Chapter 1: UFW

21 4 7
                                    

"Sandy dito!" Pabulong na sigaw sa akin ni Briana tsaka itinuro ang puwesto ko.

Dali dali akong nagtungo doon at nagtago. Tinignan ko sina Ydessa at Kian at katulad namin ni Bri ay nasa kani kanilang puwesto na din sila.

Napatingin kami kay Bri nang itaas niya ang papel na kanyang sinulatan.

'Just stick to the plan para mabilis tayong makaalis.'

I just nodded at her tsaka ibinalik ang atensyon sa binabantayan namin.

Nakakaramdam na ko ng kaba pero hindi ko hinahayaang manaig ito sa akin. Kailangan naming magawa ito kung hindi baka magsisi kami sa huli.

Katulad ng nasa plano sinilip na ni Kian ang bintana at nang masigurong clear na ang labas ay nag proceed na kami sa susunod na gagawin.

"Each of us must only get one nothing more or less but one la--"

"Tama ba grammar mo?" Putol ni Ydessa sa sinasabi ko kaya naman pati ako ay napatigil at napaisip.

"Uhh hindi ko din alam aish! Pwede ba maki ride ka na lang? Ok as I was saying tig iisa lang especially you Kian wag masyadong gahaman I know you."

Sinamaan lamang ako ng tingin ni Kian samantalang patawa tawa nalang si Briana sa likod ko.

Agad kaming kumuha ng tig iisang kahon na may nakatakip pang tela.

Nang makakuha na ang lahat ay maingat kaming lumabas sa silid at sinuyod ang tahimik na pasilyo.

Dumiretso agad kami sa aming 'hideout'

"Ayos! Mission Accomplished!! Whoohoooo!!!" Hiyaw ni Ydessa.

Dahan dahan naming iniangat ang tela at bumungad dito ang gintong matagal na naming hindi nakikita.

"Omooooooo Namiss ko tooo!!!!!" Briana.

"Omyy! Baby Laass--"

"WAAAAAHHHHHH!!!!! BABY LALAA!!!!! NAMISS KITAAAA!!! AHUHUHUHU NAMISS MO BA SI PAPA HA??? BABY LALA HA??!!!"

Ok sabi ko nga di na ko magsasalita kakain nalang ako leche tong Kian na to.

Aigooo 2 years din kaming hindi nakakain nito noh. Napakaminsan lang kasi magluto ni manong Harvey ng masasarap na pagkain dito sa ampunan madalas lugaw.

Today's the 50th anniversary ng U-ip-dubulyu Orphanage. Kaya ayun todo ayos dito todo ayos doo-

"Ydessa! Briana! Kian! Sandyy!!!!! Kayong apat!! Labas!!"

Agad kaming nagkatinginan at napalunok. Kilala namin kung kaninong boses yun.

Kay Sister Tere, kapatid ni Sister Sa pero syempre joke lang yung Sister Sa. Pero realtalk paktay kami.

Dahan dahan kaming lumabas ng silid nang parang walang nangyari.

"Hi Sister Tere! G-ganda natin ngayon ah he-hehehe?" And there goes Kian sa mala engeng niyang pambobola.

"Tigil tigilan mo kong bata ka! Ano bang ginagawa niyo diyan! Maraming gagawin sa baba hindi nanaman kayo tumutulong!"

"Ah eh n-nag aayos lang po kami ahh.. haha! Opo tama! Nag aayos hahaha"

"uhh y-yeah! Ydessa's right! W-we are eating ourselves yea- u-uhh sorry fixing I .. mean hehe"

Ughh nakakalasing na ba ngayon ang lasagna?

"Sorry po sister susunod nalang po kami hehe."

Naguguluhan man ay tumango nalang si Sister at mas piniling umalis nalang nang may tumawag sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon