Handbook ng Tunay na Lalake

184 2 1
                                    

Tunay na Lalake [too-nai nah lah-lah-que] noun

1. Isang "pamantayan" na naimbento ng lipunan upang magsilbing paalala sa mga lalake(at mangilan-ngilang mga babae) na sila ay mas naka-aangat kesa sa ibang boys.

2. Madalas gamitin sa pangungusap ng kalalakihan, lalo na kung sila eh yung tipong nagbubuhat ng sariling bayag este... bangko. Yeah, tama.. Bangko.

In more ways than one, ang main goal lang naman kaya ko naisulat ang "handbook" na ito ay para burahin ang ilohikal na depinisyon ng "tunay na lalake" gaya ng dalawang naka-tala sa itaas, dahil kadalasan eh ginagamit ang katagang "tunay na lalake" para manipulahin ang mga tatanga-tanga at uto-utong mga boys na gumawa ng mga bagay na normally, eh hindi naman talaga nila gagawin habang sila eh nasa matinong pag-iisip.

Sa kabuuan, napaka-ignorante ng ganung klaseng mindset. Na ang lalake, ay hindi "tunay na lalake" kung hindi sya kikilos at aasta sa paraan na inaasahan ng "iilan".

Sample Formats:

1. Tunay na lalake ka kapag (*insert your utos here*).

2. Hindi ka tunay na lalake dahil (*insert pangyayari/kilos/lugar/bagay/tao/etc. na hindi mo gusto*).

Sa mga kalalakihan na nagbabasa, hindi ko pinapangako na magiging "tunay na lalake" kayo after niyo basahin lahat ng entries dito, after all, ang matututunan niyo lang naman eh iba't ibang "concepts" na wala ding silbi kung hindi niyo hahaluan ng "execution". Binigyan na kayo ng sangkap. Kayo na bahala kung anong luto.

Sa mga kababaihan, welcome din naman kayo na magbasa, walang problema. Alam ko naman na interesado din kayo malaman ang pespective ng mga lalake. Baka sakali makatulong din ang pagbabasa niyo, kahit konti, para maunawaan ang kakulangan at kalabisan ng mga kalalakihan. After all, kayo naman tong mahilig mang-stereotype, mang-overgeneralize at may tendency na manumbat na "PARE-PAREHAS KAYONG MGA LALAKI!!", matapos ka gaguhin ng ex mong kupal(na malamang eh hindi tunay na lalake, matapos pakawalan ang isang perlas na gaya mo. Nuks naman, perlas daw sya oh ayiiii). A real woman can rationalize and think outside the box. Keep in mind, na kahit ilang ulit niyo man basahin ang mga entry dito, hindi pa din kayo tutubuan ng bayag ok?

Everything in here are merely my two cents, so sit back and enjoy reading. Baka sakali makapulot ka ng piso.

Handbook ng Tunay na LalakeWhere stories live. Discover now