Di ko alam kung paano sisimulan. Di ko alam kung paano din tatapusin.
Alam ko ang tanga ko, kase ikaw yung pinili ng puso ko.
Ikaw pa, na kailanman, di ako binigyan ng espesyal na pansin.
Oo, lagi kang tatawag para sabihing magroad trip tayo. Minsan, lakad lang. Tas minsan, angkas mo ako sa motor mo.
Tas, hahanap tayo ng masasarap na kainan. Burgeran, tapsi o kaya lugawan. Basta masarap para sayo, masarap na din para saken.
Nakakatawa lang nung araw na tinawagan mo ako, medyo nag alala pa nga ako kase sobrang nakakakaba yung boses mo. Ayun pala, manghihiram ka ng barya kase ayaw mo ng gastusin yung huling allowance mo para sa linggong yon. At dahil sa hindi kita matiis, pinuntahan kita sa school mo para lang makauwi ka sa inyo.
Tas naaalala mo pa ba yung mga oras na sobrang di mo na ako nachachat kase ang busy mo. Sa school, sa tropa mo, sa ikinagulat kong girlfriend mo. Okay lang saken lahat yun. Mga tatlong buwan yon. Pero ayos lang. Kase, sino ba naman kase ako? Bestfriend mo lang ako.
And then, after that three months, nagulat ako, kase you messaged me saying you are broken. Na wala na kayo ng girlfriend mo dahil ipinag palit ka nya sa mas mayaman sayo. Ang sarap sanang i-seen na lang nung message mo. Pero nangibabaw yung pagmamahal ko. Di lang bilang best friend mo, but because of the reason beyond that.
Sabi mo, magkita tayo. Kase miss mo na ako. Miss mo na yung bonding natin. Sa ganitong lugar, ganitong oras. Again, um-oo na naman ako. Nakipag kita naman ako sayo.
Pagkakita ko sayo, sobrang di kita nakilala. Pumayat ka. Lumaki yung eyebags mo. Tas humaba yung buhok mo na sinusuklay mo lang ng brush up para di matakpan yung mukha mo. Sobrang laki ng nagbago sayo. At nalulungkot ako dahil don. Niyakap mo ako sa pagkakataong nakita mo ako. Mahigpit. Sobrang higpit na para bang sobrang tagal nating hindi nagkita. Umiyak ka non habang nakayakap saken. Napaiyak din ako. Nakakaloko, kase pagkatingin ko sayo, natawa ako. Tas inaasar kita, na para kang bading dahil bigla ka na lang umiyak. Pero tumigil ako noon, kase yung titig mo. Yung titig na binigay mo saken, tagos. Tagos sa puso na hindi ko maintindihan.
Kumain tayo ng araw na yun. Nagkwento ka. Nagkwento ka kung paano ka harapang niloko ng girlfriend mo. Nagkwento ka kung paano ka iniwanan ng mga bago mong tropa. Kung paano mo naiwala yung sarili mo.
"Di naman ako ganto dati diba, Jame. Di naman ako ganito kawasak dati nung ikaw pa yung kasama ko. Hindi kaya, you bring out the best in me?"
Tas tumitig ka ulit saken. Deretso sa mata. Tagos muli sa puso.
"Ewan ko sayo Rafael. Kainin mo na yang food mo." Tanging nasagot ko na lang. Tapos hindi na ako umimik. Hindi na ako tumingin sayo.
"Jamela." Nagulat ako sa paraan ng pagkatawag mo. Napaka seryoso. Na nakakapangilabot "Jamela, bakit kaya hindi na lang ikaw yung gelprenin ko no? For sure, di mo naman ako iiwan e."
Natawa na lang ako. Pero deep inside, I am shaking. And hoping, na sana, seryoso ka na lang jan sa mga pinagsasasabi mo.
"Tagal tagal ko ng naghihintay nyan e. Sus. Ngayon mo lang narealize." And then, I looked at you. And your face was priceless. Shocked was all over your face. Tapos tinawanan kita.
"Joke lang Raf." And then I whispered, " pero mahal talaga kita"
Alam ko rinig mo yon, pero wala akong pake. Gusto ko yong sabihin e. Kahit alam ko namang wala ka namang pake.Pagkatapos ng araw na yun, wala ka na namang paramdam. Dedma. Okay. Sanay naman e.
And then, there's this day na sobra kong pinagsisihan na magbukas pa ng facebook. Pag-open ko ng facebook ko sa laptop, bumungad agad saken yung status mo:
Rafael Diaz is in a Relationship with Cassy de Leon
Nakakatawa ako nung araw na yan. Di ko alam kung anong mararamdaman ko e.
That's why, I unfriended you on Facebook and get a life.
Oo, sinubukan kong kalimutan ka. Ni text mo or calls mo, di ko na din sinasagot. You even message me on Facebook saying what the hell is my problem and why did I unfriended you? Na para akong tanga. Sineen ko lang yon. Kase sinong mas tanga at bato sa atin Rafael?
I am almost happy without you. And then, Angelo came. He courted me. And then we became a couple after 1 month of courtship. You know what? He's like you. Pero, nung hindi ka pa wasak.
Nagulat na lang ako nung nalaman kong nag transfer ka sa school namin. Pero wala na akong pake. Teka, wala na nga ba?
You tried to approach me that time na pareha tayong walang klase. Nasa cafeteria ako non. Papalapit ka palang, pero umalis agad ako, pretending na kausap ko si Angelo sa phone.
Pero pagkatapos non, ang sikip sikip ng dibdib ko. Pero dedma lang naman diba? Ano bang pake mo sa nararamdaman ko? Oo nga pala, wala.
Nung nag wet and wild party night ang buong University, nagkasabay tayo ng pasok. Hinihintay ko non si Angelo. And I thanked him a lot kase dumating sya a minute after you arrived.
Ramdam ko yung matatalas mong tingin samin when we turned our backs on you. Inakbayan pa ako ni Angelo non. Not knowing the next scenario.
Angelo confronted me. He's not everyone think he is. Yes, he is a gay. Sinubukan nya lang naman. Di ako ganong kababaw para magfreak out. But instead, I hugged him. Saying that I understand him. And all things that happened that night will be only between us.
Pagkauwi ko galing don sa wet and wild party, bigla mo na lang akong hinatak. Cornered na ako e.
"Bat mo ako iniiwasan? Tangina nababaliw na ako Jamela. Ano bang ginawa ko? Miserable na ako. Tas aalis ka pa? Lalayuan mo pa ako? Si Angelo ba? Ano bang meron don? E mukha namang bading yon!"
I slapped you back then. Hard. Nabastusan ako e. You touched your cheeks. Tapos tumingin ka saken. With your most saddest face.
"You are so selfish Rafael. Lahat naman ginawa ko sayo e. Lahat naman ng gusto mo, sinusunod ko e. Tangina mo din kase. Bat ang manhid mo e! Tangina mo naman kase Rafael bat ikaw pa yung mahal ko e!" Then I cried. Hard. "But still, you chose to be dumb. Alam ko namang alam mo e. Pero bakit? Kase bestfriend? Ganon?" Tumingin ako sa'yo. Tas, nakayuko ka lang.
"Si Gelo. Napasaya nya ako. Sobra. Kahit bading yung tingin mo sa kanya. Kahit malamya syang kumilos. Pinasaya nya ako. Hindi katulad mo Rafael. Hindi katulad mo."
And then, I ran away. From you.
After that night, di na ako nag expect pa ng kahit ano galing sayo. Jan ka naman magaling Raf, ang mangbitin sa ere. Inamin ko na lahat sayo. Sana, satisfied ka na. Masaya.
At sana ako din. Maging masaya na. Kahit wala na. Kahit alam kong wala ng patutunguhan lahat.
BINABASA MO ANG
Some Stories Must Be Left Hanging
Short StoryMay manhid. May tanga. May nakakagago. May nagpapakagago