Chapter 3: A Zombie....???

54 3 1
                                    

.
.
.
Jhamaira's POV

habang nagqu-quiz pinagmamasdan ko si tito Galvez. Hindi siya mapakali,
lagi niyang tinitingnan at kinakamot ang sugat niya sa kamay,at di ko maintindihan kung bakit siya pinagpapawisan samantalang malamig naman sa room.

Pagkatapos ng quiz, nawala ang atensyon at pag-aalala ko sa tito ko , at napalitan ito ng kasiyahan dahil sa nangyari kay Jhon .
Asang asa kasi siya ,na siya ang
rank 1 sa quiz ngayon, kahit nga ako at ang buong section akala na siya ang nanguna sa quiz pero nakalimutan lang pala niyang maglagay ng pangalan sa papel kaya ang papel niya ang huling tinawag .

pero nagulat ako sa nangyari kay tito Galvez bigla kasi niyang tinanggal ang benda niya sa kamay na parang bang napaso at tsaka siya tumayo at patakbong lumabas .
Susundan ko sana siya para tingnan kung ano ang nangyari sa kanya nang biglang tumayo si fredo para sundan si tito Galvez ,

ano kaya talaga ang nangyari kagabi at saan niya nakuha ang sugat niya kagabi?..

Fredo's POV
.
.
biglang tumayo si sir na sya naming ikinagulat ..
bigla ring tumayo si jhamaira parang susundan niya si sir pero ako ang president ng sectiong ito kaya ako ang dapat na umalam kung ano ang nangyari kay sir kaya patakbo narin akong lumabas para sundan si sir

naabutan kong nagsusuka si sir sa hallway kadiri(kulay green) at ang baho(parang patay na daga) nung suka ni sir

"si-sir ok lang po kayo?" lalapitan ko sana siya pero itinaas niya kamay niya katumbas na ok lang siya at wag na akong lumapit , lumabas narin sila troi (v.pres.) ,a-j (sgt.arm) at ang iba pa naming kaklase kasama sila jhamaira at jhon
napasandal si sir sa pader kaya lumapit na kami ni troi para alalayan siya at dalhin na siya sa clinic .binilinan ko si a-j na bumalik sa room para magbantay sa mga kaklase namin .
habang naglalakad at inaalalayan namin si sir papuntang clinic ay napansin ko ang sugat niya sa kamay parang kinagat ng hayop,
halos maputol na ang hinliliit niya at pawis na pawis siya at talagang hinanghina na kaya binilisan nanaming pumunta sa clinic ,
nasa 4th Floor kami at nasa ground floor ang clinic kaya gagamitin nanamin ang elevator (tanging mga teacher lang maaaring gumamit nito, Y? yun ang RUles eh.)

malapit na kami sa elevator ng biglang mawalan ng malay si sir kaya napadapa kaming tatlo .

tumayo kami ni troi ngunit nanatiling nakadapa si sir .

"sir,..sir..."pag aalalang tawag ni troi kay sir

itatayo sana namin si sir pero buti nalang tumayo na siya,

nakatalikod sya sa amin
unang lumapit si troi.
paghawak niya kay sir
.
.
.nagulat ako dahil
bigla nalang siyang sinunggaban nito
di ko alam ang gagawin ko
pipigilin ko ba siya??...tatakbo ..ba ....???
nakatulala lang ako sa ginagawa ni sir kay troi ... may dugo naring umaagos sa katawan ni troi

"SIR..???" bigla kong tawag kay sir .

at bigla akong nilingon ni sir punong puno na ng dugo ang mukha ni sir. Nakakatakot ang itsura ni sir para siyang hayop na kinakain ang biktima niya

Masama ang tingin niya sa akin kaya napaatras ako sa takot

at napaupo ako .

papalapit na si sir sa akin
at tsaka niya ako sinunggaban
kaya napahiga ako ..

sinusubukan niya akong kagatin sa mukha ..
nakahawak ako sa balikat niya para itulak siya at pigilan
sumisigaw na ako ng tulong dahil malapit na niya akong maabot kaya pinilit kong makatakas sa kanya...
itinapat ko ang kanang paa ko sa bandang tyan niya at sinipa ko sya, tumilampon siya sa elevator kaya mabilis na akong tumayo at patakbo na akong pumunta sa room

Zombie undead Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon