I. Real Men Wear Pink

97 0 0
                                    

Exactly as the title says.

Sa panahon ngayon kung saan kasing-talamak ni Maria Ozawa ang mga isyu at usapin tungkol sa gender-stereotyping, medyo mahirap nang kumbinsehin ang madla na ang kulay pink- (mapa-ulo pa yan ni Nikki Minaj, pencil case ni younger sis, panyo ni Inday o panty ng crush mo), is originally a "masculine" color. Kulay na panlalaki.

I'm not really a fan of history, but just to give a head's up, here's a little background (ayon sa isa sa mga articles na nabasa ko, salamat kay Kumpareng Google). Feelingerong writer na nga ako eh, last thing I'd want eh ang magmukhang kabog.

During the early 1900s sa bansang Germany, ang mga batang babae daw ay binibihisan ng kulay blue dahil ang kulay na ito ang sumisimbolo kay Virgin Mary. Ang mga batang lalake naman ay binibihisan ng kulay pink, dahil kahit sabihin mo pang ang kulay na ito ay watered-down version lang ng kulay red, eh considered pa din naman na "strong color". Okay, enough with history, wala akong planong maging rip-off ni Kuya Kim.

Kung nagmistulang pag-aari na ng kababaihan ang kulay pink, ngayon nalaman mo na hindi naman talaga. Pero hindi din natin sila masisisi kung yun ang idinikta nina Barbie at Hello Kitty sa kanila.

The bottomline? Kung trip mo magsuot ng pink, go ahead. It does not necessarily connote "gayness" or "femininity". Wala kang dapat ipaliwanag, it doesn't make you less of a man. Screw what they say or think. After all, baket mo naman kakailanganin ang approval ng kahit sino, para gamitin ang isang bagay na in the first place, pag-aari mo naman talaga?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Handbook ng Tunay na LalakeWhere stories live. Discover now