umuwi si Red sa bahay na matamlay. Lumapit ako sa kanya at tsaka ko niluwagan yung suot niyang neck tie
"May problema ba sa kumpanya, mahal?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya
"Wala, mahal. I just don't feel good" sabi niya sakin
"Mauna ka na sa kwarto. Kukuha lang ako ng tubig tsaka ng bimpo. Ok?" tumango lang siya at humalik sa pisngi ko bago umakyat sa kwarto
⌐╦╦═⌐╦╦═⌐╦╦═⌐╦╦═⌐╦╦═⌐╦╦═⌐
Nung umakyat ako sa kwarto ay nakapambahay na siya. Pinunasan ko na yung katawan niya tsaka ko inayos yung kumot niya. Kukuha na sana ko ng gamot nung nakita kong wala na pala kaming gamot sa bahay. Bumalik ako sa tabi niya
"Pula ko. Lalabas lang ako hmm? Bibili lang ako ng gamot mo tsaka na din ng makakain natin" sabi ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa mga labi niya tsaka ako tumalikod. Hinila niya ko pabalik kaya napaupo ako sa kama. Niyakap niya yung bewang ko
"Dito ka lang. Gabi na o. Baka kung ano mangyari sayo. Bukas nalang. Kaya ko pa naman, mahal e" sabi niya sakin
"Ano ka ba? Babalik din ako. Wag kang mag-alala. Tsaka ang taas na kaya ng lagnat ko. Ayokong lumala yan" sabi ko naman sa kanya
"Promise? Babalik ka agad?" tanong niya sakin
"Opo. Promise, babalik ako. Iloveyou, Red Mendoza" sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya. Hinalikan niya ko
"Iloveyoumost, Violet Mendoza" sabi niya sakin bago siya kumalas sa yakap niya.
Ngumiti ako bago tumayo. Inayos ko muna yung kumot niya bago ko lumabas. Naabutan ko si Cyan na nanunuod ng tv sa sala namin
"Nak, bantayan mo muna yung papa mo. Lalabas lang si mama, bibili lang ako ng gamot niya" sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
One Shots
RandomThis is a collection of one shots I'm trying to do. HAHAHA. Hope you like it. Enjoy reading!