Part One

17 0 0
                                    

WALKS ARE ROMANTIC
Written by KuyaFerrari21

©2016




"Kailangan natin matutong maghintay." Sabi ng lalaking kalbo na katabi ko sa kaliwa. Panay lang kami kapwa pasahero sa pagtawa. At least, may entertainer na magpapatawa sa matagal na traffic.

Andito ako ngayon sa jeep, stucked sa almost 3 hours na traffic. The situation is really unusual. Bali-Balita kasi ang mga indigenous people na nagra-rally.

"Tama ka kuya. Bet ko 'yan." Sabat naman ng bakla na likod sa driver.

Natahimik kami ulit. Nagkalikot muna ako ng cellphone at naglaro ng Clash Royale™.

"Aabutin tayo ng alas quatro kaya maghanap na tayo ng karton at banig at mag camping na sa harap ng St. Dominic Memorial." Napatawa ulit kami sa sinabi ng kalbong katabi ko.

Tawa lang kami ng tawa at natahimik ulit. Mula sa St. Dominic Memorial Park, inabot kami ng 30 minutes para sa trenta metros na biyahe.

"Asus! Matagal pa ba?" Reklamo ko sa aking utak.

Yamot na yamot na ako dito. Unti-unting nagsingbabaan ang mga tao sa sinasakyan kong jeep dahil maglalakad nalang daw sila.

"Dito nalang Manong." Bumaba ang isang babae na nakasuot ng uniporme sa isang Catholic school.

Naglakad siya. Nang hindi ko na matiis ang mataas na traffic, bumaba na rin ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at naisipan na i-vlog ang traffic. Pinindot ko ang start button at nagsimula nang magsalita.

"Hello YouTube, Elijah he-"

"Uy! Bumaba ka din." Wika ng babae na kasabay ko rin na bumaba.

Itinigil ko muna ang recording at nakipag-usap sa kanya.

"Ah, oo. Matatagalan pa tayo kung hindi tayo maglalakad. Sabi nga ni Kuys Kalbo, magca-camping na lang daw sa harap ng cemetery." Wika ko habang naglalakad.

"Oo nga. Taga asan ka pala?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Villa Leonora." Tipid kong sagot.

"Ah, magkalapit subdivision lang pala tayo. Sa Cruz Village ako." Sa likod ng subdivision pala siya nakatira.

"Cool." Wika ko.

"Teka! Taga City High ka?" Tanong niya.

"Uhm. Oo, bakit?"

"May kaibigan kasi ako doon. Si Kim. Si Kim Alison." Familiar.

"Do you mean, Vladimir?"

"Yas! How did you know him? I mean he's a fag."

"He's my classmate last school year. Kaano-ano ka niya?"

"He's my distant relative. Kim is jolly yet maarte. 'Yung baklang 'yun!" She said habang tatawa-tawa siya.

"Oka-Watch out!" Agad ko siyang kinabig.

Walks Are RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon