part 2

10 1 5
                                    

Mark's pov.

Napansin na ako ni lea.

Sa tinagal tagal na naming magkasama sa iisang school nung highschool, ngayun nya lang ako napansin.

Ay mali.. ako pala yung pumansin sakanya.

1st year highschool kami nung una ko syang makita alam kong maykakaiba sa babaeng to.

Napaka ganda nya. Halos lahat ng lalake nagkakagusto sakanya.

Hindi sya nag aaral. Puro barkada ang laging inaatupag. Ayaw nya sa mga lalake samin. Wala talaga syang pinapansin na manliligaw nya dati.




Ayaw ko sankanya oo ayaw ko talaga..



Ayaw ko sa mga babaeng katulad nya. Hindi nag aaral para bang wala syang pake kung bumagsak sya walang pake sa mundo.









Pero nung 2nd year namin first day. Uwian namin yun nakita ko sya naglalakad magisa.

Paulan na nun nakakita sya ng matanda na naka upo sa kalsada halatang halata na gutom na.

Kinuha nya agad yung wallet nya kinuha nya lahat ng pero sa wallet nya at binigay nya sa matanda.

Biglang kumulob naambon na pala nakita nyang wala ring payong ang matanda kaya ibinigay nya rin ang kanyang payong.

Tumakbo agad sya tapos lumakas na ang ulan kaya di ko na sya nakita.

Nung araw na yon nagiba ang tingin ko sakanya.

Lagi ko syang sinusundan sa school.

Oo stalker na kung stalker.
Gusto ko lang makita kung ano ba talaga ang totoo nyang ugali.


Mabait naman pala sya. Lagi syang masaya kapag kasama nya yung barkada nya pero pag magisa na lang sya ang taray ng mukha.

Isang araw lalapitan ko na dapat sya pero naunahan ako...



May isang lalake na lumapit sakanya may dalang rosas.

Hindi nya tinangap.


Pero araw araw syang kinulit nito.


Nanligaw sakanya.


Nasaktan ako..


Di ko alam nagkakagusto na pala ako sakanya pero wala na ehh naunahan na ako.

Sinagot nya na pala to.

Pero
Araw araw lagi ko syang sinusundan kahit magkasama sila ng boyfriend nya kahit masakit na. Sinusundan ko pa rin sila.


Kasi baka mamaya kung anong gawin sakanya ng boyfriend nya. O baka isang araw mag break sila.



Pero hindi ang tatag nila umabot na sila ng 4th year sila pa rin.




kaya tumigil na ako nawalan na ako ng pagasa peroo...






Isang araw nakita ko yung boyfriend nya may kahalikang iba hindi ako lumapit pinabayaan ko lang...

Alam ko nanaman ang mangyayare kaya naghintay na lang ako.


Yon narinig ko na ang usap usapan break na daw sila..


Di ko alam kung magiging masaya ako o malungkot basta ang alam ko hiwalay na sila at ngayun malungkot sya kaya ang ginawa ko sinundan ko ulit sya.





Nakita ko sya naiyak sa garden ng school mag isa nakatakip yung mukha nya.

Nag lagay ako ng panyo tapos umalis agad ako para di nya ko makita.

Sana naalala nya pa yun.

Ngayung mag cocollege na kami sisiguraduhin kong sakin na sya.
Magkaiba man kami ng school.

Nagyung magkikita ulit kami sana masabi ko tong nararamdaman ko para sakanya.












(Ps. Hindi kami naging mag classmate ahh.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon