3rd person's POV
Nasa airport na ngayon ang mga estudyante at pati narin ang kanilang mga guro. Habang naghihintay sila sa kanila eroplano ay nasa mini cafe ang dalaga at tulala lang ito
"Gaiiiiiiiiilll~ excited na ako sa japan owemjiiii!!! Bibili ako ng maraming anime cds then- hoy gail! Nakikinig kaba?" Napa busangot naman si Althea ng nakita niyang hindi nakikinig ang kaibigan niya "may problema ba Gail?" Hinintay ni Althea na sumagot ang kaibigan pero walang sagot siyang natanggap kaya pinitik niya ito sa noo
Agad naman na tauhan si Miracle at napahawak sa noo niya
"Grabe kanaman! Bangag pa ang tao tapos gugulatin mo!" Napa tawa naman si Althea at niyakap ang kaibigan
"Lutang ka kasiii~ anyway high way~ kanina pa nakatingin si Sir sayo~ may ginawa nanaman ba kayo ni Travis?" Pagkasabi ni Althea nun ay agad na napatingin si Miracle sa tinuturo ng kaibigan at nakitang nakatingin sa kanila si Isiah
"Bwesit tong creeper nato!"
Napa iwas ang dalaga ng tingin ng nagkatinginan sila at agad na napatayo
"Oh bakit Gail? Jeske nakaka gulat ka-"
"Diba si kuya mo yun? May kasamang babae oh-" agad naman napatingin si Althea sa tinuro ng kaibigan kaya napatawa ang dalaga "got you"
"Wahhhh ang bad mo gaiiiilll!"
Maya maya ay dumating na ang kanilang eroplano at lahat sila ay nagsi puntahan na sa mga upuan nila
"Miracle" napatingin naman ang dalaga kay Travis at napangiti ito ng nakita niyang nireserbahan siya nito ng upuan
Pupunta na sana ang dalaga kay Travis ng biglang may humila sa kanya
"Hoy an- yah sir!"Pina upo siya nito sa tabi ni Althea kaya sinamaan niya ito ng tingin "problem mo ah?!"
Dahil sa sigaw ng dalaga ay napatingin sa kanya ang lahat dahilan mamula ito sa kahihiyan
"Ms.Lee" napatingin ang dalaga kay Isiah na nakangiti sa kanya ng isang makahulogang ngiti.
Napatahimik nalamang siya at mapa sorry kay Travis.
Napa upo si Isiah sa tabi ni binata na mukhang na bwebwesit narin sa kanys
"Why the hell do you keep on bothering us?" Seryosong sabi ng binata
Napaharap sa kanya si Isiah at napa ngiti ng nakaka loko
"Because no PDA's in this trip?"
Buong byahe ay nakatulog lang ang mga estudyante samantalang sina Isiah at Travis naman ay nagpapatayan sa titig sa isat isa.
Miracle's POV
Finally~ HELLO JAPAN! TvT
Agad kong kinuha ang phone ko at pinicturan yung mga magagandang tanawin na dinadaanan namin
Omg excited na akooooo
"Gail tawag ka ni Sir Vasquez" sigaw ng kaklase ko.
Napa busangot ako dahil duh Im enjoying the view here!
Agad akong pumunta sa kanya at tinaasan siya ng kilay
"What?"
"Mom said you'll be sharing a room with me" napa irap nalang ako at aalis na sana ng biglang natauhan ako sa sinabi niya
"Ano?!?" Siniyasan niya akong tumahimik at hinila ako papalapit sa kanya
"If I were you, you better shut that noisy mouth of yours if you dont wanna be caught" agad naman akong lumayo sa kanya at sinamaan siya ng tingin
BINABASA MO ANG
Secretly Married with My Teacher
Teen FictionDahil sa pabiglang pagbagsak ng kompanya ng Daddy ni Gail Miracle Lee ay walang nagawa ang dalaga kundi mag pakasal kay Isaiah Jhay Vasquez,Kilala bilang anak ng may ari ng paaralan kung saan nag aaral ang dalaga at ang English/Homeroom teacher nit...