* Ian/Nia's POV *
"GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!" sigaw ng lalaki sa aking harapan. Mga nasa 40's niya at pumuputi na ang buhok. Nakasuot siya ng black suit na sinusuot lang para sa mga seremonya. Makikita mo rin ang tatlong kumi-kislap na gold rings sa kanyang kaliwang kamay.
May nakatusok na gunting sa kanyang dibdib at ang kanyang dugo tumutulo na pababa sa kumi-kinang na tiles nang kanyang bahay. Ang dugo na nasa tiles ay nagmistulang dagat sa dami nito.
Mayroon pang nakatusok na ballpen sa mata ng lalaki na wala nang pag-asang makarating pa sa ospital.
"Whahahahaha! Sayang naman buhay mo Henrick Roust! Tumakbo kapa kasi para sa gobernor, alam mo naman kung sino kalaban mo! Hahahahaha! No hard feelings, ha? Binayaran nila ako ng 2 Milyon para sa ulo mo!" paliwanag ko sa kanya habang siya ay nalilito.
Andito kami ngayon sa bahay ni Henrick Roust. Sa labas ng main door, makikita mo pa ang mga patay niyang mga guardiya. Syempre ako yung pumatay sa kanila.
Sa silid namang ito makikita mo pa ang makinis na tiles ng mansiyon at ang mga nakasabit na chandelier. Makikita mo rin ang beer collection ni Henrick na naka-display sa isang transparent shelf.
"A-ano... P-pinag... s-sa.. bi m-mo??? Ka..." sabi ni Henrick habang hinahawakan ang kanyang dibdib na may nakatusok na gunting. Gamit ang kaliwa niyang kamay sinuportahan niya ang kanyang katawan para makatayo. Nang nakatayo na siya tinignan niya ako gamit ang natitirang gumaganang mata niya. Heh, tinusok ko yung isa ng ballpen.
Nanginginig ang kanyang paa at nahihirapan siyang magbalanse. Tumutulo parin ang pula niyang dugo mula sa kanyang dibdib, mata, at mula narin sa kanyang bunganga. Binuksan niya ang duguan niyang bibig at sumigaw.
"KAMI LANG NA MAGKAPATID ANG TUMAKBO PARA SA GOVERNOR!!!" sigaw niya habang tinatakbuhan si kamatayan. Hindi na nakayanan ng kanyang paa ang bigat ng kanyang duguang katawan. Natumba siya floor na basa parin ng dugo.
"Pfft!! HAHAHAHAHHAHA!! Kapatid mo pala yun? Kaya naman pala pareho ang middle name niya at last name mo. Hahahaha! Sucks to be you!" sabi ko habang linalapitan si Henrick. Tchh! Kapatid pala niya si Madam. Bwahaha. Tinapakan ko ang ulo niya habang unti-unting nawalan ng buhay ang kanyang mga mata.
All right! 2 Milyon diretso sa aking bangko! Teka muna...
Nakita ko yung talong singsing ni Henrick sa kaliwa niyang kamay. Sigurado akong malaki ang benta ko sa mga yan! Binuhat ko yung duguhan at malamig niyang kamay at hinugot ang tatlong singsing. Agad-agad kung sinubukan yung tatlong singsing sa aking mga daliri. Isa lang ang kumasya at yun pa ang pinaka simple sa tatlo.
Pagkatapos, naghanap ako sa bahay ni Henrick ng mga alahas. Nakakuha ako nang mahigit isang dosenang singsing na mamahalin at mga sampung nagbo-bongahang mga hikaw. Sigh... ang mga hikaw na ito ay sinuot ng asawa ni Henrick. Tsk! Magpasalamat ka Henrick hindi ko dinamay asawa mo.
Binalikan ko ang katawan ng mga guwardiyang pinatay ko kanina. Heh, malamig na mga 'to ha. Kinaladkad ko lahat ng mga katawan sa lobby kung saan nakahandusay si Henrick. Pinagpapatong ko ang kanilang mga katawan at binuhusan ko sila ng gasolina na itinago ko sa damuhan ng mansion bago ako pumasok. Kumuha ako ng lighter sa aking bulsa at sinindihan ang kanilang mga patay na katawan.
"Humm~ Humm~ Contract complete! Yahoo! Pwede na akong kumain!" sabi ko habang lumalabas sa masyon ni Henrick. Habang naglalakad ako palabas napansin ko na natalsikan ng dugo ang itim kong jacket. Agad kong tinangal ang itim kong jacket at tinali sa aking beywang. Linabas ko rin ang aking maskara para walang makakilala saakin. Tinangal ko ito kanina ng sinasaksak ko sila dahil maduduguhan ito.
BINABASA MO ANG
Killing For Money
ActionSa tingin mo ba sali ako sa Mafia? Hindi. O iniisip mong isa akong Gangster? Maslalong hindi. Ako'y pumapatay para sa pera. Kahit sino man yan basta malaki ang bayad, papatayin ko. Isa akong contract killer, isang Hitman. Kapag ako ang babayaran mo...