"Tubig."
Makirot at tuyong-tuyo na lalamunan ang una niyang naramdaman ng imulat ang kanyang mga mata. Hinang-hina ang pakiramdam niya dahil sa mahapding sikmura. Nagmamadaling inalalayan ni Damian ang kanyang likod habang kumukuha naman ng tubig ang kasintahan nitong si Ylaine. Nakangiting iniabot nito sa kanya ang baso. Matapos lagukin ang laman noon ay nagpapasalamat na ibinalik iyon dito.
"Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Ylaine.
Gusto niya itong pigilan ng lumabas ito ng silid. Ayaw niyang mapag-isa kasama ang lalaking bumubuga ng lava ang mata. Mabuti sana kung may dala siyang fire distinguisher. Walang sinabi ang reaksyon nito noon unang mangyari ito sa kanya kaysa sa emosyon na nakabalatay sa mukha nito ngayon. The man was furiously staring on her na parang gusto na siyang itaktak dahil sa katangahang ginawa niya.
"I'm sorry." Paunang sabi niya.
Hindi pa din ito nagsasalita at diretso lang nakatitig sa kanya. Gusto na niya tubuan ng kulaba dahil sa katahimikang namamayani sa malaking kwartong bigla na lang naging masikip dahil sa "don't speak to me now" na facial expression ng lalaking malalim na nakatingin sa kanya.
"Damian. Galit ka ba? Talk to me baby." Biro niya na lalo lang nakadagdag sa kulimlim nitong itsura.
"Look I'm sorry, hindi ko naman sinasadya 'yon. I was busy staring at you kaya hindi ko napansin na maling baso ang nadampot ko. Ikaw kasi masyado kang gwapo nong engagement party mo. Wala tuloy akong ginawa kundi tumitig sayo."
Kumuyom ang kamao nito. Lalong tumindi ang galit na nakaguhit sa mukha nito. Buntong-hininga na lang ang nagawa niya. Naiintindihan naman niya ang nararamdaman nito.
"You don't know how I feel that night Juana. You lying in my arms, so pale and almost lifeless. Hindi ko na nga alam kung paano tayong nakarating dito sa ospital na buhay pa, literal na nilipad ko ang kalye para mapabilis ang pagdadala sa'yo dito dahil mahalaga ang bawat sandali. You could have die for pete's sake! And worst wala kang gamot sa bag mo. You just don't know how I almost cry when I see you panting at the backseat and all I can do is to drive as fast as I can. Imagine if we lost you Juana? If I lost you that night. Buong buhay akong susurutin ng konsensya ko dahil nang gabing yon kahit hindi mo sinasadya, you put your life in my hands.
"I'm sorry." Tears free flowing in her eyes. Naiintindihan niya si Damian. May karapatan naman talaga itong magalit. At ang humingi ng paumanhin lang ang kaya niyang sabihin ng mga oras na iyon.
Umiling ito. At wala ng nagawa kundi ihilamos na lang ang dalawang palad sa sariling mukha at iritadong muling tumitig sa kanya. Sumige naman sa pagbalong ang kanyang luha. She was in pain pero maliban sa sakit na pisikal mas dinadamdam niya ang emosyonal na sakit na idinudulot sa kanya ng kaisipang, months from now things between them will never be the same. Si Damian na handang makipaghabulan kay kamatayan para sa kanya ay magiging pag-aari na ng iba.
Yumuko na lang siya para itago ang mukha mula dito. Naramdaman na lang niyang nasa tabi na niya ito at inihilig ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib. Lalo lang naninikip ang dibdib niya sa banayad na paghagod ng palad nito sa kanyang likod.
"Ikaw pa may ganang umiyak. Ako nga ang muntik ng namatayan."
"I'm really sorry Damian."