Chapter 2

7 0 0
                                    

Cyrine

Sige Cyrine takbo pa! Naku naman late na late ka na!

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa matanaw ko na ang room ko. Nang malapit na ako sa room ay biglang may isang lalaking lumabas kaya nabunggo ako at napaupo sa sahig.

"Aawwww"

Sino ba to?

Tinaas ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang galit na galit na titig niya sakin.

"YOU!"

Bulyaw niya sa akin halos manginig na ako sa takot. Pagtingin ko sa palda ko ay basa na ito. OMG! Naihi na ako sa takot.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ambang sasapakin ako.

"HUWAAAAAAAAAAGGGG!!!!"

"Ano ka ba naman Cyrine, kailangan pa kitang wisikan ng tubig bago ka magising. Bumangon ka na nga diyan!"

"Eh?"

Haayy nakahinga ako ng maluwag akala ko naman totoo na ang bangungot na yun. Wwooohhh!

"Anong oras ba ang pasok mo at himbing na himbing pa ang tulog mo?"

"7 po. Anong oras na ba mamay?"

"Sosmaryosep kang bata ka 6:30 na!"

Napabalikwas ako agad ng tayo. Arrrggh istorbo kasi ang bangungot na yun e nalate tuloy ako ng gising.

Pumasok na ako ng cr at nagmadaling maligo.

******************************

Daig ko pa ang nasa temple run sa sobrang bilis ng takbo ko.Hindi na nga ako pumasok kahapon tapos ngayon ay late pa ako.

Sa sobrang laki kasi ng school na to ay hapon ko na nahanap ang room ko. Kaya napagpasiyahan ko na lang na kinabukasan na lang pumasok at kapag minamalas ka nga naman ay late pa!

"Aray!"

Aaishhh! Sa sobrang bilis ng takbo ko diko na namalayan na may bato palang nakaharang at nadapa pa ako.

Teka,ganito rin yung nangyari sa panaginip ko kanina ah? Wag naman sanang magkatotoo yun!

Akmang pupulutin ko na ang mga nahulog kong gamit ng may isang pares ng sapatos akong nakita.

Pag angat ko ng tingin ay isang gwapong nilalang ang nasa harapan ko at pinupulot ang mga gamit ko.

Nabigla ako ng ilahad niya sa akin ang kamay niya. Kinuha ko iyon at tinulungan niya akong tumayo.

"Be careful next time"

Ang gwapo niya!

Nabalik naman ako sa wisyo ng tumikhim siya.

"Ah eh sa ... salamat"

Pag kaabot niya sakin ng mga gamit ko ay umalis na siya. Grabe para siyang anghel na bumaba mula sa langit.

Pagtingin ko sa ibabaw ng notebook ko ay may nakalagay doon na dalawang band aid.

Ngayon ko lang napansin na may sugat pala ako.

"OMG!"

Shit. Nakalimutan ko kung bakit ako nangangarag sa kakatakbo. Late na nga pala ako.

******************************

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng room namin at tulad nga ng inaasahan ko lahat ng atensyon ay nasakin na.

"Kita mo nga naman first week pa lang ng klase ay may nagpapakilala na."

Yumuko ako sa sobrang kahihiyan.

"Sorry po."

"Go and sit at the back!"

Payuko akong nagtungo sa likod katabi ng bintana. Napatingin ako sa katabi kong babae. Ang ganda niya! Sadyang mga gwapo at magaganda talaga ang nag aaral dito,mukhang ako lang ang naligaw.

Nabigla ako ng nginitian niya ako. Wow! Meron din palang hindi suplada dito! Ginantihan ko rin naman siya ng ngiti.

******************************

Lumipas ng mabilis ang oras namin. Kaya naman ngayon ay break na. Kasama ko ngayon si Dominique dito sa Cafeteria diko aakalain na madaldal pala siya at palangiti! Nakakahawa nga e.

"So,bakit napagpasyahan mong mag aral dito sa Willston Academy?"

"Pinilit kasi ako ng nanay ko tutal ay may Scholarship naman."

"Aaahhh"

"At isa pa, may volleyball at swimming team dito,gusto ko rin namang sumali."

"OMG! That's Great! Isasali kita sa volleyball team ko!"

"Talaga? Salamat!"

Ang saya naman at nagkaroon na rin ako ng kaibigan sa school na ito hindi ko na mararamdaman ang pagiging alone.

Napatigil ako ng biglang may mga babae ang impit na nagtitilian. Pagtingin ko sa pinto ng cafeteria nakita ko ang lalaking laman ng bangungot ko kani kanina lang kasama ang lalaking ubod ng gwapo na tumulong sa akin kanina.

Naglalakad siya kasama ang lima pa. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanya.

"They are the 5kings"

"Huh?"

5kings?

"They are the hearthrob and the most powerful in this school,kaya wag na wag kang magkakamaling kalabanin sila."

"Powerful? 5kings?"

"Yup,because of their money,looks,intelligence,and powerful fist, kaya binansagan silang 5kings."

Sus kabaklaan naman! Nangyayari pala sa totoong buhay yon!

"Si blondy hair Jared Evangilista, ang lalaking tahimik seryoso at pinakasuplado sa kanilang lima."

Jared? Napakaganda ng pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya.Hindi ko akalain na isa pala siya sa mga pinakasikat sa school na ito. At ano? Suplado? Parang hindi naman.

"At si Nigel Keo Santos ang lalaking pinakamatalino sa kanilang lahat."

"Eh sino naman yung dalawang kambal na yon?"

"Oh! Si Sky and Cloud Ramirez! The twin Cassanova."

Cassanova? Sayang ang kagwapuhan kung puro pambababae lang ang alam. Hindi nila gayahin si Jared Gentleman.

"And last but not the least ang walang awa na si Ezekiel Clark Willston ang leader ng 5kings at ang unico ijo ng may ari ng school na ito."

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Ano?!! Ang mayabang na lalaki na yun ay anak ng may ari ng school na ito?! Kaya naman pala ganon kung makaasta.

"Kaya wag na wag mo silang babanggain lalong lalo na si Zeke, dahil hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin."

Napayuko na lang ako. Naalala ko bigla ang nangyari kahapon. Sinagot sagot ko siya! Hindi ko alam na may lahing Willston pala siya! Haayyys! Ang tanga tanga mo talaga Cyrine!

"Ah eh.... mauna na ko Dominique nakalimutan ko may gagawin nga pala ako ngayon. Hehe salamat! Babye!"

Patakbo akong umalis sa cafeteria na yun. Pasensya na Dominique at iniwan kita, mahirap na baka mamukhaan pa ako ng lalaki na yun at kung ano pa ang gawin sakin.

Kapag namukhaan niya ko. Malalagot ako panigarado! Haayyy!

My HighSchool Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon