PROLOGUE

24 10 5
                                    

I found myself running in a road na hindi familiar sakin.

Mapuno, napakatahimik, walang dumadaang sasakyan, iilang bahay lang ang nakatayo dito. Mataas ang bangin na tinitingalaan ko sa tabi lang ng kalsada.

Unti unting nagsitaasan ang balahibo ko ng dahil sa ihip ng hangin.

Napalingon ako sa likod ko't nakita ang isang batang lalaki. Nagtitigan lang kami nang bigla akong nakakakita ng matabang payaso sa likod niya.

Nanlaki ang mga mata ko na ipinagtaka niya kaya napalingon siya sa direksyon kung saan ako nakatingin.

Katulad ko ay nanlaki din ang mga mata niya. Patakbo na sana siya nang bigla siyang mahablot ng payaso tsaka tinakpan ang bibig nito't kinaladkad palayo.

Takot ako sa payaso. Ayoko sa clown.

"Mmmpp!! Mmmppp!!" Pagpupumiglas ng batang lalaki.

Gusto ko siyang tulungan pero maski ako ay hindi makagalaw ng dahil sa takot. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa, maliit lang ako, bata lang din ako, hindi ko siya kaya.

Nagpupumiglas ang bata't tinitingnan ako na para bang humihingi ng tulong sa akin.

Sa likot ng batang lalaki ay bigla itong napalingon at nakita ako. Napatigil siya sa paglalakad. Dahan dahan itong lumalakad papunta sa kinaroroonan ko habang hawak pa din ang bata.

Kaya nang dahil sa takot ko ay napakaripas ako ng takbo.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa hindi ko na sila maaninag.

Napadpad ako sa isang village na mukhang luma, walang katao tao pero madaming bahay.

Nagpunta ako sa isang bahay at naisipang magtago dahil baka mahanap ako ng payaso.

Pagkapasok ko ay may nakita akong batang babae.

Bakit ba may mga bata dito pero parang walang matatanda? Wala ba dito magulang nila?

Saglit kaming nagkatinginan ng bata, pero bigla siyang tumakbo palabas ng bahay nila, may hagdan doon at parang maliit na espasyo sa taas.

Bakit kaya siya tumakbo doon?

Nakikita ko padin siya dito dahil nakasilip siya sa akin.

Bigla niyang itinuro ang daliri niya sa kung saan kaya sinundan ko ito ng tingin.

Ang payaso!

Dali dali akong lumabas ng bahay at nagtago sa malaking semento. Nakasilip lang ako mula rito para malaman ko kung nasaan na yung payaso.

Hindi na niya kasama yung batang lalaki kanina.

Nasaan na kaya siya? Ayos lang kaya siya?

Nakita ko ang payaso na pumasok sa loob ng bahay. Tumingin tingin siya sa paligid.

Bigla siyang napatingin sa itaas kung saan nagtatago ang batang babae.

Kinikilabutan ako. Ako ang natatakot para sa bata.

Pero mas kinilabutan ako nang makita ang dalawang pares niyang mata na diretsong nakatingin sa akin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko mamaya lang lalabas na to eh.

Mommy!!! Daddy!!! Help!!!!

Dahan dahan siyang bumaba at lumapit sa bintana na parang may sinisilip o tinataguan din, pero sa akin siya nakatingin.

Nakikipagtitigan lang ako sa kanya kahit na sobrang takot na ang nararamdaman ko. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko maialis sa kanya ang tingin ko, siguro sadyang natatakot lang ako na sa isang kurap ko lang ay nandito na siya sa tabi ko.

Maya maya ay dahan dahan niyang ipinikit ang mata niya. Kaya naman nagmadali akong lumipat ng puwesto sa kabilang semento lang din.

Pagkabukas ng mata niya ay sakto itong nakatingin sa akin.

Bakit nakita niya parin ako?

Wala siyang ibang ginagawa kundi ang titigan ako. Hindi ba dapat kinukuha niya na ko ngayon katulad ng ginawa niya kanina sa batang lalaki?

Hindi ko alam pero namalayan ko nalang ang sarili kong mata na dahan dahan nang nagsasara.

Sa pagsasara ng talukap ng mga mata ko ay nakikita ko pa din siya.

Ang mga mata niyang..

Nakatitig sa akin.

~~~~~~~~
Sorry na alam kong mais. ㅋㅋ

Feedbacks?

No to silent readers please.

HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon